Two

18.4K 372 5
                                    

“CHERNIN, anak?”

Nagising si Chernin sa masuyong paghaplos na iyon ng ina niya. Kinusot niya ang mga mata niya. “Bakit ‘Ma..” naghikab pa siya pagkasabi niyon.

“Nasa baba si Ran. May date daw kayo?”

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pangalan ni Ran. “Nakalimutan ko!”

“Anak, huwag kang mataranta. I will tell him to wait okay?”

Tumango siya. Nagtatambulan na naman ang mga daga sa dibdib niya. Kung bakit naman kasi agad-agad kailangan nilang mag-date. Kakakilala pa lamang nila nang nakaraang gabi ah. Pero wala, um-oo naman kasi siya rito kagabi nang tumawag ito. Ano ba naman yan!

Bumaba na siya sa kama niya saka dumiretso sa banyo. Bahala siyang maghintay. Kasalanan nito dahil basta na lamang nito ibinaba ang tawag, nahihiya naman siyang gumawa ng back call. 

Tss. Ano ba naman kasi iyong nararamdaman niyang kakaiba sa dibdib niya? Hays. Goodluck to me!

~

“MAY DATE kayo ni Chernin?”

“Yes ‘Pa.”

Ngumiti ang ama ni Ran. “Good job son. Mas makakabuti iyong mas magkakilala kayo ng lubos.”

“Yeah. Aalis na’ko ‘Pa.”

“Ingat ka iho.”

Kumaway lamang si Ran pagkasakay ng kotse niya. He woke up so early to date his fiancé. Nang makilala niya ito kagabi ay hindi niya inaasahang ganoon ka-ganda ang mapapangasawa niya. Kung sabagay, wala naman siyang pakialam kung anuman ang maging hitsura ng magiging fiancé niya. He could get any woman he wanted kaya wala sa bokabularyo niya ang ma-mroblema sa babae.

Habang lulan ng sasakyan ay rumerehistro sa isip niya ang maamong mukha ni Chernin. Mukha itong mabait. Malayo sa pagiging sopistikada na kinaaayawan niya sa isang babae.

He invited her on a date to know more about her. It was all because of that arranged marriage. Isa pa, ayaw niyang suwayin ang ama niya. Ito naman ang may gustong lagi silang lumabas ni Chernin.

Nang makarating sa mansiyon ng mga Serrano ay malugod siyang pinatuloy ni Mrs. Serrano. “Upo ka muna Iho, ipahahanda kita ng juice. Pupuntahan ko lamang si Chernin sa kwarto niya,” nakangiting saad nito.

Ngiti lamang ang isinagot niya rito. Nang makaalis ito ay inilibot niya ang tingin sa buong sala na iyon and there he found a large mosaic of Chernin. She was really beautiful. He likes her innocent face. Sana lamang ay magkasundo sila dahil hindi naman gaanong nagtagal ang dinner nila ng mga nakaraang gabi.

“Iho, pababa na rin si Chernin maya-maya. Hintayin mo na lamang siya rito. Kukuha ako sa fridge ng cake okay?”

Popular Girls : CherninWhere stories live. Discover now