Demonic Angel - 2 Her Demon Side

773 18 10
                                    

Sh!t note: hello :D salamat sa pasilip silip na pagbabasa nitong Demonic Angel ^___^ isisingit ko pala dito yung nakaraan ni Era.. Di siguro kasing katulad nung naburang chapter.. Saka medyo pahapyaw lang XD tamad ang author ahaha di joke lang.. Mobile lang kasi gamit ko.. Sana maintindihan niyo :)))

---

"isang bangkay ang natagpuan dito sa abandunadong warehouse kaninang umaga lamang. Ayon sa pulisya isang estudyante ng isang pribadong eskwelahan ang biktima. Kasalukuyang iniimbistigahan ng SOCO ang brutal na pagpatay sa kawawang bata. Dumating din ang pamilya ng biktima kanina lamang. Ayon pa sa pulisya maaaring away sa Gang ang dahilan sa pagpatay sa bata. Kaya po kayong manunuod ingata---" pinatay ko ang t.v. at tumayo..

Kawawa? Dapat lang sakanya yun. Dapat pa ngang magpasalamat siya sakin dahil minadali ko na ang pakikipagkita niya kay Satanas. Di na siya nahirapan pa.

Nagtungo ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga pictures na sumira ng buhay ko. Ang dati kong buhay na pilit kong binabaon sa limot.

Kinuha ko ang isang litrato na may katabi akong lalake. Hubo't hubad akong nakayakap dito sa kanya. Nakangiti pa siya na nakatingin sa camera. Tuwang tuwa ang gago. Ngayon asan na ang ngiti mo? Kay Satanas mo na ba binibigay ngayon? Tsk.

Siya ang lalakeng pinatay ko kagabi. Ang lalakeng pinapalabas ngayon sa T. V. Sikat na sikat siya diba? Buong mundo ang nakakapanuod sakanya. Di lang buong eskwelahan namin. Ang galing kong magpasikat diba?

*flashback*

napako ako sa kinatatayuan ko at titig na titig sa bullitin board kung saan nakadikit ang mga pictures ko. Di basta bastang pictures. Mga litratong nakahubad ako at may katabing lalake.

Di ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko. Sakit? Awa? Lungkot? Galit? Ano ba ang dapat maramdaman ko ngayon?

Ramdam ko ang mga tingin sakin ng iba. Nandidiri sila. Ayaw nila akong lapitan. Puro kutya at masasakit na salita lang ang tanging naririnig ko mula sa kanila.

Pero di ko sila pinapansin. Dahil nakatuon padin ang pagtingin ko sa mga litrato. Naalala ko na kung sinong hayup na lalake ang katabi ko dito. Isa siya sa mga kasama nung party. Ang pinakilala sakin ni Kim.

Si Kim ang matalik kong kaibigan. Saan na siya ngayon? Saan na siya ngayong kailangan ko ng tulong? Kailangan ko ng makakapitan asan na siya?

Malandi? Bitch? Slut? Santa santita? Ano pa ang kulang? Lahat sinabi na nila.

Naramdaman kong umaagos na pala ang mga luha ko sa mga mata ko. Nakakatawa, bakit nangyayari sakin toh? Wala naman akong hinangad kundi ang sumaya. Magkaroon ng madaming kaibigan. Sumunod sa magulang. Pero bakit ganito?

"hindi totoo 'to. Hindi totoo ang lahat ng mga 'TO! HINDI! Hindi..." patuloy kong sabi habang tinatanggal ang mga litrato..

"hindi totoo 'to" napaupo na ko sa sahig dahil di ko na nakayanan. Masakit sobra. Para na rin akong pinatay. Pinatay sa kahihiyan. Pinatay sa kutya. Pinatay sa masasakit na salita.

Tumayo ako. Ano pa bang ginagawa ko dito? Wala na kong mukhang ihaharap sa kanila. Wala na. Sirang sira na.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Ang dami kong nakabangga pero di ko pinapansin. May iba pang tinutulak ako pag nababangga ko sila. Mga dating kaibigan na nakatingin lang sakin. Walang nag abalang tumulong. Walang nag abalang magtanong kung ayos lang ako. Lahat sila nilalayuan ako.

Lakad lang ako ng lakad hanggang mabangga ko

si Kim..

Nakatingin lang siya sakin na parang di ako kilala. May mga kasama siya pero sa iisang tao lang ako nakatingin.

Demonic AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon