Chapter 32

162K 6.1K 635
                                    

Chapter 32


Ace Hidalgo?

Gulat na gulat ang mga mata nito nang makita ako.

"L-lina.."

"I'm sorry for the surprise, but I was really planning to tell you the existence of your sister."

Mula kay Daddy ay nagtungong muli ang mga mata ko sa lalaking nakatitig sa akin.

"Sister?"

"Yes, Isabella. He is your adoptive brother."

"Oh god, sorry to say this Commander. But we have our rights about my sister, kahit si Mommy at Daddy ay matindi ang pag-aalala sa kanila."

"Itinago rin siya sa akin, blame him. Nabaril ko na ang isang balikat, you are free to shoot his other shoulder." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy.

"Dad! Gunshot isn't a joke!"

"You, my daughter isn't a joke too Isabella. That young man who didn't know the real definition of waiting kept you away from us with his own motives. Sinarili ka ng lalaking 'yan na parang walang pamilyang naghihintay sa'yo."

Pansin kong kapwa nag-aapoy sa galit ang dalawang mata ng lalaking nasa harap ko laban kay Tristan.

"I don't have any motives at all, Commander. Gusto ko lamang ibalik si Lina rito na nasa maayos na siyang sitwasyon."

"Paanong maayos? Kapag buntis na ulit? O kapag nakapanganak na naman?" humigpit ang hawak ko sa braso ni Tristan.

My father is really mad at him. Sinong ama ang hindi? Bigla na lamang uuwi ang nag-iisa niyang anak na nakapanganak na?

"W-What? Anong buntis na ulit? Nakapanganak?" kunot noong tanong ng lalaking nagngangalang Ace.

Habang tumatagal ay nagiging pamilyar ito sa akin. I don't doubt them, kung sinasabi nilang kapatid ko ito sa pamilyang umampon sa akin.

Hinihimas na ni Daddy ang kanyang noo. I saw Armando near the outside door, making his hand gesture like cutting his own throat.

Double kill. Ito ang nakita ko ang pagbuka ng bibig niya.

"That's why I am telling you Ace, get the gun and give him another gunshot. Inuwi niya ang kapatid mo, buong akala ko ay buntis lamang. Nakapanganak na. You already have your nephew, one year and three months old boy. I'm so happy to have him as a son in law, ang galing niyang maghintay. Bastard." Asik ni Daddy.

"What the hell?" naalarma ako nang bumunot ng baril si Ace sa likuran nito. Mabilis kong niyakap si Tristan.

"Can't you stop blaming him?!" sigaw ko.

Ayoko nang makarinig pa ng putok ng bala.

"He didn't force me! He didn't rape me!" nag-isip ako ng ibang bagay na pwede kong ikatwiran sa kanila. Ayokong mababaril na naman si Tristan.

"I-I seduced him! Oo, inakit ko siya. Ako ang unang nagbigay ng motibo." I lied, hindi ko alam kung kailan, saan at papaano ako nabuntis? Sinadya ba namin? Butas ba ang condom niya? I really don't know.

"Natatandaan mo? I thought you have your amnesia?" my father asked.

"I-I can remember some.." mahinang sagot ko.

"C-Can you let us Tristan alone? Pwedeng mamaya na lang tayo mag-usap? Please?" halos magmakaawa ang mga mata ko kay Ace at Daddy.

Walang magandang mangyayari sa pag-uusap namin, lalo na at parang gusto nang pumatay ng dalawang nasa harapan ko.

Misty Eyes (Book 2 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon