Baby put your lips on mine
And I'll love you forever
Anytime that we find ourselves apart
Sa kanya lang ako nakatingin habang kumakanta, napansin kung medyo nag-iba na yung tindig nya,.kanina ay matatanawan mo sya ng kasiyahan, pero ngayon may iba talaga...May mali ba sa kantang pinili ko?
Just close your eyes
And you'll be here with me
Just look to your heart
And that's where I'll be
If you just close your eyes
Till your drifting away
You'll never be too far from me
If you close your eyes
Hindi ko na tinapos ang pagkanta ko kasi napapaluha na sya, kaya naman dali-dali kung ibinaba ang guitara at agad syang nilapitan. Nakaluhod ako ngayon sa harap nya at hawak ko ang magkabilang pisngi nya. Patuloy pa din sya sa pagluha.
"Elena, bakit? may masakit ba sayo?" hindi sya sumagot, patuloy lang sya sa pag-iyak.. "Elena, please sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak.." alam kung napansin na nyang nag-aalala na ako, hindi yun maitatanggi ng boses ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na sya, lalo syang naiiyak, and this time ay humahagolgol na sya. "Elena, stop crying...please" pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko, nasasaktan ako pagnakikita ko syang umiiyak ng ganito.
"She's really in deep pain"' bigla nalang yun pumasok sa isip ko yung mga salitang iyon galing kay Mrs. Zobel, and Sh*t! bakit ang insensitive ko?! this is my fault! sa dinami daming kanta na pwedeng kantahin iyon pa! bobo ka Gavin!!!
"Why....Gavin? b-bakit nya ako kailangang iwan agad? a'm i that bad? bakit ganito ang nangyari? bakit ganito ang nangyayari?! "
"As long as you have the memories, you can be with that person forever....remember, ikaw mismo ang nagsabi nyan sa akin.." hindi sya nagsalita, patuloy lang sya sa pag-iyak.
"Shhhh,Elena, everything will be okay...i'm just here, hinding hindi kita iiwan.." out of the blue na sabi ko..ewan kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, pero dala na din siguro ng nararamdaman ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Yung malambot nyang mga kamay ay kusang gumalaw na para bang minimemorya nya ang buong mukha ko. Dahan dahan nyang hinaplos ang kabuoan ng mukha ko, mula sa noo ko hanggang sa mata, sa ilong ko, sa pisngi ko, sa baba ko at sa labi ko, hindi ko maiwasang hindi mailang, pero dala na din ng kaalamang hindi nya naman ako nakikita ay itinuon ko nalang ang tingin ko sa maamo nyang mukha.
"Promise me.... that you will never leave me.....just like w-what he did" she broke her voice while saying those, hinalikan ko sya sa noo nya assuring that I'm always here for her.
"I will" tanging nasabi ko tsaka nya ako niyakap.
Natapos ang araw na iyon at nandito na ako sa apartment ko ngayon. Nakakapagud ang araw na ito pero worth it naman. Natutuwa akung unti unti ng nagiging okay si Elena, pero alam ko nandun pa rin yung sakit. Kahit hindi nya iyon sabihin ng direkta sa akin.
Katatapos ko lang maligo at paalis na sana ng apartment ng may matanggap akong text galing kay Sister Ana, isa sa mga sister sa orphanage. Nang mabasa ko iyon ay halos mabitawan ko ang cellphone ko, kaya walang pagdadalawang isip na tinungo ko ang hospital na sinabi nya.
Almost 30 minutes din ang tinagal bago ako nakarating sa nasabing hospital ay sinalubong ako ni Sister Ana na umiiyak. Napayakap naman ako agad sa kanya at kinomfort sya.
YOU ARE READING
STRING OF FATE (Short Story)
General FictionAccording to an ancient Chinese belief~ " There is an invisible red string that is connected to those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance. The thread may stretch or tangle, but will never break."
An Obscure String that Bind Us!
Start from the beginning
