Warning 04: You're hired

Start from the beginning
                                    


Bigla akong nasamid ng marinig ang sinabi niya.


"*cough* Can i drink this water Sir? *cough*" turo ko sa isang baso ng tubig na nasa table niya.


"Sure.." sagot niya. Agad ko namang ininom ang tubig. Nang makarecover na ako,


"Y-yung bruha este sadistang gangster na yun ang magiging personal alaga ko?" unexpected kong tanong. Naleshe na! >.>


"Yep.."


"Ahaha. Naku Sir, hindi naman po personal butler ang kailangan nun kundi psychiatrist, ang lakas ng topak eh.." napatigil ako nang tignan niya ako ng masama. "Ahehe..What i mean is, imposibleng magkasundo kami nun. Baka po hindi lang ako mabaog kundi maging baldado pa ako ng dahil sa kanya. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal Sir!" hindi ko lang talaga kayang pagsilbihan ang babaeng yun. Ano siya siniswerte?


Naiimagine ko tuloy kung anong pwedeng mangyari pag nagsama kami sa iisang bubong.


[Chase' Imagination]


"Yaah! Personal butler kita di ba?? Magluto ka ng makakain ko bilis!" -Devie


"Aba't! Hoy! Makapang-utos ka diyan! Magluto ka ng mag-isa mo!" -Chase


"Aba't!! Wala kang kwenta!!" -Devie sabay hagis ng kaldero kay Chase


"Waaaahh! Mommy!!!" TT3TT


"Tumigil ka diyan!! Magluto ka kung ayaw mong ikaw ang kakainin ko!!"


Then biglang nag ivolve ang katauhan ni Devie into a monster at agad sinunggaban si Chase.


[End of imagination]


GULP! T~~~T


Maygad! She's a gangster that turns into a monster! Nakakatakut! My life is in danger! Help!


Napatigil ako sa pag-iimagine ko ng marinig kong nagbuntong hininga si Sr.Demion.


"Nakiki-usap ako. Tulungan mo akong disiplinahin ang kapatid kong iyon. Alam kong masama ang ugali niya, kaya nga ako naghahanap ng personal na mag-aalalay sa kanya dahil nagbabakasakali akong matutulungan niyo siyang magbago. Titriplehin ko ang sweldo mo kung maaari."


Tumaginting ang tenga ko ng marinig ang huling sinabi niya. Triple?? Malaking salapi na yun di ba??


"Kahit isang buwan lang muna, kung hindi mo na talaga kaya, pwede kang magresign. Pero pag tumagal ka nang higit tatlong buwan at makita kong nag-iimprove ang ugali niya ay pwede kong ibigay ang lahat ng gusto mo. Isang milyon, mansyon, cars or Out of the country, kahit anong gusto mo ibibigay ko basta lang mapabago mo ang kapatid ko sa loob ng isa o tatlong buwan."


Wow. Sobra akong yayaman niyan pagnagkataon! At pag nag out of the country ako, makikita ko na rin sa wakas ang favorite at crush ko na disney character na sina Olaf at Elsa sa disney land! Sobrang saya nun di ba?! Yeah! All i have to do lang naman is to deal with that witch gangster. And beside, kailangan ko ring turuan ng leksyon ang bruhang yon!


Tumingin ako kay Sir Ferrio na naghihintay sa sagot ko.


Nagkunwari naman akong nagdadalawang isip. "Deal sir. Tatanggapin ko po." walang bruha bruha sa taong mukhang pera! Hahaha.


Napansin kong nagliwanag ang mukha niya.


"Thank you Mr.Park. I'm expecting you to help discipline her. Starting today ay lilipat ka na sa mansyon. Don't worry about the schedule of your class, i will transfer her to the School that you are in. And please, paki-iwasan mo siyang makagawa ng gulo sa School, yan kasi ang laging dahilan kung ba't naki-kick out siya sa mga school na pinapasukan niya. Ikaw na ang bahala sa kanya sa lahat."


"Opo! Ako po bahala sa kanya!" sabay salute ko.


Mwahihihi. Para lang sa pera!


Humanda siya sa akin! Tuturuan ko siya ng leksyon.


Insert evil smile with an evil plan. Mwahaha


WARNING! My Girlfriend is a Gangster ✔️Where stories live. Discover now