Five

13.7K 315 11
                                    

NAG-INAT ng mga kamay si Ran pagka-mulat ng mga mata niya. Kinapa niya sa tabi niya si Chernin ngunit wala siyang makapa dahilan upang mapatingin siya sa tabi. 

Chernin was not there beside him. Katabi niya itong matulog kanina dahil na rin sa pagod sa byahe papunta roon kaya wala na silang lakas na magtalo tungkol sa pagtulog. Alam naman kasi niyang ayaw nitong magkakatabi sila sa pagtulog.  

Napabalikwas siya ng bangon. Saan naman pupunta si Chernin? 

He checked his phone ngunit walang message roon. Wala ring note sa side table. Siguro'y nasa baba na. Pero dapat nag-iwan man lang ito ng note sa kaniya. 

He sighed. Naghilamos siya saka nagpalit ng floral shorts and black sando. 

Pagbaba pa lamang ng hotel ay nakasabay na niya ang kaibigan ni Chernin kasama ang fiance nito. 

"Ran, hindi mo kasama si Chernin?" Tanong ni Freida. 

They continue walking. "No. Paggising ko wala na siya sa kwarto namin. Baka narito na sa labas."

"Guys, and’yan na pala kayo." Nakangiting wika ni Eris habang papalapit sa kanila. Kasama nito ang fiance na si Shion. 

"Baka anino lang namin 'to Eris." Pabalang na sagot ni Renji na ikinatawa ni Freida. 

"Funny." Sarkastikong sabi nito saka lumipat ang tingin sa kaniya. "Oo nga pala Ran, nakasabay ko kanina si Chernin pagbaba dito. She forgot to left a note for you kaya pinapasabi niya na mag-swimming lang siya. Nababagot na siguro. Better if you'll go there." Tinuro nito ang malawak at asul na asul na dagat. "Masyadong sexy ang fiance mo kaya bilisan mo, busog na busog na ang mga mata ng mga boylets diyan sa tabing dagat."

Nanlaki ang mata niya. "What did you say?"

"She's just wearing her two piece swim suit. Hindi mo masisisi ang mga lalaki kung mapatingin sila sa fiance mo 'no." Tila nang-aasar pa si Eris sa kaniya.

Bakit bigla ay parang uminit ang dugo niya? Arrgh! Bakit ba kailangang two-piece pa ang isuot ni Chernin? Si Eris nga, naka-floral dress lang. Si Freida, naka-swimsuit man pero naka-bandana at kasa-kasama ang kaniyang partner samantalang si Chernin, lumusong sa dagat ng mag-isa na naka-swim-suit?

He calm himself. Wala naman siyang nararamdaman kay Chernin. He's just taking care of her dahil fiance niya ito. Kailangan niya itong ingatan dahil kung may mangyaring hindi maganda rito, siya ang masisisi. 

"Kalma lang Ran." Natatawang saad ni Freida. "Inaasar ka lang ni Eris."

"I'm not kidding, hello!" Ani Eris saka nagpatiunang maglakad patungo sa tabi ng dagat. 

Binilisan niya ang paglakad upang marating agad ang tabi ng dagat. Doon, maraming taong nasa paligid at marami-rami na rin ang naglalangoy sa dagat.

"Where is she?" Tanong niya kay Eris nang mapatigil sila sa tabing dagat. 

Popular Girls : CherninWhere stories live. Discover now