● t e s t o f c o u r a g e

Mulai dari awal
                                    

Hindi siya nakinig, kundi mas lalo lang siya natakot ng malaman niya na susunod na siya sa pagpakita ng talento. Mas lalo lang siya kinabahan tuwing iisipin niya ito.

“Oops, silly me!”

Boses naman ni Kaeri ang narinig sa likod ng stage. Nagsi-takbuhan naman ang lahat para tignan kung anong nangyari sa napaka-sweet at mabait na si Kaeri.

Nakita nila doon na nakaupo siya, na sa tingin nila ay nadapa, at kinokopya ang isa sa mga karakter sa sikat na Anime. Para bang na-kyutan ang audience sakanya at nagsitilian sila, mas lalo naman ang mga binata sa loob. Sino nga ba ang hindi titili pag nakakita ka ng isang ganyan ka-kyut na babae sa kanilang harapan?

Napanganga na lamang ang mga estudyante ng Ursa Major sa kanilang nakita. Kahit napahiya pa siya sa harapan ng maraming tao, nakayanan pa niya patiliin ang mga tao. 

Ganyan ba talaga ang epekto mo pag mataas ang iyong karisma?

Wow... just, wow. Buti pa si Kaeri napasigaw niya ng ganon ang buong auditorium! Paano kaya ako? Sabi ni Fear sa kanyang isip. Siguro pag ako 'yong nadapa, namatay na ako sa kahihiyan.

Anong gagawin ko? 

“Halika na, Ayazi! Susunod na pala yung transferee!” Hinila naman ni Ayame ang binata sa loob ng auditorium, saktong pagatapos ng performance ni Kaeri. Halatang gusto na niya mapanood ang susunod na estudyante na magpapakitang gilas—si Fear.

Napakamot na lamang sa batok si Ayazi. “Oo na, eto na ng oh.” Binuksan niya ang pintuan para sakanilang dalawa at pumasok narin. Unang bumungad sakanila ay mga estudyante mula sa iba't ibang seksyon.

“Doon tayo sa balcony, dali!”

“Eto na po~”

 Natahimik naman ang lahat ng dumating na muli ang namamahala sa pangyayari na ito. Lahat nakatutok sakanya.

Isang dalaga na ubod ng ganda. Isang diyosa kumbaga. Ang kanyang buhok na para bang gawa sa ginto ay nakatali at suot suot ang uniporme ng eskwelahan na ito. Sa kanyang kanan na braso, isang kulay pulang tela ang nakatali na nakasulat ang mga salitang, “SSG Vice President”.

Ngumiti siya sakanila, at halos lahat ng lalaki nahimatay, pwera lang kay Ayazi na ngumisi ng bahagya. Hindi tatalab sakanya ang ganda ng babaeng iyon, sabi niya sa kanyang sarili. Alam niya na ito ay peke. 

“Hello everybody!” Pagsisimula niya na puno ng enerhiya. Lahat naman sa loob nabuhayan marinig lang ang kanyang boses. “Pasesnya na kung natagalan, pero we are ready to start once more!” Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa loob ng auditorium.

Itaanas naman ng dalaga ang kanyang kanan na kamay, na syensa sa tumahimik sila. Nang mamatay na ang sigawan, tinuloy na niya ang kanyang sasabihin. “Alam ko na karamihan sa inyo hindi pa rin siya nakikilala. Pero, for your information, siya ang transferee na matagal nang pinag-uusapan. Ngayon, malalman na natin kung sino nga ba talaga siya at kung ano ba ang kanyang talento!

Stars ☆ AcademyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang