"Oh sya sige, maglaro na muna kayo sa play ground at mamaya ipapatawag nalang kayo para sa meryenda" sabi ko pa sa knaila. Nagsisunod naman agad sila at nagtatawanan pang nagsitakbuhan papuntang play ground.
"Gavin, mabuti naman at nandito kana.." nakangiting salubong sa akin ni Sister Jane, nagmano naman ako sa kanya. "Kaawaan ka ng Diyos." sabi pa nya. Nagkwentohan pa kami ng kaunti at tumulong na din sa paghahanda ng meryenda para sa mga bata.
"Nga pala anak, may sasabihin ako sayo..pwede bang doon na muna tayo sa opisina ko?" malumanay na sabi ni Sister jane sa akin, tumango naman ako bilang sagot.
Nasa upuan na nya si Sister Jane at ako ay nasa kaharap nya namang upuan. Seryoso ang mukha niya kaya medyo kinakabahan ako.
"Gavin, diba kilala mo na si Mrs. Zobel?" tanong nya.
"Opo, pano ko po sya makakalimutan kung sya po ang mabait na ginang na tumulong sa atin." magalang kung sagot.
"Dadating kasi ang anak ni Mrs. Zobel galing sa England, at naghahanap siya ng mapagkakatiwalaang nurse na mag-aalaga sa anak nya habang nandito ito sa bansa, kaya ikaw na ang inirekomenda ko."
"Ano po palang nangyari sa anak nya Sister Jane?"
Isang linggo na din ang nakalipas mula ng mag-usap kami ni Sister Jane, at ngayon ay narito na ako sa harap ng napakataas na gate ng bahay ng mga Zobel. Pinagbukas naman ako ng gwardya at alam na nyang ako yung ipinadalang nurse ni Sister.
Nakakamangha sa ganda ang buong kabahayan ng mga Zobel, makikita mo talaga ang karangyaan kahit saan ka lumingon, lalo na sa loob ng bahay. Modern na modern ang style nito, at karamihan ay puro glass yari ang kabahayan.
"Sir Gavin, magandang umaga po, ako po si Manang Lina, ang mayordoma ng bahay" pagpapakilala nya, siguro tansya ko mga nasa 60's na ito.
"Magandang umaga po manang Lina..wag nyo na po akung tawaging Sir, pareho lang naman po tayong magtatrabaho dito eh." magalang kung sabi.
"Nako, bilin po yun ni Madam na Sir ang itatawag namin sa inyo." pagpipilit nya.
"Hmm, nakakailang po kasi eh,..ganito nalang po, kung nandito si Mrs. Zobel, tsaka nyo nalang po ako tawaging Sir, pero kung wala siya Gavin nalang po ah" nakangiti kung sabi.
"Ay, ang kulit na bata." natatawa pang sabi ni manang. Ipinakilala nya naman ako sa mga kasambahay doon bago kami nagtungo sa silid ng anak ni Mrs. Zobel.
Nakalimutan ko palang itanong kay Sister Jane kung babae o lalaki ba ang anak ni Mrs. Zobel. Kaya ganun nalang ang pagkabigla at pagkamangha ko sa nadatnan kung tao sa loob. Bumungad kasi agad sa akin ang mala anghel na mukha ng isang babae na sa tingin ko ay kasing idad ko lang na nakaupo sa wheel chair. Napansin ko agad na ang layo ng tingin nya, kahit na alam kung hindi sya nakakakita.
Nga pala, ang anak ni Mrs. Zobel ay bulag, nawala ang paningin nya sa isang aksedente. Hindi na nasabi ni Sister ang dahil ng aksedente kasi hindi na din ito nabanggit sa kanya ni Mrs. Zobel, pero ng dahil dun kaya nawalan ito ng paningin.
Nabasa ko din sa medecal record nya na hindi naman sya nalumpo or ano, tanging paningin nya lang ang nawala sa kanya. Dala na din siguro ng trauma sa aksedente kaya hindi nya magawang makapaglakad sa ngayon. Napag-alaman ko din na posible pang mabalik ang paningin nya, pero gaya ng sabi ni Sister at Manang Lina ay wala na daw planong ipabalik pa ni Elena ang paningin nya.
Sya nga pala si Elliana Louise Lopez Zobel, 21 years old at bunsong anak nina Mr. and Mrs. Zobel. Kung anong ang ikinagandan ng pangalan nya na bumagay sa mala anghel nyang mukha ay ganun naman ang lungkot na mababakas mo sa buong mukha nya. Sa halos dalawang linggo ko na syang nakakasama ay ni minsan ay hindi ko nakitang ngumiti sya. Sadness, longing and pain, yan ang laging nababakas ko sa mukha nya, lalong lalo na sa mga mata nya. Sa halong dalawang linggo ko syang nakakasama ay tipid lang din syang magsalita at cold treatment ang lagi nyang ibinibigay sa amin ng mga kasambahay nila.
YOU ARE READING
STRING OF FATE (Short Story)
General FictionAccording to an ancient Chinese belief~ " There is an invisible red string that is connected to those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance. The thread may stretch or tangle, but will never break."
An Obscure String that Bind Us!
Start from the beginning
