One

39.7K 528 18
                                    

“THAT is bullshit!” mariing sigaw ni Chernin.

Naroon siya sa library ng mansiyon nila kaharap ang magulang niya.

“Be careful with your words honey.” Malambing na wika ng ina niyang si Isabel.

“Pero ‘Ma.” Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan na siya ng kaniyang amang si Rodolfo.

“That’s an order. Wether you like it or not.” Wika ng ama niya saka sila iniwang mag-ina.

“You can’t do this to me ‘Ma.”

Nanggigilid na ang luha niya. Kaninang umaga ay maaga siyang pinatawag ng ina niya. Gusto raw siyang makausap ng ama niya. Ipinagtaka pa nga niya iyon dahil bihira lang niyang makaharap ang ama. He’s so busy with their business.

Hindi niya inaasahang masamang balita pala ang hatid ng mga ito sa kaniya. She was forced to marry the son of Don Federico Clarito. Ang dahilan? Worth a million daw kasi ang aanihin ng kompanya nila kapag nakipag-merged sila sa mga Clarito. Isa lang daw ang hinihinging kapalit ng Don – ang pakasalan ang anak nito.

Para sa kaniya, isa iyong kahibangan. Pinatunayan lamang ng ama niya na handa nitong isugal ang lahat pati siya, na anak nito para sa kayamanan. Gano'n na ba ito kalulong sa pera?

Hindi pa ba sapat ang kinikita ng kompanya nila? 

"I'm sorry iha. Wala akong magawa. Kilala mo ang Papa mo. Lahat ng gusto niya palaging nasusunod." Malumanay na wika ng ina niya. 

"Pero 'ma. Mali pa din. Tama bang ibenta ako ni Papa?"

"Hush. No. Para sa iyo rin ito Chernin."

"No. Paanong para sa'kin? Hindi ko naman kailangan ng pera. I have my own business. I have my savings. Kung tutuusin nga, walang dahilan upang hawakan pa'ko ni Papa sa leeg. I'm earning my own money without any touch of our companies. Sarili ko iyon." Aniya. Malaki ang hinanakit niya sa ama niya. Kung tutuusin, maaari na nga siyang humiwalay sa mga magulang niya dahil kayang-kaya na niyang buhayin ang sarili niya. 

Ang Pink Smoky Bar at Pink ParadiseHotel ang mga popular niyang business. Ilang personality na rin ang naging kostumer nila. 

Maganda ang takbo ng business niya. Ano pang hahanapin niya? Hindi na niya kailangan pa ang kayamanan ng pamilya niya. 

"Anak, baka nakakalimutan mo. Malaki ang utang na loob mo sa Papa mo. Pinag-aral ka niya sa exclusive school na gusto mo. Lahat ibinigay niya sa'yo noong nag-aaral ka pa." Tila nangongonsensiya ang ina niya base sa mga sinasabi nito. 

Oo nga naman. Hindi naman niya nakakalimutan iyon. Lahat ng nagawa at ibinigay ng magulang niya para sa kaniya. Pero hindi pa din tama na iutos sa kaniyang gawin ang ganitong bagay. Kung makapag-demand ang mga ito ay parang gano'n kadali ang gusto ng mga itong mangyari. 

Popular Girls : CherninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon