Tinanggal ko nga yung pagkakaakbay niya tapos tinulak ko pa siya. Tawa lang naman siya ng tawa.


"Bakit ba? Totoo naman yung sinasabi ko eh"

Magsasalita na sana ako pero may humarang sa harapan ko.


"Hi Daniel, naaalala mo pa ba ako?"


Tinitigan ko yung babae. Teka, kanina nandun siya sa gilid ah, nandito na siya kaagad? Ang bilis ah.

Siya yung pinaguusapan namin ni DJ kanina, yung naka-red.


"Ahh oo naman"

"Can't get over me?"

Nganga ako dun. Parang ang kapal naman niya para sabihin yun. I mean, babae siya tapos magtatanong siya ng ganun. Well...wala rin naman masama.


"Actually, naka-move on na ko...siguro wala pang isang minuto nung nakipag-break ako sayo. Di ko na nga maalala pangalan mo"

Taray ni Daniel ah. Hahaha.


"W-H-A-T?"

Kailangan i-spelling? OA!


"Anyway meet my new girlfriend, Kathryn" Nanlaki mata ko nung hinila ni Daniel yung kamay ko para tumabi ako sa kanya.


Nanlaki din yung mata nung girl.


"So, yan na pala pinalit mo sakin?" Tumaas pa yung isang kilay ni girl.

"Actually, marami na kong napalit sayo. Mga lima na bago si Kath"


Napatingin ako kay Daniel nung sinabi niya yun. Playboy nga siya...dati?


"Hi Kathryn, I'm Danna Chiu"

"Hello" Nag-shake hands pa kami pero parang labag sa loob niya.

"I just wanted to say goodluck"

"Goodluck saan?"

"Goodluck na lang sa relationship niyo. For sure hindi rin kayo magtatagal kathryn. Baka nga may iba ng girlfriend si Daniel right now eh...di mo lang alam"


Nag-smile pa siya sakin at kay Daniel.


"Oh. Well thanks sa goodluck mo. Actually, ang tagal niyang naging single for me. I mean, nakipagbreak siya sa lahat ng girlfriends niya para lang maligawan ako kaya for sure, hindi niya naman siguro magagawang lokohin ako dahil first time niyang mag-effort para sagutin ng isang babae"


Wala lang. Feel ko lang sakyan si Daniel. Feel ko lang inisin yung girl. Feel ko lang magpanggap na girlfriend ni Daniel ULIT.


"Well yan ang akala mo. One of these days, mababalitaan ko na lang na nagbreak na kayo. A piece of advice? Go break up with him. Right now"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt