[51]

1.8K 20 0
                                    

[51]

Umalis si Austin ng hindi ko man lang alam kung san sya nagpunta. Sinugurado muna namin ni ekek na walang nakakita sa nangyari bago ako nagpaalam na aalis at susundan si Austin. Pero pinigilan nya ko.

*flashback*

“pasensya na. pasensya na po talaga” patuloy na pag so-sorry ko sa mga faculty staffs sa cafeteria na nakakita sa away nila ekek kanina.

“huy ekek sure ka ba talagang walang nakakita? Nakakahiya talaga”

“wala yan anokaba. Ang aga kaya natin pumasok. Sigurado akong mga faculty members lang nakakita nun” unti unti nang dumadami yung mga estudyante. Kailangan ko nang umescape dito.

“ekek. kailangan ko nang umalis. Hahabulin ko lang si Austin” paalis na ko pero hinablot nya yung kamay ko.

“wag muna. Hayaan mo muna sya. let him cool down. Masyado pa sayang mainit thea. Magkakainitan lang kayo” napagisip isip kong tama sya at hinayaan ko muna si Austin

*end of flashback*

Ngayon nag lalakad kami ni ekek sa corridor papunta sa room namin. Halos ata lahat ng estudyante ay nakatingin samin. Inakbayan lang ako ni ekek at nginitian. Nagulat ako nung bigla syang huminto sa gitna ng corridor at hinarap yung mga taong nakatingin samin.

“iba talaga mga nararating tsismo’t tsismosa ano? Wala na ba kayong ibang alam kundi pag usapan ang buhay ng ibang tao? Why not try to talk and give some attention about your life. Baka may mapala kayo. Hindi yung kami yung pinag uusapan nyo. By the way. Kung insecure kayo kay thea. Naiintindihan ko kayo. Sino ba namang hindi maiinsecure sa babaeng to? eh kasing gwapo ko ang kasama?” muntik nang lumipad yung kamay ko sa ulo nya dahil sa pinagsasabi nya! Tignan mo to. nagawa pang isingit yung pagiging gwapo nya. Kahit kelan talaga.

“pwera biro. Dapat lang na mainsecure kayo sa kanya. Kasi walang wala kayo sakanya” sabi nya atsaka tumalikod at hinala na ako.

“uyyy ayieee touched naman ako”

“baka kala mo. May kapalit yun! lunch mamaya!”

“what?! parang binabawi mo lang yung libre mong breakfast sakin! Mas mahal pa lunch mo!”

“ayos lang. gwapo naman ako!” sabi pa nito sabay kindat. Nakko. Hindi mo ko mada-daan sa pa charms charms mo ekek. habang naglalakad kami ni ekek. biglang nahagip ng mata ko si iris.

“IRIS!” pagtawag ko sakanya pero hindi sya lumingon. Napansin ko din na mas bumibilis pa yung lakad nya. What’s the matter?!

MS.NOTHING MEETS MR.POPULARWhere stories live. Discover now