🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

9 0 0
                                    


Mahirap ang maging bahagi nang pamilya namin alam nyo Kung bakit may ilan lang naman na dahilan yan.

Una: Ang papa namin ay isang mafia boss.
Pangalawa: Ang mama namin ay isa sa may mataas na position sa secret agent division.
Pangatlo: Our grandfather and uncle are both military general.
Pangapat: Our grandmother ay isang mayamang business woman.
At Panglima : Ang apat na kapatid naming lalaki mas matanda sila sa amin ay hari sa gangster world.

Well kaming apat na kambal Lang naman ay ang magmamana nang lahat nang mga iyon pwera Lang doon sa military general dahil mga pinsan na namin ang para doon.

Nga pala kahit na matataas ang pamilya namin simple lang kami mamuhay never nanguha sila mama at papa nang kasambahay o katulong kami lahat gumagawa nang gawain bahay maski sila kuya ay ganun din kaming walo lang ang nasa bahay minsan lang sa isang taon namin makasama ang mga magulang namin. Sanay narin naman kami, kung silang lahat may kanya-kanyang ginagawa  ba syempre kami rin, kaming apat ay nag mamanage nang isang pastry shop na ang pangalan ay Amulets love pastry.

  Ang dami na naming nasabi pero hindi pa pala kami naka kapag pakilala.

My name is Avery Choi, 18 yrs old , half Korean and half Filipina.  Ako ang pinaka bunso sa amin dahila ako  ang pinaka huling lumabas sa  hiyas ni mama. Ako ang pinaka masayahin sa aming apat at Mabait, medyo mahaba din ang patience ko. Mahilig ako sa kulay yellow kaya halos lahat nang damit ko yellow, mahilig din ako mag short's na maiksi mas presko kasi pag ganun, may favorite leather jacket ako kulay black sya, lahat kaming mag kakapatid ay may ganung jacket basta ang astig daw kasi. Pero ang mahahalata mo sa jacket ay may symbol nang Lions symbolize of leadership pero may kakaiba doon sa lion nayun na walang pwedeng gumaya.

Ako naman si Ava Choi same age kasi nga kambal kami, half Korean and also half Filipina. Ako ang pangatlo sa amin dahil nauna ako kay Ava na lumabas sa hiyas ni mama. Ang sabi nila ako ang pinaka maarte sa aming apat, maski sila kuya ay ganoon din ang sinasabi, kesyo daw lagi akong may makeup at yung taglish na pagsasalita ko eh sa ganun talaga ako eh at medyo mataray daw ako well proud naman ako doon. Mahilig ako mag palda at favorite colored ko din ay green Kaya halos lahat nang damit ko eh green maski mga gamit ko green.

My name is Alexandra Choi same age , half Korean and also half Filipina . The second daughter, mas nauna akong lumabas kila Avery at Ava. Ang tawag nila sa akin ay nerd hindi dahil sa mahilig ako magbasa kung hindi dahil nakasalamin ako nasanay kasi akong nakasalamin, ako rin ang medyo tahimik sa amin at minsan pag na topak ako mababara ka sa akin. Mahilig ako mag envent nang mga bagay at kung ano - ano pa, favorite colored ko ay blue, mahilig din ako mag suot nang miniskirt/ dress  medyo may pagka mahinhin kasi ako.

Me I'm Allison Choi  same age , half Korean  and also half Filipina. I'm the first daughter ako ang pinaka unang  lumabas sa aming apat. Ako ang silent type sa aming apat minsan lang ako magsalita pag gusto ko lang, o Kaya naman ay pag importante lang, parang lalaki daw ako kung kumilos sadyang ganun talaga ako eh, at aaminin ko masungit din ako hindi ako basta - basta nagtitiwala Kung kani- kanino . Mahilig ako sa  black jeans at black leather jacket, favorite colored ko ang red.

Kahit magka kamukha sila madali mong malalaman kung Sino si Sino at Sino si Siya. Dahil bukod sa ugali ay makikita mo rin ang kulay nang buhok nila ang kay Avery ay yellow, Ava ay green , Alexandra ay blue , Allison ay pula.

Kung ikukumpara ang buhay namin sa ibang teenagers well Naiiba talaga kami. Pumapasok kami sa Choi university kung saan our family is the owner Pero kaming apat ang nagpapatakbo. Hindi na namin kailangan pang pumasok upang mag aral dahil ang sabi nila mama gifted kaming apat kung baga inborn nasa amin ang pagiging genius. Pero si Avery nasubukan nya nang pumasok once sa public school sa Mariveles Bataan. Ang sabi nya trip nya lang pumasok, grade 9 sya nang pumasok sya. Nga pala home schooling kami kaya mula kinder to grade 6, tapos kumuha lang kami nang exam and boom kasabay lang namin sila kuya na mag graduate nang college.

Wag kayong magugulat kung iba't iba ang ginagawa namin ganyan talaga kami kung saan kami kailangan doon kami. Malalaman nyo ang ibang storya nang buhay namin sa mga susunod na pages.

⚜🌸NO TITLE🌸⚜Donde viven las historias. Descúbrelo ahora