An Obscure String that Bind Us!

Start from the beginning
                                        

I like her......no! I love her thats why it pains me seeing her in pain. Pero ang nakakainis lang ay yung wala akong magawa para ibsan yung sakit na iyon! 

 Isang linggo na din ang lumipas ng malaman ko yung totoong kalagayan nya, at sa loob ng isang linggo iyon ay hindi ko sya iniwan, ipinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya at siniguradong kahit kelan ay hindi ko sya iiwan. 

.

.

Pero yung mga kataga kung hindi ko sya iiwan....... ay biglang naglaho... Iniwan na ako ni Elena, iniwan nya akung hindi man lang nagpapaalam sa akin.

Nang sabado ng gabi bago ako umalis sa bahay nila ay nagpaalam ako sa kanyang baka hindi ako makakapunta sa kanila sa araw ng linggo dahil dadalaw ako sa orphanage at kamustahin ang lagay ni Sister Jane. Sya din kasi ang naghikayat sa akin na dalawin sila, dahil alam nyang miss ko na ang mga bata doon. Nasabi ko na kasi sa kanya ang naging buhay ko, na lumaki ako sa ampunan. Kaya alam nya kung gaano ko kamahal ang orphanage na kinalakhan ko.

Pero ang disisyong iyon ang malaking pagkakamaling ginawa ko sa buong buhay ko. Dahil nung araw na masaya kung dinalaw ang mga taong naging parte na ng buhay ko ay tsaka naman ang tuluyan pag-iwan sa akin ng taong minahal ko.

Nung pagdating ko sa bahay ng mga Zobel lunes ng umaga ay ramdam ko ng talagang may iba. Hindi ko pa masabi kung ano yun. nang makapasok ako sa loob ay halos hindi ako matingnan ng mga kasambahay ng naging malapit na sa akin, kahit na si Manang Lina. May lungkot sa mga mata nila. At dahil dun ay halos lumabas na ang puso ko sa kabang nararamdaman ko ngayon, maraming tumatakbo sa isip ko na posibleng nangyari, gusto kung magtanong sa kanila pero hindi ko magawa, walang salitang gustong kumawala sa akin. Natatakot din ako sa posibleng malalaman ko.

Lakas loob kung tinungo ang silid nya, ang silid na naging pangalawang tirahan ko na din sa loob ng halos limang buwan. 

Nanlumo ako sa naabutan ko sa silid nya, ang silid nyang naging saksi ng lungkot,sakit, at pagdurusa nya. Ang silid na naging saksi sa umusbong na pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon ay tahimik na ito at hindi na mababakasang ni minsan ay may isang Elena na nanatili dito. Wala na nga si Elena, iniwan na nya ako. Ang sakit!...ang sakit na hindi man lang sya nagpaalam, ang sakit sobra! Napaupo ako sa kama nya na naging saksi din na minsa ay nakatabi ko sya dito magdamag. Napansin kung nabasa ang kamay ko, at tsaka ko lang namalayan napapaluha na pala ako.

 May kumatok sa pinto dahilan para mataohan ako sa pagkakatulala ko. Dali dali ko namang pinahid ang mga luha ko. Saglit pa ay iniluwa nun ay si Manang Lina, malungkot ang mata nyang nakatingin sa akin. Alam kung gusto nya akong icomfort pero binigyan ko lang sya ng isang malungkot na ngiti. May inabot sya sa akin, isang ipod touch. Nagtatakang inabot ko naman yun.

"Ipinabibigay ni Miss Elena, pakinggan mo daw yung nasa playlist." yun lang at tuluyan na akung iniwang mag-isa ni Manang sa silid na iyon. Tinungo ko ang playlist ng ipod at bumungad sa akin ang iilang kanta doon. Una sa listahan ay ang kantang  It's you ng Westlife.

Theres a laugh in my eyes

Theres a waltz in my walk

And its been such a long time

Since there was hope in my talk

If you never knew

What it is thats new, its you

 Hindi ko maintindihan, pero kusang bumabalik sa akin yung time na una ko syang nakita. Yung panahong hindi pa nya ako gaanung pinapansin. Yung napaka cold pa nyang makitungo sa akin.

 Cause when your hands are in mine

You set a fire that everyone can see

And its burning away

Every bad memory

To tell you the truth

If its something new, baby, its you

Its you in the morning

Its you in the night

A beautiful angel came down

To light up my life

Itong ito rin ang naramdaman ko nung panahong kasa kasama ko pa sya. Binago nya ako, binago nya ang pananaw ko sa salitang pag-ibig.

The worlds a different place

Where nothings too hard to say

And nothings to hard to do

Never too much to go through

To tell you the truth

Everything thats new, baby, its you

Hindi ko na tinapos pa ang kanta kasi lalo akung nasasaktan. Ang sakit isiping baka hindi ko na sya makita pa kahit na kailan, ang sakit isiping hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko sya kamahal..

Iniscroll down ko pa yung mga song, and an unknown track caught my attention. Ng iplay ko yun ay tsaka naman bumuhos ang luhang akala ko ay ubus na. Ngayong narinig ko ulit ang boses nya... hindi ko mapigilang maiyak, i miss her....i already miss her so much..

.

.

**

"Almost one year na din ng mangyari ang aksedenteng iyon...Ang aksedenteng nagpabago sa buhay naming lahat, lalong lalo na ng kay Elena.." panimula ni Mrs. Zobel, kitang kita sa mga mata nya yung sakit at hirap para sa anak. Nanatili lang akung tahimik, ito din yung matagal ko ng gustong malaman. "Masaya pa kaming nagbakasyon nun sa Paris, kasama ang asawa ko, si Ethan ang panganay kung anak, si Elena at Justine....ang fiance nya...nag cecelebrate kami nun dahil sa susunod na bwang iyon sila ikakasal.." f-fiance?! kung ganun...kaya pala, kaya pala ganun nalang sya kung masaktan..hindi pala kung sino lang yung may gawa nun sa kanya. May kung anung sumakit sa puso ko pero inignura ko nalang iyon at ipinagpatuloy ang pakikinig. "Galing kami sa restaurant nun at pabalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin..pero nagpaalam sina Elena at Justine na may pupuntahan lang muna sila at susunod nalang sila sa hotel,,, pero ang pagpayag namin nun ang malaking pagkakamaling nagawa namin, dahil,,,dahil,," naiyak na ng tuluyan si Mrs. Zobel, nasasaktan akung nakikita syang ganito, alam ko at ramdam ko kung gaano nyang kinakaawaan ang naging sitwasyon ng anak nya. "Nang dahil dun kaya sila naaksedente...ang pagkakaalam ko ay pupunta sila nun sa eiffel tower dahil may sorpresa si Justine para sa anak ko, pero on their way ay binangga sila ng isang 6 wheeler truck,... ayun sa mga saksi, ang bilis ng pagpapatakbo nung truck at sakto namang papatawid na ang kotseng sinakyan nina Elena at Justine dahil nag go signal na ang traffic light... sa dinami daming sasakyang andun bakit ang sakanila pa ang nabangga sa truck na iyon?!... Nabalitaan nalang namin na naaksedente sila ng may tumawag sa amin. Limang araw na comatose si Elena at nung nagising sya, tsaka pa namin nalamang nawala pala ang paningin nya..We we're thankful na buhay pa ang anak ko...pero si Justine,,,,, hindi sya pinalad.. Ayun sa mga sumaklolo, yakap yakap ni Justine ang anak ko nung nakita nila, pero dead on the spot sya.... " ngayon malinaw na sa akin ang pinagdadaanang hirap ni Elena, at hindi ko sya masisising ganun ang mararamdaman nya. Nabigla ako ng hawakan ni Mrs. Zobel ang mga kamay ko. "She's really in deep pain...Gavin iho,,,please tulungan mo ang anak ko,,,, nakikita kung ikaw ang makakapagpabalik sa dating Elena namin. Ikaw lang yun pinayagan nyang tumulong sa kanya, kaya please lang, wag mo syang iiwan."

STRING OF FATE (Short Story)Where stories live. Discover now