Prologue

235 7 2
                                    


Prologue
+++


Life is unpredictable. Magugulat ka na lang na nangyari na ang mga bagay na kinatatakutan mo. Masasaktan ka sa mga pagbabago ng mga minamahal mo. Nandyan rin ang pagsisi sa mga nagawa mo. Mapipigilan ko sana 'to pero naging makasarili ako.

Kung alam ko lang hindi na sana ako nagmahal.

Paika-ika akong tumatakbo sa madilim na lugar kung saan hindi ako pamilyar. Naghahalo na sa katawan ko ang pawis, luha, at tuyong dugo na dulot ng pagpapasakit niya. Ilang beses na rin akong nadapa dahil sa patuloy kong paglingon  pero lumalaban pa rin ako. Kasi kailangan... Kailangan kong mabuhay para maitama ko ang lahat.

Don't give up, Lucky. You have to be alive!

Paulit-ulit na sigaw ng utak ko. Hindi ko gustong takasan siya pero wala akong magagawa. Kailangan ko talaga munang lumayo at dumistansya sa kanya. Gustuhin ko mang sumuko at pumikit pero pinipigilan ko. Hindi pa ako handang mamatay...Ayoko pa.

Dinala ako ng mga paa ko sa pinakadulo ng isang sirang tulay. Isang maling hakbang na lang mahuhulog na ako sa malalim na ilog. Patuloy pa rin ang pag-atras ko kahit alam kong wala na akong mapupuntahan.

Sa sitwasyong 'to mas makakabuti siguro kung pumili ako para sa buhay at kaligtasan ko. Pero bakit? Bakit nahihirapan ako?

Should I stay? Tatanggapin ko na ba ang kapalaran ko ngayong gabi o tatalon na ako para sa kaligtasan ko?

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa railings ng tulay. Tinanaw ko ang ilog pero agad kong inalis ang tingin ko rito. Masyadong delikado ang gagawin ko baka mas lalo akong mapahamak.

Pinilit kong magpakatatag habang unti-unti ko siyang naaninag sa pamamagitan ng sinag ng buwan.

He's still wearing his favorite black cup and red jacket. Mas lalo akong nanlumo ng makita at maramdaman ko na walang kahit anong emosyon ang mababakas sa kanya. Nilamon na talaga siya ng galit.

Naituptop ko ang bibig ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Dama ko ang bigat ng kanyang presensya nang makalapit siya sa akin. Mas lalong bumuhos ang luha ko ng masilayan ko ang hawak niya. Isang matalim na kutsilyo.

Gusto kong tumakbo pero wala na akong mapupuntahan. Gusto ko siyang yakapin at pakalmahin pero hindi ko alam kung paano.

"Lucky Acevedo," ipinadausdos niya ang kanyang kaliwang kamay sa gilid ng mukha ko. Kapag ginagawa niya ito mas lalo akong kinakabahan sa mga pwede niyang gawin.

"S-stop, please," pagmamakaawa ko pero hindi siya natinag. Blankong expresyon pa rin ang ipinakita niya.

"I need to kill you at hindi na magbabago 'yon," mas lalo akong nanlumo dahil sa tugon niya sa pakiusap ko.

Pinunas ko ang luha ko at pinilit na ngumiti sa harap niya. Baka sakaling ang ngiting ito ang pumigil sa gagawin niya.

"Its okay, kung yan ang tadhana ko...Fine, I'll just accept it," I bite my lower lips para pigilan ang muling pagpatak ng luha ko.

"Hindi naman dapat kita papatayin ngayon pero nalaman mo ang sikreto ko...nasaktan ka tuloy ng sobra."

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Tumitindig ang balahibo ko dahil sa tono ng kanyang pananalita.

"Magkita na lang tayo sa langit," I smiled even though it hurts. Sinubukan kong magbiro kahit napakabigat ng nararamdaman ko.

"Hindi naman kita susundan," aniya. Pinagmasdan ko na lamang ang mga mata niya. Hinayaan ko siya na haplusin ang buhok ko.

"Forgive me Lucky..."
Pagkatapos niyang magsalita ay inilapat niya ang kanyang labi sa labi ko. Hindi na ako pumalag dahil ito na ang huli naming pagkikita. Pero kasabay ng maalab niyang halik ay ang madiin na pagtarak ng kutsilyo sa tiyan ko.


Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Muling pumatak ang luha ko. Bumulwak na ang masaganang dugo sa bibig ko.

Kumalas na siya at nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa.


Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng jacket niya. Tiningnan ko siya ng puno ng pagmamakaawa. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa patuloy na pagbuhos ng dugo sa bibig ko.

"I-I forgive you..."
Tuluyan na akong bumitaw sa laylayan ng damit niya. Hinayaan ko na ang sarili kong mahulog sa malalim na ilog at mataas na tulay.

Habang bumubulusok ako paibaba. Lahat ng alaala naming dalawa ay bumalik. Kailan man ay hindi ako magsisisi na nagtiwala ako ng sobra sa kanya.

Tonight, the pain I feel all over my body and heart is a carved into me. And, I believed it is all because of him and me. Kasalanan niya at kasalanan ko...

Sa pagbagsak ko sa tubig. Wala akong ibang na sa isip kung hindi siya...siya lang.

Hanggang kamatayan...

Itutuloy...

Your LoveWhere stories live. Discover now