Chapter 60: Goodbyes

Magsimula sa umpisa
                                    

"Three years lang naman agwat natin sa isa't isa. Pasalamat ka nga nag-stop ako dati nang dalawang taon kaya nakasabay mo ako mag-aral. Aminin mo, ang saya ng high school life mo dahil sa 'kin!" Nilagay niya sa bewang niya 'yong dalawa niyang kamay tapos tumawa siya nang malakas. "Akalain mo 'yon? 'Yong nerd na katulad mo, may gwapo at heartthrob na kapatid kagaya ko."

"Whatever, Kuya." Tinarayan ko siya pagkatapos ay dumiretso na lang ako kay Halmoni para mag-bow sa kanya.

For the first time, ngayon ko lang nakita si Halmoni na ganito kasaya. "I'm sure kung nasaan man ang papa mo, proud na proud siya sa inyo ni Charles. And I'm also proud of the both of you, my grandchildren." Niyakap ko rin si Halmoni. Kahit na ang sungit-sungit niya, alam kong mahal na mahal niya kami.

Nagsalo-salo kami sa tapat ng puntod ni Papa. Kahit wala na siya sa tabi namin, pakiramdam ko ay buo pa rin 'yong pamilya namin. Alam ko naman na palagi lang nandiyan si Papa at binabantayan kami.

"Papa, mas masaya sana kung nandito ka para makipag-celebrate sa 'min pero alam ko, kung nasaan ka man ngayon, masaya ka. Sana masaya ka rin para sa 'ming dalawa ni Candice." Nakatingin lang ako kay Kuya Charles. Once in a blue moon ko lang siya makita na ganito, emotional tsaka seryoso. For how many years, siya 'yong tumayong ama sa pamilya namin at alam kong hindi 'yon madali. "I hope you're proud of us."

Lumapit ako kay Kuya Charles. "Alam kong proud siya sa atin, Kuya, lalong-lalo na sa 'yo." Napatingin sa 'kin si Kuya. "Hindi mo kami pinabayaan ni Mama simula nang umalis at nawala si Papa. Kahit na minsan inaasar mo ko at kahit minsan ang higpit mo, para sa 'kin, ikaw ang Best Kuya sa buong mundo. Salamat sa pag-aalaga mo sa 'min, Kuya. I love you, Kuya." Niyakap ko siya at gano'n din siya sa 'kin.

"Ang corny, Manang, pero mahal din kita."

"Bakit kayo lang? Group hug nga riyan!" sigaw ni Mama. Nakakatuwa lang na pati si Halmoni, sumali sa group hug namin. "Congrats to the new graduates!"

Nagdasal muna kami bago kami nagpasya na umalis, kaso napag-isipan ko na mag-stay saglit sa puntod ni Papa. Nauna na sa bahay sina Mama tapos si Kuya naman ay susunduin si Ate Serina para pumunta sa party kina Troy.

Umupo ako sa harap ng puntod ni Papa. Nilapag ko roon 'yong diploma ko.

"Papa, para sa 'yo yang diploma ko na 'yan."

Humiga ako sa damuhan tapos nakita ko na naman 'yong mukha ni Papa sa mga ulap.

"Salamat sa lahat-lahat. Sa pag-aalaga mo sa 'kin at pagmamahal mo. Mahal na mahal kita, Papa Daddy's girl ako, hindi ba? Baby girl mo ako kahit na ang laki-laki ko na."

Hindi ko naiwasan na maiyak. Nagiging emotional talaga ako pagdating sa pamilya, lalong-lalo na sa Papa ko.

"Papa, sana patawarin mo ako kung naisip ko man na maghiganti noon. Hindi ko alam na kapag pala paghihiganti 'yong nasa isip mo, mababalot ka ng poot at galit."

Naalala ko 'yong mga araw na nakasakit ako nang sobra dahil sa inakala kong pangloloko ni Jeydon sa 'kin. 'Yong mga araw na nagbago ako para lang makapaghiganti ako.

"Habang tumatagal, naiisip ko kung ano ba 'yong mapapala ko sa paghihiganti ko. Magiging masaya ba ako kapag nasaktan ko rin sila? Hindi e. Naisip ko na balewala lang lahat ng ginagawa ko dahil wala namang magandang maidudulot 'yon sa 'kin."

Bumalik sa mga alaala ko 'yong mga pangaral sa 'kin ni Papa noon.

"Tama ka, Papa, one way to be happy is to forgive." Umupo ako tapos hinaplos ko 'yong puntod niya. "Hindi ka magiging masaya kung puno ng galit at paghihiganti 'yong puso mo."

Napangiti ako. Tama nga si President. Experience is the best teacher. Sa lahat ng mga napagdaanan ko, wala kahit isang libro 'yong nagturo sa 'kin kung paano maging matatag at paano ba talaga maging masaya. Tanging mga napagdaanan ko lang sa buhay ko 'yong nagturo sa 'kin no'n. Sa lahat ng 'yon, marami akong natutunan.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon