WMA by: AkiahKnight

2 0 0
                                        

We Meet Again

"Langya!" mahinang sambit ko ng mas lalong lumakas ang ulan, medyo basa na rin ako, kaya agad-agad akong tumakbo sa coffee shop na pinakamalapit.

Umupo agad ako sa pinakasulok ng coffee shop at sinenyasan ang waiter para makaorder na ako, agad naman itong lumapit at ibinigay ang menu.

"Hindi ako mahilig sa kape, pwede ka bang ikaw na lang pumili para sa akin?" sabi ko sa kanya, tumango naman ito habang nakangiti.

"Yes mam, but mam do you mind if it is expensive?" tanong nito

"No I dont mind, kahit mahal ayos lang" sabi ko agad naman itong tumango.

"Mam, can I know your name?" tanong nito habang nakahawak sa ballpen at papel.

"Jazea" sambit ko.

"Pakidagdagan na rin ng one slice ng strawberry cake" sabi ko, agad naman itong tumango at umalis.

----

After a minute ay dumating na rin ang order ko, agad naman akong uminom sa kape.

"Shit" mahinang mura ko ng mapaso ako, nakng!

"Hi" Nagitla ako ng biglang may nagsalita.

Napalingon naman ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

"Can I seat here?" tanong nito, agad ko naman inilibot ang paningin ko sa coffee shop, mafami namang bakanteng table ah? Bat dito pa to mauupo?

"Tss, hindi pwede, sa iba ka umupo, ang daming bakante, nakikisiksik ka rito" sabi ko at tinignan sya ng masama, iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya dahil akala ko ay aalis na sya.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong umupo sa kaharap kong upuan.

"Nakng!" sigaw ko rito, ngumiti naman ito

"Hindi ka pa rin nagbabago, Jazea" sabi nito, napatitig naman ko sa kanya, saka ko lang sya namukaan.

"Reo" wala sa sariling sambit ko.

"Oh?" tanong nito habang nakangisi.

"Waiter" tawag nito, agad namang nagpunta yung waiter at sinabi nya na ang order nya.

"Kamusta?" tanong nito at ngumiti, lalo tuloy nawala ang mata nya. Singkit kasi sya.

"Tsk!" tanging nasambit ko at inirapan ko sya. Bakit ba nagpakita pa ito? Bakit ba nagpakita pa ang lalaking halos sumira sa highschool life ko? At bakit pa nagpakita ang lalaking nagpagulo sa nararamdaman ko noon?

"Naaalala mo pa ba nung highschool tayo?" tanong nito, inirapan ko ulit sya, gaya ng ginagawa ko sa kanya noon.

"Oo, urur ka! Ikaw lang naman ang nangbwisit sa highschool life ko!" sigaw ko sa knya sabay taas ng middle finger ko at inom ng kape.

Natawa naman ito at saglit na natigil ng dumating ang order nya, pagkaalis ng waiter ay agad uli itong nagsalita.

"Gusto mo bang malaman ang mga dahilan kung bakit ko sayo ginagawa yon?" tanong nya, at sa hindi malamang kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ba ako?

"Para inisin ako?" tanong ko, umiling naman ito.

"Naaalala mo pa ba nung niremove kita sa Group Chat ng section natin?" tanong nya, tumango naman ako.

"Niremove kita para mapansin mo ako" sabi nya, inismiran ko naman sya.

"Baka para inisin ako" bulong ko, pero narinig nya ata kaya tumawa sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Meet AgainWhere stories live. Discover now