MFL 3

48 1 0
                                    





Kinaumagahan, nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Aish. Ano bang nangyari kagabi?  Ay oo, nag away lang naman nanaman kami ng magaling kong DAD.

Pero minsan.. oo, aaminin ko. Nakokonsensya naman talaga ako sa mga pinagsasabi at kung pano ko tratuhin, sisihin ang daddy ko sa mga nangyari sa mommy. Alam ko namang ginawa niya ang lahat para maprotektahan ang nanay ko. Pero ewan ko ba.. Hindi ko mapaliwanag.. Na sa bawat titingnan ko siya e naalala ko ang malagim na kinasapitan ng mommy ko.






Mas bata ang mommy ko sa daddy ko. 16 years old palang si mommy ng ipagbuntis niya ako.. si daddy naman ay 10 years ang tanda kay mommy. Kaya ganun na nga lang naman siguro ang galit ng mga lolo at lola ko sa side ni mommy kay daddy. Minsan naaawa ako kay daddy kasi lahat naman pinag sisikapan niya. Mas nagalit nanaman ang lolo at lola ko kay daddy ng namatay si Mommy.





Minsan din naiisip ko, bakit ko kailangan kamuhian si daddy? E-ewan ko.. pero ganto na lang talaga ang pag kulo ng dugo ko sa tuwing nakikita ko ang mukha niya.


Inalog ko na lang ang ulo ko dahil wala naman na ding patutunguhan tomg iniisip ko. Maaga pa naman. Mamayang alas-diyes pa ang klase ko.


At sa kadahilanang na mi-miss ko nga si mommy, pinuntahan ko ang kwarto niya. Hindi naman ito nagalaw simula ng NAMATAY siya.




Pinihit ko na ang doorknob para makapasok ako. Wala rin namang alikabok dahil madalas naman ni daddy pinapalinis.

Agad sumalubong saakin ang magandang bed ni mama. King size ito at malawak talaga. Hindi rin pinayagan ng lolo at lola ko sa side ni mommy na sa iisang kwarto lang matutulog nag mag-asawa. Hays. Napaka strikto talaga ng lolo at lola ko.


Umupo ako sa bed ni mommy at napag desisyunan kong buksan ang maliliit na drawer sa tabi ni mommy.

Usual lang naman ang mga nakita ko: alahas, pony tails, at mga notes.
Hanggang sa buksan ko ang pinaka ilalim na drawer.

May nakita akong jewelry box.. medyo madumi, amoy alikabok at halata mong may kalumaan na talaga.

At dahil talagang na curious ako, binuksan ko ang laman.

Tumambad saakin ang isang kwintas.. Halatang mahal pero sobrang luma na. Medyo nag fe-fade na rin ang kulay.





Hindi ko alam pero para bang may biglang kirot akong naramdaman ng makita at hawakan ko ang kwintas na iyon.

Biglang sumakit ang ulo ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Para bang na doble ang sakit ng ulo ko kumpara kanina.


"Right here.. Ngayon, 25th day of April year 1941 in Mayang Falls in Trece Martires Province of Cavite. Pinapangako ko na ikaw lang ang mamahalin ko, Faustina. This waterfalls.. This'll be one of the most romantic place for us.. for the story of our love. And this necklace.. na may pendant na diamond shaped gold.. This symbolizes you.. Isa kang ginto para saakin. Ganto ka ka-mahal, ganto ka kamahal. Mahal na mahal kita, Mi Amor.. Faustina Fuentes."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon