Warning 40: The Finale

30.5K 976 200
                                    

Warning 40: The Finale


(Chase' POV)


Nang makasigurado na akong tulog na siya ay dahan-dahan na akong bumangon mula sa kama. Umupo muna ako saglit sa tabi niya at pinagmasdan siya, hinawak ko ang kamay niya sabay halik nito.


"I will be back, Promise" then I kissed her forehead down to her nose and finally to her lips.


Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Bago ko tuluyang sinara ang pinto ay sinulyapan ko muna siya saglit.


Sigh . .


"Insan,"


Napatingin ako kay Hanee na nakaabang lang sa labas ng kwarto. Diretso lang ako ng lakad at pumasok sa kabilang kwarto na katapat lang ng kwarto ni Devie koh.


"Hindi ka ba magdadala ng mga tauhan? Delikado pag ikaw lang mag-isa ang pupunta doon. Sigurado akong maraming inihandang bitag para sayo si Senri.."


Kinuha ko ang itim na coat ko sa Wardrobe at agad kong sinuot ng maayos. Tumingin ako sa mahabang salamin para ayusin ang sarili ko.


"Sasama na lang ako sayo..o kaya humingi na lang tayo ng tulong kina Axelle.."


Napatigil ako sa pagkakabit ng butones ng coat sa huling sinabi niya. Nilingon ko siya ng konti,


"Walang sasama. Ako lang ang kailangan niya kaya ako lang ang pupunta. What you have to do now is to stay here and look after her." -binalik ko ulit ang tingin ko sa salamin, "Wala akong paki-alam kung marami man siyang bitag na inihanda para sa akin. Mas mabuti na rin yun para mas lalo kong maipamukha sa kanya na isa siyang malaking duwag at talunan."


Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay nag-umpisa na akong maglakad palabas ng Mansion. Bago ako tuluyang umalis ay may hinabilin muna ako sa kanya.


"If ever man na magising siya at hanapin ako, sabihin mo na lang na may inasikaso ako saglit tungkol sa negosyo namin. Huwag mo siyang hayaang makalabas ng Mansion habang hindi pa natatapos ang gulo."


And then I went out.



(Hanee's POV)


Nung umalis na si Insan ay agad kong dinukot ang Phone ko at tinawagan si Wings.


"Wings, umalis na si Insan.."


["Ok, kami na ang bahala.."]


"Sige salamat, mag-ingat kayo.."


*Totoot-Totoot*


Pasensya na Chase kung kailangan kong gawin 'to. Hindi ko pwedeng hayaan na mag-isa mo lang haharapin ang labang ito. Kailangan mong mabuhay para lang kay Devie. Alam ko namang kaya mong labanan mag-isa si Senri pero marami siyang mga tauhan na uutusan niya lang para patumbahin ka.

WARNING! My Girlfriend is a Gangster ✔️Where stories live. Discover now