MFL 5 (REVELATIONS)

43 1 0
                                    





Kinabukasan, maaga akong nagising dahil ngayon na ang biyahe namin papuntang Cavite. Medyo malungkot parin si daddy. At ako naman, patuloy paring nagtataka sa mga ikinikilos at nasabi niya kagabi. Napabuntong-hininga na lang ako.

Agad ko nang inilabas ang mga maleta na dadalhin ko para mai-ayos na ng mga maid at ng driver. Pero hindi kami mag ddriver ngayon dahil ang gusto ni daddy ay siya ang mag ddrive pero nag-aalala pa din ako dahil malamya nga si Daddy.

Pagkatapos ng 10 mins lang e bumaba na si daddy. And ayun nga, malungkot parin ang awra nya.

"Good morning daddy." Nakangiti kong bati sakanya.

Sinagot niya naman ako ng naka-ngiti kahit papano.

"Good morning nak, tara na." Paanyaya ni daddy kaya agad na rin akong sumakay ng kotse

"Matulog ka muna nak sa biyahe, halos 4 na oras ang biyahe kaya paniguradong mapapagod ka. Sige pikit ka muna." Sabi ni daddy.

"Opo dad. Sige po.. hindi pa naman po ako inaantok o pagod.. Sige lang po."
Sagot ko habang nakangiti. Pero parang hindi naman napansin ni daddy dahil naka focus sya sa pag start ng kotse.


Napailing na lang ako. At agad naman nang pinaandar ni daddy ang kotse kaya sumandal na ako.






Ilang sandali pa, hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. Bigla namang may ala-alalang nag pakita saakin sa panaginip ko.






"Haha! Basta ako, Faustina.. Hindi ako makakapayag na ibang lahi ang mapangasawa mo at lalong-lalo na yung lahing maabuso. Gusto ko yung kalahi lang natin at yung responsable, yung mamahalin ka ng tapat.. Yung kaya kang patunayan at ipaglaban." Suhestiyon ni Hilario sa tatay nila na si Lucio ukol sa dapat makatuluyan ni Faustina. Alam nilang maraming may nais kay Faustina dahil lumaki ito ng napakaganda at matalino.

"Ay basta Tay,Hilario. Susundin ko na lang ang puso ko. At syempre yung pipiliin ko e yung kaya ako naman akong panindigan." Sagot naman ni Faustina.

"Ah, basta nak. Mag-aral ka muna nang maiahon mo ang pamilya natin.. Wag ka munang magpaka bulag sa pag-ibig dahil ang bata bata mo pa!" Sagot naman ni Tay Lucio.

Nanatili na lang sila sa kanilang sala at nauwi ang kanilang usapan sa tawanan.








**

Napa-angat na lang ako ng ulo ko matapos may nag flash na ala-ala. Wala akong maalala basta may kasama akong dalawang lalaki at mag didiskusyon kami tapos nagtawanan din. Ang weird.




"Nak, matulog ka pa. Ni-wala pa tayo sa kalahati ng biyahe natin." Seryosong sambit ni Daddy.

"Sige dad.. Pero wala po ako sa mood na matulog pa e."



Mas pinili ko na lang tumingin sa view. Medyo malayo pa nga kami. Hindi lang siguro talaga ako pagod o kung ano man kaya sandali lang ako nakatulog.

Patuloy lang akong tumitingin sa labas. Para akong nawawala sa sarili ko. Parang may masamang mangyayaring hindi ko mapaliwanag.


"Anak, andito na tayo." Sabi ni daddy.

Nagtaka naman ako dahil parang hindi eto ang ancestral house namin.



Nagtaka naman ako dahil parang hindi eto ang ancestral house namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon