CHAPTER SIX

1K 29 1
                                    

PRINCE CHARMING IS COMING

"Ito na siguro ang pinaka magandang balitang ia-announce ko" sabi ng professor namin

Ano nanaman iyan?

"Dahil ito ang section A magiging kasama at magiging kaklase na niyo ang 12 Hades"-galak na galak na sabi ng professor namin

WHAT!

Lahat ng mga babae nagsisigawan yung mga lalake naman tikum ang bibig

Nag bow ang professor namin

"Mahal na hari may upuan po sa likuran na para sa inyo" sabi nito

Kaya pala may upuan dito na akala mo laging sasambahin

"That's unfair kailangan umupo rin siya sa normal na upuan nuh" sabi ni Tyler

"Alam mo ang daldal mo" sabi ni Rex

"Tama si Tyler dito ako uupo sa uupuan rin ninyo" sabi nung Dale

Whoohh pakitang tae ay pakitang tao pala

"Sabi ko sa inyo eh" sabi ni Tyler

Walang hiya bakit kailangan katapat ko pa sila

Nagbasa ako ng libro ko para hindi nila ako mapansin

"Master" tawag ni Sid

Wtf.

"Good classmate natin siya" sabi ni Callix

Tinignan ko silang lahat

Nakita ko si Phil naalala ko si Aya..itong!kawawa toh sa akin mamaya

"Huy! Bakit ang sama ng tingin mo kay Phil?"-Tyler

Pinakita ko yung kamao kay Phil

"Lagot ka" asar nila sa kanya

Pero as usual pokerface ang hari

Pagkatapos nung class namin inantay ko ang 12 Hades hanggang makalabas sila

"Kanina mo pa ako tinitignan ng masama ah" naiiritang sabi ni Phil

"Bakit ba! Trip ko eh" sabi ko

"Marvin sumusobra na toh bigyan mo nga ng leksyon" sabi ni Phil

Tinignan ko si Marvin

"Talo nung tiger look niya yung smirk ko eh" natatawang sabi ni Marvin

"Sino ka! Para lokohin yung kaibigan ko" sigaw ko sa kanya

"Ano bang pinagsasabi mo" sigaw rin nito

"Kath wag na" awat ni Aya sa akin

"Ay siya ba? Hindi kasi siya exciting walang thrill ang dada niya pa walang ka class class nakalimutan ko galing pala kayong epriona" sabi nito

"Tingin mo nakakalalake yung panloloko mo ng mga babae. Kaduwagan ang tawag jan hindi mo kayang panindigan yung nilalabas ng madumi mong bunganga" sabi ko

Sasampalin ko na dapat siya pero hinawakan niya yung kamay ko

"Madami ng nanampal sa poging mukhang ito pero wala kang karapatan dahil hindi ka naman kasama sa mga babae ko" sabi nito

"Madami na pa lang sumampal ah" sabi ko sabay sipa sa alaga niya

Namilipit siya sa sakit

"Siguro naman ako ang unang buminyag jan sa alaga mong hindi mapakali" sabi ko sa kanya

"Humanda ka sa akin" sigaw nito

"Humanda ka sa akin baka sa susunod na mapikon ako sayo hindi na lang sipa ang aabutin mo baka pagkagising mo putol na yan at wala ka ng kinabukasan para hindi ka na lalandi pa" sabi ko sa kanya at hinila palayo si Aya

Who Will Kill Me? Where stories live. Discover now