Part 2

10 1 0
                                    

- Jelo -

"Diyan ka lang ha? Wag kang lalabas. Wag kang mag-iingay. Sandali lang talaga ako. Mga 15 minutes. Please, wag kang gagawa ng kahit na ano. Okay?" Kahit mukhang siyang tanga na kinakausap ang lalaking naka-pikit at lasing na naka-higa sa backseat ng kotse ay patuloy pa rin ang pakikiusap niya rito. Baka kasi bigla itong magising at lumabas ng kotse habang wala siya kaya labis-labis ang pagdadasal niya.

"Malilintikan ka talaga sa akin, Pietro kapag may ginawa kang kalokohan naku!" aniya at muling inayos ang pagkakahiga nito sa backseat. Kinuha na niya ang susi ng kotse at sinigurong naka-lock ang bintana at pinto bago pumasok sa opisina.

Dahil sa pagkataranta sa boss niya ay naisipan niyang gamitin ang kotse ni Pietro upang pumunta sa opisina. Habang nagmamaneho ay hindi siya mapakali at tingin ng tingin sa rearview mirror upang silipin kung ayos pa ba ito.

Nagmamadali siyang pumasok sa opisina ng kanilang EIC upang ipasa ang limang nobela niya. Hindi na niya nais pang makita ng kanyang boss dahil siguradong tatalakan lang siya nito at mapapatagal siya sa pagbaba. Mabilis niyang pinatong ang mga nobela sa lamesa nito ngunit sakto namang kalalabas lang nito ng banyo.

"Why are you in a rush, Jelaine? Tinatakasan mo ba ako?" Sabi nito sa malamig na tono. Her boss, Alessandro Montemayor looks more handsome in his serious face. Hindi mo aakalaing kaya ka nitong talakan over the phone sa sobrang seryoso ng mukha nito. Hindi naman ito bakla, sadyang gusto lang nitong ilabas ang inis kaya tumatalak.

"Hi, boss! You look dashing! Hiyang ka ata sa bago mong facial wash. Ponds ba yan? Or Clean and clear?" aniya at pilit na tinatago ang kaba. Binigyan pa niya ito ng matamis na ngiti ngunit hindi nagbago ang expression ng mukha nito.

"First of all, I don't use those kinds of facial wash. I prefer using organic soaps. Second, hindi mo ako madadaan sa pambobola mo. Bakit ngayon lang napasa ang mga nobelang ito? And you're not even answering my calls! Are you not taking your job seriously, Jelaine? Akala ko ba gusto mong patunayan kina Tito Jack na magiging sikat kang writer someday at hindi mababaw ang mga pangarap mo?"

"Ang haba nun, bossing ah! Hindi ka ba hiningal dun? Gusto mong tubig?" sabi ko na lalong nagpakunot ng noo nito at maya-maya ay bumuntong hininga. Once again, you won Jelo! Nais sana niyang ngumisi sa pag-cheer sa kanyang utak pero natatakot siyang baka bugahan na talaga siya ng apoy ni Ales.

"You're not taking me seriously, are you? Then you left me with no choice but to-" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may pumasok na humahangos na guard.

"M-ma'am Jelo, yung lalaki ho sa loob ng sasakyan niyo ay nanggugulo sa baba. Hindi ho naman maawat, ma'am!" Para akong pinukpok ng bato sa narinig ko at napatakbo na lang ng mabilis. Buti na lang at nakasuot siya ng rubber shoes ngayon at maayos ang kanyang pag-takbo. Ramdam niyang tumatakbo din si Ales at ngayon ay nasa likod na niya.

"W-we'll talk after this, Jelaine! I'm done adjusting!" ani Ales kahit na hingal na ito sa pagtakbo at naunahan na siya sa pag-baba. Mukhang lagot na talaga ako. Huhuhu! Bakit ko naman kasi sinagad ang pasensya nung taong bato na yun? Pero lintik ka talagang Pietro ka!!! Humanda ka din sa akin!

Pagdating niya sa ground floor ay nakita niyang inaalalayan ni Ales si Pietro dahil mukha atang gustong halikan ng huli ang sahig.

"Damn it, Pietro! Why are you removing your clothes?!" sigaw ni Ales. Teka! Magkakilala sila?

"It's too hot, bro! Let's chill! Let's party! Whoot! Whoot!" Sigaw ni Pietro at bahagya pang tumalon na parang bang nasa sayawan siya sa bar.

"You need to go home, Pietro! Baka makita ka ng mga students mo dito or worse ng mismong dean ng department niyo at matanggalan ka ng trabaho!" Ales hissed at alam niyang sagad na talaga ang pasensya nito.

"Hindi 'yan, bro! Yung mga students ko nga ang nagyaya kagabi sa bar! I had so much fun, dude! Ngayon ko lang na-experience ang mag-walwal!" Sigaw nitong muli kaya di na siya maka-tiis at kinurot ito sa braso.

"O-ouch-Jelo?! What are you doing here? Makiki-party ka din ba sa amin? Look, dude si Jelo oh! Diba matagal mo na siyang gus-" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng bigla itong mawalan ng malay at napasubsob na ng tuluyan sa sahig. Nagulat din si Ales ng biglang maka-tulog si Pietro.

"Pietro! Stand up you, bastard or I'll kick you inside the car!" Ngunit nanatili lamang nakahandusay si Pietro sa sahig.

"Buhatin na lang natin siya papasok sa kotse. I don't think, gigising pa siya kahit anong tadyak ang gawin mo."

Mabilis naman niyang inutusan ang mga guard na buhatin si Pietro papasok ng kotse nito. Umalalay naman kami dahil malaking tao si Pietro at mukhang hirap ang dalawang guards na buhatin ito.

"Get inside, Jelaine. I'll drive you both home," ani Ales sa seryosong tinig. Sumakay na siya sa tabi ng driver's seat dahil baka lalo lang siyang pag-initan nito. Inabot naman niya ang susi ng kotse dito at tahimik na silang bumyahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adonis Village Series: My Charming ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon