An Obscure String that Bind Us!

Magsimula sa umpisa
                                        

Maya-maya lang din ay nahimasmasan na sya at sinabi ang buuong nangyari. Bigla nalang daw kasing hinimatay si si Sister Jane  kaya binigyan nila ito ng pangunang lunas, pero ng hindi pa din daw ito naging okay at lalo itong namutla ay isinugud nila ito dito sa hospital. Sabi ng doctor ay dala lang daw iyon sa sobrang pagod kaya nag collapse sya, pero sa ngayon ay stable na ang kalagayan nya. 

Nandito ako sa kwarto nya at pinagmamasdan syang nahihimbing sa pagtulog. Hawak ko ang kamay nya. halo halong kaba ang naramdaman ko ng mabasa ko ang text ni Sister Ana kanina, akala ko talaga ay kung ano na talaga ang nangyari sa kanya, salamat nalang at ito lang. Hindi ko alam ang gagawin kung kukunin agad Niya sa akin si Sister Jane, sya na ang naging ina ko sa loob ng ilang taon kung pananatili sa orphange.

3pm ng magising si Sister Jane, nagulat pa syang narito ako't binabantayan sya. natuwa naman sya ng makita ako ulit, halos apat or limang buwan na din kasi nung huli akung nakadalaw sa orphanage at namiss nya ako. Pero nabura ang lahat ng masayang usapan namin ng mabanggit nya ang anak ni Mrs. Zobel, at ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya at baka naghihintay sya sa pagdating ko. Sh*t! palihim akung napamura, panung nakalimutan ko yun?!

"Sige na Gavin, puntahan mo na sya,..baka hinihintay kana nya." masuyong sabi ni Sister Jane. Nagdadalawang isip pa akung umalis dahil hindi ko maatim na iwanan syang ganito ang kalagayan nya. At mukhang nasaba yata niya ang nasa isip ko. "Wag kanang mag-alala pa sa akin, maayos na ako...tsaka nandito naman sila Sister Ana para bantayan ako...hala, humayo kana.." napangiti naman ako sa kanya tsaka hinalikan sya sa noo, sinabi ko ding babalik ako bukas ng umaga.

Pagkaalis ko ng hospital ay dali-dali naman akung nagtungo sa bahay ng mga Zobel. Inabot ako ng isa't kalahating oras dahil na din sa traffic. 

Sinalubong naman agad ako nina Manang Lina at napansin ko din ang pag-aalala na nasa mukha nila kaya may kaba akung naramdaman. Magsasalita pa sana si manang Lina pero hindi ko na narinig iyon dahil dali dali kung tinungo ang silid ni Elena. Pagkabukas ko ng pinto ay isang Elena na umiiyak ang naabutan ko at nakaupo ito sa sahig spicifically sa gilid ng kama nya. Nahabag naman ako sa nakita kaya agad ko syang nilapitan at niyakap.

"Shhh, Elena.." sabi ko pa ng hinihimas ang likod nya. Gumanti din sya ng yakap sa akin at maglalong humagolgol sa pag-iyak.

"G-Gavin,...I-I'm....I'm dying..i..i have a leukemia." sa sinabi nyang iyon ay halos mabasag ang puso ko, bakit? paano?! halo halong tanong pero hindi ko kayang maisatinig, ewan! natatakot ako...natatakot akung baka totoo, natatakot akung...grrr! Gavin! use your mind! unahin mo si Elena bago yang nararamdaman mo! Kaya naman mas lalo ko syang niyakap, kahit na naiiyak na ako ay pinigilan kung hindi gawin iyon.

"Shhhh, don't say that, everything will be okay, huh! j-just be strong" hindi ko napigilang mabasag ang boses ko.

May ilang minuto din kami sa ganoong posisyon. Nang mahimasmasan na sya ay dahan dahan ko syang binuhat at inihiga sa kama nya. Akmang aalis na sana ako ng hinila nya ang laylayan ng t-shirt ko.

"G-Gavin...please stay here with me...tonight."

At dahil doon ay nag stay ako. Yakap ko sya buong magdamag. Hinihimas ko ang buhok nya para madali syang makatulog. Pinagmasdan ko lang din ang maamo nyang mukha. Nang masigurado kung tulog na nga sya ay kinuha ko ang pagkakataong yun para ilabas ang nararamdaman ko. Alam ko hindi maganda sa isang lalaki ang umiyak, pero hindi ko mapigilang hindi maiyak. Bakit sa dinami daming tao sa kanya pa? hindi pa ba sapat yung mga pinagdaanan nya para dagdagan pa ng ganitong pasakit ang buhay nya?! Naitatanong ko iyon sa Kanya...bakit sa kanya pa? sobra sobra na yata ito, hindi pa ba sapat yung kapagka wala ng taong buong buhay nyang minahal, hindi pa ba sapat na mawala ang paningin nya para dagdagan pa ng isa pang sakit?! I Know everything happens for a reason, pero pwede bang malaman kung ano ang mga rason na iyon?! Kung masakit sa akin ito paano nalang kaya ang kay Elena?

STRING OF FATE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon