chapter 1

9 1 0
                                        

Krishalyn pov

"Krisha gising na" nagising ako ng narinig ko ang boses ng kaibigan ko.aishh istorbo kitang natutulog pa yung tao eh.

"what?" inaantok na tanong ko

"bumangon kana diyan" aniya sabay alis niya ng kumot sakin.binalik ko rin naman ang kumot sa pagkatakip ng katawan ko

"Bakit ba? can't you see im sleeping" inis na sabi ko.

"remember ngayon tayo bibili ng gamit para bukas"

"ano ba meron bukas at kailangan pa tayo bumili ng gamit? curious na tanong ko.Ano ba meron bukas?

"Ano kaba krishalyn!bukas na ang first day of school remember? hay nako halatang hindi ka excited pumasok"  ayy oo nga pala bukas na ang pasukan.ang bilis naman ng bakasyon hindi ko feel kasi naman sa bahay lang ako this summer kung hindi naman sa bahay sa mall.

"sige na lumabas kana,mag aayos na ako at maliligo .Hintayin mo na lang ako sa baba" ani ko sabay bangon.

"okey,bilisan mo " sabi niya.tumango na lang ako.Hindi pa siya nakakalabas ng pinto may sinabi nanaman siya,hayst hindi ba to nauubusan ng sasabihin

"ayy oo nga pala sasama satin sila Dawin.Hindi pa daw kasi sila nakakabili ng gamit for tomorrow and sabi nila sunduin na lang daw natin sila"

"bakit tayo pa susundo sa kanila? eh sila yung lalaki dapat sila ang sumundo satin" inis na sabi ko.napaka ungentleman talaga ng tatlong kumag na yun.

"sira kasi kotse ni dawin , si krys at rence naman iniwan ang kanilang kotse sa bahay nila" Paliwanag niya.ay oo nga pala sa bahay nila Dawin natulog yung dalawang kumag na yun.by the way dawin is my childhood friend at si krys at rence naman ay naging kaibigan ko lang nung 1 year highschool.

"okey"  sabay pasok sa cr.narinig ko naman ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko hudyat na lumabas na si Sanya.

after 1 hour natapos na ako mag ayos ng sarili ko.Bumaba na ako baka mainis pa sakin si Sanya.

Pagkababa ko naabutan ko sila na nakain na.Aww hindi man lang ako hinintay.

"oh bess tagal mo,pero okey na rin kasi may time pa ako kumain"  sabi ni sanya habang nakain.natawa naman sila mom at kuya.Ang takaw talaga nitong bestfriend ko ano kaya laman ng tiyan niya baka sawa na.

"anak umupo kana dito at kumain"  sabi ni mom.Pero bago ako umupo lumapit ako kay mom.

"Good morning mom" bati ko sabay kiss.sunod ko naman binati si kuya jorren

"morning hyung" sabay kiss sa pisngi.

Umupo na ako sa tabi ni sanya at kumain na habang nakain kami biglang nagpaalam si kuya

"I have to go,bye mom and trisha. sanya bantayan mo si krisha huh?"  bilin ni kuya.

"ofcourse kuya jorren "  ngiting sabi ni sanya

"hyung!! im not kid anymore para bantayan.Im a big girl" inis na sabi ko sabay irap

"okey okey alis na ako" natatawang paalam ni kuya sabay alis.tss hindi na ako batang paslit para bantayan pa.makakain na nga lang.

Pagkatapos namin kumain ni sanya nagpaalam na kami kay mama.

"ingat kayo,trisha uwe ng maaga" bilin ni mom.tumango naman ako kay mama.

Dumiretso na kami sa kotse.hinagis ko kay Sanya ang susi.wala ako sa mood para magmaneho dahil hindi maganda ang gising ko kulang na kulang 2 am na kasi ako natulog dahil nanood pa ako ng k-drama.

Im inlove with my bestfriendStories to obsess over. Discover now