Unang gumalaw si Daddy.

"I'll give you three hours, I need you Theo and Isabella inside our meeting room." Tumango ako.

Hindi na sumagot si Tristan, I know gusto na niyang sumagot kanina pa sa dami ng sinasabi ni Daddy pero hindi ko ito hinayaan. Dahil alam kong kahit anong katwiran niya ay hindi ito pakikinggan ni Daddy.

Bago kami iwan ni Ace ay nagsalita ako.

"Ace, I mean kuya. Let's talk soon." Tumango lang rin ito sa akin.

Nang makalabas na sila ay agad akong tumakbo sa pintuan at ni-lock ko ito.

"Akala ko ay mababaril na naman ako," humiga ito sa kama at mukhang pagod na pagod.

Tumabi akong muli sa kanya at hinaplos ko ang buhok niya.

"Do you want to sleep? I'll watch over you. Gigisingin na lang kita kapag magme-meeting na tayo."

"Can we sleep together, baby?" mabilis niya akong inihiga sa kama at niyakap nang mahigpit.

"We can't, mamaya ay mapasok tayo at bigla ka nilang barilin." I laughed.

"But you were right a while ago, handa naman akong maghintay sa altar. But you seduced me." Dito ako napabangon.

"That's it! That's it! Kaya ka nababaril dahil sinungaling ka! I lied to protect you, lalaban ako ng pustahan na hindi 'yon ang nangyari. Maghihintay ka sa altar without your own definition of mining? Dream on, Ferell. Ang maghintay ang huling bagay na kayang gawin ng lahi mo." Ngumisi ito sa sinabi ko.

"Alright, let's now sleep."

Pinagbigyan ko siya, pinili na lang muna namin matulog dalawa. Nagising lamang ako nang mag-vibrate ang telepono ko at sinabi ng sindikato na bukas ko na lamang daw makakausap si Theon.

I have this hope that Tristan's deduction was right, na may kinalaman siya sa pagkawala ni Theon. That makes my son safer, pero ang kaalamang dagdag na naman ito sa panloloko niya sa akin..hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa kanya.

Tiningnan ko ang oras, mag-iisang oras lamang ako nakatulog. Tristan is still sleeping, hinalikan ko muna ito sa kanyang noo bago ko ito iniwan.

Kalalabas ko pa lamang sa may pintuan nang makita ko sa hindi kalayuan si Armando at Ace.

I walked to them.

"A-Ace.."

Tinapik nito ang balikat ni Armando at nakuha agad nito ang ibig sabihin niya. Nagsimula na kaming maglakad papalayo at pinili namin maubo sa isang bench malapit sa malaking boxing ring.

"Can you still remember that I used to train you inside this kind of ring?" umiling ako.

"How are you?"

"Finding my lost memories," simpleng sagot ko.

Nabalot kaming dalawa ng katahimikan bago may nabuong tanong sa aking isipan.

"I heard few backgrounds from my adoptive family, what made you enter this agency Ace? Do our family have a threat or something?" nagtatakang tanong ko.

"It's for myself, trying to be competitive."

"Competitive?"

"Sakit sa ulo ang mga Ferell, that's the only words I can say."

"Still Nally?" nagulat ito sa sinabi ko.

"How did you know that? I thought—"

"I told you, I do research. I asked."

"Sinong pinagtanungan mo?" umiling lang ako sa kanya.

We talked minor topics until we went to sensitive one. Sinabi ko rito ang buong nangyari sa akin hanggang sa aking anak. Our current situation and the upcoming missions.

Hindi tulad ni Daddy ang naging reaksyon nito, kalmado ito. Pero ang galit niya sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ni Tristan ay nag-uumapaw.

"Anyway, I missed you sister. A lot." Niyakap ako nito at hinalikan sa aking noo.

Katatapos lang namin mag-usap ni kuya nang hanapin na ako ni Tristan. Umismid si kuya habang di naman nagpatinag ang magaling na Ferell.

Nagpunta na kami sa meeting room, nasa puno ng mahabang lamesa si Daddy. Nasa gitna ako ni Tristan at kuya.

Nakahilera si Armando, Hazelle at Enna sa kabila. Tipid na ngumiti sa akin ang dalawang babae.

"Since, lahat tayo ay bulag sa mga nangyayari. Tulad ng sabi ko, we need to find information. This mission is quite sensitive dahil nakasalalay dito ang buhay ng aking apo, we need fewer yet skilled people. At kayo ang pinaka-inaasahan ko sa inyong dibisyon." Panimula ni Daddy.

"I have read the situation sir, ipagpapatuloy pa rin ba ni Lina ang pagiging hummingbird? We will alarm the syndicates if they found out that she's now with Sous L'eau." Agad na sabi ni Hazelle.

"How about Gray and his group, even the aylip mistress is part of this." Sabat ni Enna.

"Aylip? They are part of this?" tanong ni kuya.

"Oh, someone is still into my cousin. Mag-aasawa na yata si Nally." Biglang sabi ni Tristan.

"Shut up, Ferell."

"Just telling the fact, baka paasahin ka na naman ng pinsan ko."

"Tristan.." babala ko dito.

Nakakunot na ang noo ni Daddy.

"Not unlike you, sinamantala mo ang pagkawala ng alaala ng kapatid ko. And you're a liar asshole, do you think Hidalgos will accept you?"

"Tumahimik kayong dalawa!" sigaw ni Daddy.

Natahimik ang buong meeting room sa boses ni Daddy.

"Right now, hindi natin alam kung ano ang takbo ng isipan ni Gray or even Savannah. We can't just jump into conclusion, Gray was my adoptive son, Savannah was a good agent. Lahat sila ay naging importante sa ahensiyang ito, we can't just lay the cards and include them as one of the enemies." Tama si Daddy.

"I agree with you Hazelle, habang hindi pa natin gamay ang ikot ng problemang ito, Isabella will continue to act as the hummingbird. We need to be safe, para hindi nila mapansin na konektado na siya sa Sous L'eau. But for her every mission, I want everyone to support my daughter. Ayokong mapapahamak siya." Tumango ang lahat sa sinabi ni Daddy.

"So now I tasked Armando to locate the remaining stones and by next week we'll start the operation. We need to wait for their call." Tumango muli ako kay Daddy.

Naiwan sa meeting room si Daddy, Kuya at Armando at lumabas na kaming mga babae.

"Hey, Isabella. I have something for you." May inabot na picture sa akin si Hazelle at nangatal ang mga kamay ko nang hawakan ko ito.

Theon's picture with a handsome guy.

"Who is this? Bakit nasa kanya si Theon?"

"I met him before, alam kong kasali siya sa sindikato. I was playing a damsel in distress while he's my knight in shinning armor, tauhan siya ng sindikatong may hawak sa anak mo. Your baby is safe with him."

"H-How are you so sure?"

"Isabella, hindi lang ikaw ang marunong mang-akit. Sous L'eau is the home of famous seductresses. We can use him as plan B." Kibit balikat na sabi nito.

"You manipulated your words during the meeting."

"I love making plan B, you know. Aside from that, maiinit ang ulo ng mga lalaki. Pwedeng tayo na lang ulit ang kumilos."

"I don't like that Hazelle." Sabat ni Enna.

"Well, it is Isabella's choice."


--

VentreCanard 

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon