"Very good Ms.Fernandez yan ang gusto kung studyante kakasabi ko lang kanina may project ka na ngayon hanggang sa susunod" sabi nito

Tumango ako at umalis na sa faculty

"Kath" sigaw ni Adrian

"Bakit?"-sabi ko

"Sumunod ka sa akin" pumunta kami sa isang tagong lugar

"Ikaw ba toh?" Sabi nito sabay abot sa picture

"Oo ako ito pero hindi" sabi ko

"Huh?" Sabi nito

"Mukha ko yun pero hindi pa ako nakakapag suot ng ganyang mga damit mamahalin tignan mo may alahas pa siyang suot kaya siguro kamukha ko lang" sabi ko

"Sa Epriona ka na ba pinanganak?" Tanong nito

"Sa Dasyl ako pinanganak pero nung nawalan ng pera ang mga magulang ko pinatapon kami nung dating reyna ng Dasyl sa epriona yun ang sabi ng nanay ko hanggang sa magkamuang na ako sa, sa epriona na ako nakatira" sabi ko

"Oh malabo nga na ikaw yan" sabi ni Adrian

"Sino ba toh?" Tanong ko

"Si Elida" sabi ni Adrian

"Huh? Paano?" Tanong ko nakaka confuse naman oh

"Yan rin ang tanong ko sa isip ko pero ayun sa kwento mo mukhang hindi ikaw ito" sabi ni Adrian

"Totoo ba yung narinig ko si Dale ang pumatay kay Elida pero paano niya papatayin yung babaeng mahal niya?" Tanong ko

"Wala ako sa pwesto para magkwento sa iba eh" sabi nito

Tumango ako

"Sige mauna na ako" sabi ko

"Kath" tawag ni Adrian sa akin

Tumingin ako sa kanya

"Pag nahihirapan ka na sa situation sabihin mo lang at ilalabas kita dito sa Hadria" sabi nito

"Hindi ko alam kung buhay pa ba ang mga magulang ko o kung may mababalikan pa ako sa epriona kaya sa ngayon dito muna ako sa Hadria" sabi ko

Naglakad na ako papalayo sa kanya at pumunta na sa dorm ko

"Waaaaah" may umiiyak ba?

"Sino yan!"-giit ko

"Kath" sumilip ako sa loob ng kwarto ko

"Walanghiya ikaw lang pala" sabi ko kay Aya

Pumasok na ako at humiga sa kama ko

"Totoo nga lolokohin nya lang ako" sabi nito

Hindi ako sumasagot hinahayaan ko lang siyang magsalita

"Nag dinner lang kami tapos hindi yata siya nag enjoy sa akin masyado kasi akong madaldal nag hanap ka agad siya ng iba doon sa loob ng restaurant tapos iniwan niya ako mag isa sa table tapos binayaran niya lang yung kinain namin umalis na siya kasama yung babae nainsulto ako doon" sabi nito

Umiyak pa din ito ng umiyak

"Sige na magdidilim na pumunta ka na sa silid mo" sabi ko

"Galit ka pa din ba sa akin? Sorry na kath. Sa susunod makikinig na ako sayo sorry na" sabi nito

"Sige na pumunta ka na sa silid mo akong bahala sayo bukas ilock mo yang pinto ko" sabi ko

Umalis na siya

DALE'S POV

"Pag sinabi kung iputok mo yung baril iputok mo" sigaw ni adine

"Hindi ko magagawa yan gusto ko siya. Adine parang awa mo na tigilan mo na kami"

"Babarilin mo si Elida o babarilin ng kawal ko ang Mama mo" sigaw ni Adine

"Isa"

"Dalawa"

"Dale"-Elida

"Tatlo"

"Dale" sigaw ni Rex

"Panaginip lang yan" sabi nito

Kasalanan ko ang lahat

UNKNOWN'S POV

"Hanggang ngayon hinahabol habol siya ng trahedyang iyon"

Sabay halakhak nito

"Parehas sila ng kanyang ama parehas silang mangmang"

"Ano pong dapat naming gawin?"

"Hayaan niyo siyang patayin ng konsensya niya"

"Masusunod po"

Who Will Kill Me? Where stories live. Discover now