Chapter fourteen

Começar do início
                                    

Hinatid na ni Yaya Elen ang nurse pagkatapos niya akong i-check at pinag pahinga muna ako gaya ng bilin saakin. Hindi ako makakapasok ng trabaho sa loob ng halos isang linggo dahil nga sa kalagayan ko. Kakatanggap nga lang, absent agad ang ibubungad ko. Patay talaga ako nito kay Mr. Zhi Shu ngayung ako ang pinag iinitan niya. Hindi ko nga alam kung bakit ang lala ng trato saakin nun, eh?

Makalipas ang ilang araw, naging maayos narin ang kalagayan ng paa ko. Pumupunta parin dito ang nurse para sa daily check up ko. Sa mga nakalipas na araw palagi lang akong nasa kama at kung paminsan minsan ay inaalalayan ako ni Yaya Elen pababa para naman makalanghap langhap din ng sariwang hangin. Sa mga nakalipas din na araw, iniisip ko padin kung bakit ako kilala ni Mr. Filloso at ang biglang pagdating niya sa Hospital. Pati narin ang pag kakaroon ko ng personal nurse. Imposible naman na lahat ng nag ta-trabaho sa Kompanya ay sagutin din nila. Nakakapag taka lang talaga.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos kong gumaling at nakakalakad nadin ng maayos, maaga akong pumasok sa trabaho para makipag usap kay Mr. Zhi Shu na hindi ko ma-contact sa mga nag daan na araw. Baka finire niya na ako ng hindi ko namamalayan?! Nako, huwag naman sana.. Pagkarating ko palang sa department, like a usual day. Busy ang lahat at wala ni isa ang nakapansin sa pagdating ko. Invisible na ba ako sa mga taong ito?

"Good morning!" Maligayang bati ko sakanila at may pagka-garal gal pa dahil din sa kaba. Baka kasi finire na talaga ako ng tuluyan ni Mr. Zhi Shu! Tumingin lang silang lahat saakin ng ilang segundo at bumalik na ulit sa pag ta-trabaho.

Teka, tama bang department ang napasukan ko?! "Excuse." Bigla naman akong tinabig ng dumaan na lalake at dire-diretsyo lang na naglakad. Tsk, ang laki laki ng space na daraanan kailangan ba talaga akong banggain?!

Luminga linga naman ako at hinanap sila Anj at nakita kong busy sila. May kausap sa telepono si Cha at abala naman sa pag ta-type sa laptop niya si Anj. Ayun! Tama nga ang department na napasukan ko! Naglakad na ako papunta sa office ni Mr. Zhi Shu. Sinilip ko muna siya at nakita kong may kausap siya sa cellphone niya habang nakataas pa ang paa sa lamesa at naka medyas lang. Hmp! Ganitong boss ba ang maituturing?!

Kumatok muna ako ng tatlong beses at pumasok na ako sa loob. Umikot ang swivel chair niya at ng makita ako, bigla na niyang ibinaba ang cellphone niya at naupo ng maayos. "Good morning po, Mr. Zh—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may kumatok sa pinto kaya napalingon ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa mangha kundi sa gulat. Siya yung lalakeng inakala kong isang multo isang linggo na ang nakakalipas. "Bakit ka nandito?!" Singhal ko sakanya.

Kulay grey na suit ang suot niya at puting long sleeves naman ang nasa loob nito. Maganda rin ang pag kakaayos ng buhok niya. Kahit na maayos ang pananamit niya ngayon at hindi tulad dati na parang hinugot lang siya papasok ng Kompanya, hindi ko padin malilimutan ang pag mumukha niya! Galit padin ako sa taong 'to dahil kundi dahil sakanya, hindi sana ako na sprained ankle!

"Dace Rangford!" Nagulat ako sa masayang pag tawag ni Mr. Zhi Shu sa lalakeng ito.
Maligalig pa siyang lumapit doon sa lalake.

"Mr. Zhi Shu, kamusta po?" Nakangiti ding bati niya at ng malapitan ito agad siyang nakipag kamay.

Nakita ko naman ang kislap ng mga mata ni Mr. Zhi Shu na ngayon ko lang nakita at ang kakaibang pag hawak nito sa lalakeng iyon. Aba, I smell something's fishy huh?

Last RoseOnde histórias criam vida. Descubra agora