An Obscure String that Bind Us!

Start from the beginning
                                        

"Yun lang po ba Miss Elena?" tumango naman ito bilang sagot.

Nung nasa garden na sila ay inilapag naman ni Gavin si Elena sa isang upuan doon, may round table kasi doon at may kasamang apat na upuan. Ang ganda ng garden, makikita mo talagang alagang alaga ito. Napag-alaman naman niyang kay Mrs. Zobel pala ang harden na ito.

"Alam mo bang ito ang pinaka gusto kung lugar sa mansion..." pambasag nya ng katahimikang nababalot sa pagitan nila ng binata.

"Hindi kita masisisi na magustuhan ang lugar na ito, pati din siguro ako....walang duda na talagang maganda dito." pagsang-ayun nya naman.

Marami pa silang napag-usapan, nakakatawa na din kahit papaano si Elena sa mga jokes na sinasabi ni Gavin. Naihatid na ni Manang ang meryenda nila. Kahit kumakain ay patuloy pa din sila sa nakakatuwa nilang kwentohan. Napansin naman ni Gavin na may sause sa gilid ng labi ni Elena kaya naman pinunasan niya ito, pero bago pa nya alisin ang kamay ay hinawakan na ito ni Elena.

"Gavin,....thank you ha" malumanay nyang sabi.

"W-walang ano man Elena. Trabaho kung alagaan ka kaya hindi mo na kailangang magpasalamat." magalang kung sabi. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa paghawak nya sa kamay ko. Ano na ba itong nararamdaman ko?!

"Gavin.....tulungan mo ako,....gusto ko ng makalakad muli." Dahil sa sinabi nyan iyon ay agad ko syang nayakap, ewan ba! basta natutuwa akong marinig iyon galig sa kanya. Sa wakas, ang panahong iginugol ko para matulungan sya ay sinisimulan na nyang tanggapin. Araw araw ko siyang hinihikayat na magpagaling na at tanggapin na ang operasyon para tuluyan na syang gumaling, pero lage nya akung tinatanggihan. Pero ngayon, kahit iyon pa lang ang sinabi nya ay magandang hudyat na iyon, sana magtuloy tuloy na ito.

Inalalayan ko naman sya sa pagtayo. Medyo nahihirapan pa sya nung una, kaya dahan dahan kung inalalayan ang mga binti nya upang itapak iyon sa lupa paisa isa.

Halos 10 minutes pa lang namin ginagawa yun ay nababakas na sa mukha nya ang sakit at hirap. Ganun naman talaga, namamanhid ang buong paa at binti ng isang tao lalo na't matagal itong hindi nailalakad. Kaya naman ay napag disisyonan kung iupo na sya ulit sa upuan. Minasahe ko naman ang mga binti nya pababa sa mga paa nya para kahit papaano ay maibsan yung sakit.

"Hindi mo naman kailangang madaliin ang paglalakad mo, mahihirapan ka lang. Wag kang mag alala, araw araw mag lalaan tayo ng oras sa paglalakad mo para maiihersisyo mo ang mga binti mo." sabi ko yun habang minamasahe ang binti nya.

"Gavin......pabigat na ba ako para sayo?" seryoso na naman ang mukha nya ngayon. Parang may pinanghuhugutan talaga sya sa tanong nyang iyon.

"Kahit kailan hindi ka magiging pabigat sa akin. Aalagaan kita hanggang sa kaya ko at hanggang sa gustuhin mo. Hindi kita iiwan." kahit na alam kung hindi nya ako nakikita ay binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti. At yung sinabi ko, totoo yun, yun yung nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Hindi ko sya kayang iwan lalo na ngayon na ganito ang kalagayan nya.

Mag mula ng araw na iyon ay lagi na akung naglalaan ng oras para sa paglalakad nya. Natanong ko naman sa doctor nya na magandang idea iyon para mapadali ang paggaling ng mga binti nya. Nung una ay talagang nahihirapan sya, pero sa halos dalawang linggong nakalipas ay unti unti na syang nakakalakad na hindi ko na inaalalayan, hindi pa man gaanung normal pero sapat na para masabing unti unti ng bumabalik ang lakas nito.

At sa nakalipas na linggong iyon ay araw araw ko na din syang dinadalhan ng white carnation na nagugustuhan nya din.

Nandito kami sa garden ngayo, inalalayan ko syang maglakadlakad ng may umagaw ng pansin namin.

STRING OF FATE (Short Story)Where stories live. Discover now