An Obscure String that Bind Us!

Start from the beginning
                                        

Siguro nga talagang dinaramdam nya ang pagkawala ng paningin nya. Pero palaisipan pa rin sa akin kung gayong pwede pa namang maibalik ang paningin nya ay siya pa itong may ayaw. Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko may iba pa siyang dahilan kaya yun ang gusto nya.

3 weeks to be exact ng nagtatrabaho si Gavin sa mga Zobel, at sa 3 weeks na iyon ay matiyaga niyang inaalagaan ang nagiisang anak na babae ng mga ito. Kahit na ba cold ang trato nito sa kanya. Kinakausap nya ito kahit na minsan ay hindi sya nito sinasagot, nagkukwento din siya dito ng mga nakakatawa kahit na sya lang din ang natatawa. Nagmumukha na nga syang tanga minsan sa isip pa nya. Pero hindi iyon naging hadlang para sukuan ang dalaga, sino ba naman kasi sya para sukuan ito diba? Malaki ang utang na loob nya sa pamilya nito kaya ano lang ba ang pag-aalala nya dito kumpara sa mga tulong na naibigay ng mga ito sa kanya.

 Kakarating lang ni Gavin sa bahay ng mga Zobel ng araw na iyon, binati nya muna ang mga kasambahay bago tinungo ang silid ni Elena. Mahimbing pa itong natutulog ng mapagbuksan nya. Kaya naman ay maingat nya inilagay ang pagkain at gamot nito sa coffee table nito. Uupo na sana sya sa sofa ng mapansin nya ang guitara sa gilid ng study table ng dalaga. Wala naman syang maisip na gawin dahil tulog pa ito kaya kinuha nya nalang iyon, alam namang nyang gamitin ang instrumentong iyon. Nung una strums pa lang ang ginawa nya, kalaunan ay nadadala na sya sa kantang piniplay nya kaya napapakanta na din sya. Feel na feel nya talaga ang kantang iyon dahilan para mapapikit pa sya. Nang matapos ang kanta ay ganun nalang ang pagkagulat nya ng magsalita si Elena.

"Ang ganda pala ng boses mo.." bahagya pa itong ngumiti. Pero yung ngiting yun ay mababakasan pa din ng lungkot. Pero iba pa din ang dating nun para kay Gavin, ito kasi ang unang pagkakataong nagsalita ito na hindi sya nagtatanong. At lalong lalo na unang beses itong nagpakita ng ibang emosyon.

Nahihiya namang napapayuko at napakamot pa ng batok si Gavin, as if nakikita talaga sya ng dalaga.

"Nagising ba kita? pasensya kana at ginalaw ko itong guitara mo ha.." hingin paumanhin naman ni Gavin sa dalaga. Agad nya naman itong nilapitan ng akmang tatayo ito sa kama. Inalalayan nya naman itong makaupo sa wheel chair.

"Gavin...right?" malumanay na sabi ni Elena. Tumango naman si Gavin. "Oo, Gavin nga Miss Elena." sagot nya.

"Pwede bang pakitawag si Manang Lina...magtatatulong sana akong mag-ayos" 

"Sige po.."

May isa't kalahating oras din ako naghintay sa labas ng silid ni Elena, ng bumukas ang pinto ay nakangiting Manang Lina ang lumabas. Kaya naman ay nginitian ko din ito pabalik. Pumasok na ako sa silid at gaya ng dati nasa wheel chair na naman si Elena at nasa harap na naman ng malaking bintana at ang layo na naman ng tingin nya.

3 months, sa loob ng mga panahong ito medyo napapalapit na ang loob ko kay Elena at ganun din yata sya sa akin,kasi naman kinakausap na nya ako, hindi na sya masyadong nagmumukmuk. Sa loob ng panahong iyon ay nakakausap na din namin sya ng maayus, yun bang hindi na nya nililimita ang mga sinasabi nya. Pero hindi pa din talaga nawawala sa kanya yung times na tahimik sya at ang lalim ng iniisip, hindi din nawawala yung oras na puro lungkot at sakit ang nababakas sa maganda nyang mukha. Wala naman akung lakas ng loob na itanong kung bakit ganun sya, kasi sino ba naman ako diba? Isa lang naman ako sa mga trabahante ng pamilya nya.

Paalis na ako ng apartment ko, pupunta na ako sa bahay ng mga Zobel. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nadaanan akong flower shop, bagong bukas yata ito kasi ngayon ko lang nakita ito dito. May kung anong nanghatak sa akin na pumasok doon. Ang ganda ng mga bulaklak na nakadisplay sa rocks. Si Elena agad ang pumasok sa isip ko ng mapadako ang tingin ko sa isang bulaklak. Nilapitan ko ito, saya ang nararamdaman ko ng mga oras na nakatitig ako sa bulaklak na iyon.

STRING OF FATE (Short Story)Where stories live. Discover now