Chapter 26: Game Time!

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Hi! Dito!" sigaw ng death metal chick nang makita si Pam. Naghihintay na ang grupo nila sa tapat ng entrance ng club at nagyoyosi. Sarado ang club at walang ibang tao sa paligid. "Ready ka na bang maging maganda forever?" anila paglapit ni Pam. Anim silang lahat at pampito si Pam. Mga sobrang excited na pagka't ang pangakong "eternal beauty" ay dinescribe sa kanila bilang habambuhay na kagandahan. Hindi hamak na may mga hitsura sila at sa kanilang vanity ay ayaw nilang tumanda o pumangit.

Bagama't kabado, ay nagawang ipakita ni Pam na in na in siya.

"R...ready na ako. Saan ba tayo?" tanong ni Pam na sinadyang lakasan ang kanyang boses para marinig sa mic ng GPS tracker.

"Hindi rin namin alam," sabi ng death metal chick. "Basta, dadalhin tayo doon."

Maya-maya'y may dumaang grupo ng mga lalaki na pawang mga gangsters at huminto at tinignan sila ng malagkit. Limang kalalakihan na na may mga tattoo, bagama't mukhang mumurahin lang, masabi lang na meron.

"Miss, baka gusto n'yo ng date?" sabi ng gangster na pawang leader nila.

"No, thanks," sabi ng death metal chick.

"Sige na."

"Sinabing ayaw namin eh!"

Kinabahan si Pam, lalo na't siya'ng next na pinagdiskitahan ng mga gangsters.

"Kahit pakiss na lang, miss, pamasko n'yo na sa amin," sabi sa kanya at hinawakan pang buhok niya. Pinaligiran ng mga gangsters ang mga death metal chicks, at hinipuan pa.

"Tangina, ang babastos n'yo a!" angal ng mga babae.

"Kunwari pa kayo, eh mga pokpok naman kayo!" tawa ng mga gangster.

Sa may kanto, kita ni Andy ang nangyayari. Napahawak na siya sa loob ng kanyang leather jacket kung saan naroon ang kanyang gun holster. Nang maglabas ng balisong ang gangster leader ay agad siyang umaksyon at naglakad patungo sa club.

"What the fuck? Anong ginagawa ni Mang Andy?" sabi ni Hannah pagka't tanaw nila ang P.I. mula sa van.

Nakatutok ang balisong ng gangster leader sa leader ng death metal chick, na kahit may patalim sa mukha ay matapang pa rin. "Parating na mga kasama namin," aniya. "Kaibigan namin si Juan Satan."

Nang madinig ang pangalang iyon ay nagkatinginan ang mga gangsters. Alam nilang reputasyon ni Juan Satan kaya't sila'y kinabahan.

"Mga chong, mga bebot ni Juan Satan pala'ng mga ito. Sibat na tayo!" takot na sabi ng isang gangster.

Sa may kalayuan, palapit na si Andy sa kanila nguni't siya'y napahinto, pagka't may biglang dumating na itim na van at pumarada sa tapat ng club. Napaatras si Andy at umiwas ng direksyon, ingat na hindi siya makita. Kilala niya ang van—iyon ay kina Juan Satan.

Nagulat ang mga gangsters nang makita ang itim na van. Bumukas ang pinto nito at nagbabaan ang mga lulan—si Juan Satan kasamang tatlong mga Satanista. ShetI sabi ng mga gangster. Magtatakbuhan na sana sila pero naharangan sila ng mga Satanista, na mas malalaki't matatanda sa kanila.

"Patay kayo," ngiti ng death metal chick. Sa likuran niya, kumakalabog ang dibdib ni Pam.

Hinarap ni Juan Satan ang gangster leader na may hawak na balisong. Pinagpapawisan ang leader, pero dahil ayaw mapahiya sa mga kasama'y nagtapang-tapangan.

"Hindi ako takot sa iyo," sabi niya. "Hindi ako—"

Sa isang mabilis na galaw ay hawak agad ni Juan Satan ang braso ng gangster leader at kaniyang pinilipit ito. Maririnig ang pag-crack ng buto. Humihiyaw na nabitawan ng leader ang kanyang balisong—na dinampot ni Juan Satan at walang anu-ano'y inukitan niya ng ekis ang noo ng leader. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito at siya'y bumalandra sa mga basura sa kalsada.

"Markado ka na," sabi ni Juan Satan sa gangster leader. "Takbo!"

Takot na nagsipagtakbuhan ang mga gangsters. Ang mga death metal chicks nama'y gulat pa rin sa nasaksihan, lalo na si Pam.

"Tara na, naghihintay na siya," sabi ni Juan Satan sa kanila.

Pinanood ni Andy ang papaalis na itim na van ng mga Satanista, sakay sa loob ang mga death metal chicks at si Pam. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa naghihintay niyang mga kasama.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong agad ni Jules sa kanya.

"Let's go. Sundan natin sila, pero distansya lang tayo," sabi ni Andy.

Kinambyo ni Hannah ang Revo at umandar ito paalis, kasunod nila sa likuran ang Pajero na sakay ang grupo ni Tony. Nakaramdam sila ng excitement at kaba na nagaganap na ang plano nila.

"Wait, may bagay na tugtog para dito," sabi ni Hannah at kumuha ng CD mula sa glove compartment at sinaksak iyon sa car stereo. Sa speakers, bumulahaw ang mabigat na kaskas ng electric guitar at tumugtog ang "Sabotage" ng Beastie Boys. "Yeah, JHS! WHOOO!!!!" sigaw ng psychic.

Nakakahawa ang tugtog, kung kaya't napasigaw na rin si Jules. Si Father Markus ay napahawak sa kanyang upuan. Pumped-up na rin si Andy bagama't tila may bumabagabag sa kanyang isipan. Nakita niya kasi ang nangyari sa tapat ng club—ang ginawa ni Juan Satan sa gangster leader, ang pagukit ng marka sa noo, at naramdaman niyang hindi basta-basta ang mga Satanista. Lalo na't nakita niyang armado sila ng baril. Alam ni Andy na mapapalaban sila.

NEXT CHAPTER: "Pasko sa Mansyon"

Ang Dalawang Anino ni SatanasNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ