An Obscure String that Bind Us!

Magsimula sa umpisa
                                        

"White Carnation, it simbolizes Innocence, faithfulness, sweet and lovely, pure love, ardent love, and good luck." sabi nung florist ata ng shop, kasi naka apron sya at may logo gaya ng shop. Napangiti naman ako dun sa sinabi nya. Tama nga, ang meaning nung ay gaya ni Elena. Kaya hindi nakapagtatakang sa isang tingin pa lang ay nagustuhan ko na ang bulaklak na iyon.

"Alam mo, magugustuhan iyan ng taong pagbibigyan mo." dagdag pa nya. Kumuha sya ng tatlong piraso nung at ibinalot nya sa isang plastic paper. Nabigla pa ako ng iniabot niya ito sa akin.

"Kunin mo na, ikaw ang unang costumer na pumasok sa shop ko,kaya libre na yan para sayo." nginitian nya naman ako. 

"Salamat.." nasabi ko nalang pagkatapos ko itong kunin.

Masaya kung binati ang mga kasambahay pagkadating ko sa bahay ng mga Zobel. Ganun din sila, inasar-asar pa nga nila ako dahil sa bulaklak na dala ko. Di ko nalang sila ninasin at tinungo na ang silid ni Elena. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay ang maamong mukha nya agad ang nakita ko.

"Gavin.." sabi nya. Iba talaga ang dating sa akin pag sya ang bumabanggit ng pangalan ko, ewan ba, parang ang sarap lang pakinggan.

"Alam mo agad na ako ito?" nakangiti ko pang tanong.

"Oo naman, sa halong tatlong buwan kitang kasa-kasam panung hindi kita agad makilala." bahagya naman syang ngumiti. 

"Talaga huh?" paninigurado ko pa.. Inilagay ko naman sa isang vase ang bulaklak na dala ko.

"May bulaklak ka bang dala?" tanong pa nya na agad ko namang ikinalingon sa gawi nya. Paano nya nalaman? Parang nakita nya naman ang naging reaction ko "Naamoy ko kasi.." sagot nya sa tanong ko sa isip. At doon lang din pumasok sa isip ko na mas sensitive nga pala ang pang-amoy at pandinig ng mga blind person.

"Ah oo...isang white carnation..alam mo ba nung nakita ko ito sa flower shop, ikaw agad ang naisip ko...." nabigla pa ako sa nasabi ko. Aish! Engot ko talaga! bat ko nasabi yun?! baka kung ano ang isipin nya.. tsk

"It simbolizes Innocence, faithfulness, sweet and lovely, pure love, ardent love, and good luck. Right?" tanong nya pa. Sinagot ko naman agad sya ng oo. "Gavin...pwede mo ba akung dalhin sa garden ngayon?" nabigla pa ako sa sinabi nya. Sa halos tatlong buwan ay ayaw nyang lumabas sa silid nya kahit na ang sabi ng doctor nya ay kailangan nyang makasagap ng sariwang hangin, at kahit papaano ay kailangan nya din ang masikatan ng araw. Dahil sa tuwa ko ay nilapitan ko sya at akmang itutulak ko na sana ang wheel chair nya ng pigilan nya ako.

"Gavin, pwede bang buhatin mo ako papuntang garden, ayaw ko na munang mag wheel chair ngayon."

"S-sigurado kaba dyan?" hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinasabi nya ngayon. Tanging tango lang ang isinagot nya sa akin. Kaya naman ay dahan-dahan ko na syang binuhat. Agad nya namang ikinawit ang mga kamay nya sa leeg ko. Bigla namang naging abnormal ang tibok ng puso ko, pano ba naman kasi, ang lapit ng mukha nya sa akin. Agad ko nalang din na iniwas ang tingin ko, baka kasi may magawa akong mali. Mahirap na.

Nagulat pa sina Manang Lina ng makitang pababa ako ng hagdan na buhat buhat si Elena. Samo't saring reaction ang nakikita ko sa mukha nila. Natawa pa ako ng bahagya ng may ibinulong si Elena sa akin.

"For sure, thier reaction was priceless" with accent pa nyang sabi.

"Ah, manag Lina, dadalhin ko lang si Elena sa garden."

"Okay sige iho,....Miss Elena, mabuti naman po at lumabas din kayo, may gusto po ba kayong kainin? ng madala ko sa inyo mamaya sa garden."

"Gusto ko po sana ng lasagna Manang Lina." malumanay na sabi ni Elena na nakakawit pa rin ang mga braso sa leeg ko.

STRING OF FATE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon