Part 21 :: Killer's Ally

1.7K 73 5
                                    

Grabe ang taas-baba ng paghinga ni Prince habang tigagal na nakatitig sa bangkay ni Mando. His mouth fell open, and his lips quivered in dread. Halos lumuwa din ang mga mata niya at kababakasan ng matinding takot at pagkagulat.

He really hates Mando, but hell, hindi niya naman ninais na ganito rin ang sapitin ng kapwa binata.

Wala nang ulo kasi ang bangkay ni Mando. At tila ba'y kapipigtas pa lamang gawa nang sumisirit pa nitong sariwang dugo sa pinagputulon nitong leeg. Tapos ang katawan ay para itong pinagsasaksak ng madaming tao or sinalakay ng isang halimaw na may mahahaba at matatalim na kuko. Ang tiyan ni Mando na hanggang dibdib ay warak na warak o sa tamang salita ay kinalaykay yata kaya ang mga laman-loob na ni Mando ay kalat na kalat na, nakabulwak.

Kung mahina ang sikmura ni Prince ay malamang kanina pa siya nagduduwal.

Tumaas ang tingin ni Prince at nagtagpo ang tingin nila ni Harvey. Nakatigil din pala ang kaibigan. At kahit medyo malayo na ito ay kitang-kita na grabe rin ang hingal nito. Nakasabunot sa ulo nito ang dalawang kamay, hitsura ng taong hindi alam ang gagawin.

Nabato silang dalawa na magkaibigan. Gusto ni Prince na sumigaw para pabalikin si Harvey pero nag-alangan siya kunga tama ba iyon.

"Harvey, come back here!" bigla ay si Hazen ang sumigaw habang umiiyak ang dalaga. Kinaway-kaway niya ang mga kamay. Minamadali si Harvey.

Awtomatikong bumaling ang tingin ni Prince kay Hazen na kapwa nawawalan na ng matinong pag-iisip. Nalilito na sa dapat gawin nila. They are at total loss right now.

"No! Kayo ang tumakbo na rito! Hurry up!" balik sigaw ni Harvey.

"Hindi! Ikaw! Bumalik ka rito!" Iyak at kaway pa rin ni Hazen kay Harvey. "Please, Harvey!"

Litong-lito na sila.

Napasinghap si Prince sa hangin. Siguro nga ay kailangan nilang sumunod na lang kay Harvey.

"Hazen, let's go! Tayo na lang ang sumunod sa kanya!" Kinuha niya ang kamay ni Hazen at hinila. Subalit bigla ay may nahulog na naman.

"Aaaahhhh!" sabay nang sigaw nila ni Hazen at takbo sila na magkahawak-kamay.

Unfortunately, imbes na papunta sila sa kinaroroonan ni Harvey ay napabalik sila sa school building na dapat sana'y lilisanin na nila. Ang bilis nilang umakyat sa mga baitang ng hagdanan.

"Tanga! Mga tanga! You both are f*ckin' idiot!" nanggilgil na mga mura tuloy ni Harvey sa dalawang kaibiga. Kitang-kita niya ang pagbalik nina Prince at Hazen sa loob ng building kaysa ang sumunod sa kanya.

"Dammit!" He has no option but to decide to go back. Subalit napaurong naman siya nang may biglang may umilaw sa taas na flashlight. Sa kabiglaan nga sa nakita niya roon ay napaupo siya. Nanginig nang sobra ang katawan niya.

Ang killer kasi iyon. At nakakalokong kinakaway nito ang flashlight nang marahan sa kanya.

Kulang na lang ay mapaihi na si Harvey sa matinding takot. Tila kasi ipinapahayag ng killer na siya na ang susunod. T*ngna!

"Waaaahhhh!" Balikwas ng bangon siya at kumaripas ng takbo. "Sh*t! Sh*t! Sh*t! No! No! No! Ayaw kong mamatay!" Kung ilang beses siya sumubsob at bumangon ay wala na siyang naging pakialam. Ang mahalaga ay makarating siya sa Aquino building.

At kahit lalaki siya, wala na rin siyang pakialam kung lumuluha siya habang tumatakbo.

"There!" Saglit ay nakita na nga niya ang hinahanap na opisina. Hingal na hingal man siya ay kay bilis niyang tinungo iyon. Tagatak ang pawis niya nang marating niya ang office na tanging alam nilang makakatulong sa kanila. Subalit hindi pa man ay sinakluban na naman siya ng matinding takot dahil tulad ng mga classroom ay nakapagtatakang bukas din ang pinto ng Dean's Office. Actually, naka-half open na ang pinto.

Napa-stop muna siya at napatitig sa bukas na pinto. Natakot siya at nag-alangan na siyang pumasok. Para kasing may mali.

"Bahala na," pero mayamaya ay matatag na sabi niya bago nagpasyang humakbang papasok. Mamamatay lang din naman sila kaya bahala na. Ito na lang ang tanging pag-asa nila.

"Holy sh*t!" nga lang ay sobrang gulat na naibubulas niya dikawasa. Sa pinto kasi ay may nakadapang bangkay na muntik na niyang maapakan at makatalisod sa kanya. Bangkay ng isang janitor. 'Yung matandang janitor ng school. Jesus Christ!

Napasandal si Harvey sa dahon ng pinto na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Lunok siya nang lunok. God! Lahat na ay pinapatay ng killer! Walang sinasanto!

And now he knows bakit nakabukas ang office. Malamang ay naglilinis ang janitor kanina bago ito pinatay. Nakaramdam siya ng awa.

Nang mahimasmasan ay nataranta na ulit si Harvey. Hinagilap na niya ng tingin ang sadya. At sa may desk nakita niya ang telepono.

Sobrang kinig ng mga kamay niya na kinuha ang awdotibo at nag-dial. 'Yung landline nila sa bahay nila ang una niyang tinawagan. Ang saya niya nang mag-ring ang kabilang linya.

"Hello?!" boses na nga nang sumagot sa kabilang linya. Ang Mommy niya. Thank God.

"Mom, it's me! Tulungan niyo ako—" natataranta niyang sagot subalit bigla ay nagto-tot-tot na ang linya. Ibig sabihin ay naputol ang tawag. "F*ck!" malutong na naimura niya. Madaling idinayal niya ulit ang numero, sa kasamang-palad ay wala nang dial tone.

Galit na galit siya na naibalibag ang telepono. Ano na ang gagawin niya?

Nang hindi sinasadya ay napunta at napako ang tingin niya sa isang CCTV camera. Unti-unti ay umawang ang mga labi niya at namilog ang kanyang mga mata nang ma-realize niya kung bakit parang kabisado lahat ng killer ang kilos nila.

Ang mga CCTV!

.

.

.

********

Ngumisi ang lalaking sinasalubong ang titig ni Harvey mula sa monitor ng CCTV na pinapanood nito.

"HAHAHAHA!" pagkuwa'y malademonyong tawa nito habang kampanteng nakaupo sa wheelchair. Nasa loob ito ng Surveillance Room ng school kaya nasa harap ito ng mga monitor ng mga CCTV cameras. Napapanood nito roon ang nangyayari sa bawat parte ng malawak na school premises ng Sanchi Senior High.

Pagkatapos tumawa ay may pinindot ang payat na lalaki sa may tainga nito.

"Nasa Dean's Office ang isa. Siya na ang isunod mo," at sabi nito gamit ang bluetooth headset. 

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now