Kahit Kunwari

994 16 0
                                    

Nakatitig lang ako sa kanya, sa tindig at angking kagwapuhan niya ay iniisip ko na sana isang araw ay mahulog din siya sa akin ----- pero napakaimposible. Napailing nalang ako kasabay ng pagpunas ng luhang bumagsak sa pisngi ko. Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.

Mahal na mahal ko siya. Hindi ko napigilang mahalin ang matalik kong kaibigan. Nahulog ako at nakalimutan kong pareho kami ng kasarian. Hindi ko napigilan. Naging mahina ako. Siya si Tj, isang varsity player. Habulin ng chicks at isang campus heartthrob. At ako, isang kaibigan lang. Kapitbahay. Kababata. Kaklase. Kalaro at palihim na umiibig. Tang ina! Bakit ba ko naging ganito? Sana naging normal nalang ako. Tumalikod na ko at akmang tatakbo dahil nasasaktan ako habang nakatingin lang sa magkahawak nilang kamay ng girlfriend niyang si Angeline.

"Chest!" Tila na-freeze ako sa aking paghakbang ng marinig ko ang boses na yun. Hindi ko alam kung lilingon ba ko o tatakbo nalang para hindi na ko lalong masaktan.

Naramdaman ko nalang ang kamay na lumapat sa balikat ko. Wala na ko sa katinuan dahil sa kirot na aking nararamdaman, tinabig ko ito ng malakas dahilan para mapukaw ko ang atensyon ng ibang tao dito sa court. Tila tumigil ang pagtakbo ng oras, parang na-freeze ang lahat maliban sa luha kong patuloy sa pagbagsak.

Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala. "Ayus ka lang ba?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumakbo na ko palayo sa court na ito.

Dumiretso ako sa likod ng isang building at nagsisisigaw doon at pinagsusuntok ang pader! Galit ako. Galit ako sa sarili ko, ayaw ko nang maging ganito. Ayaw ko na sa sarili! Galit ako sa mundo. Lalong lalo na sa puso kong ginawang kumplikado ang buhay ko. Sana ay napigilan ko. Sana hindi ko hinayaang mahulog sa bestfriend ko. Tang ina! Ang sakit sakit na.

-----

Kahit gusto ko mang iwasan siya, hindi ko iyon magagawa. Magkapit-bahay, magkaklase at magkaibigan, dati.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Nahihirapan na ko.

Sinusubukan kong hindi magtagpo ang landas namin. Kung sa classroom naman ay iniiwasan kong magtama ang aming paningin. Dahil alam kong mahina ako. Dahil alam kong kahit gaano man kasakit, mamahalin ko siya ulit.

Hindi ko namalayang nakakatitig pala ako sa kanya habang kinakausap niya ang mga kaibigan niya sa loob ng classroom na ito.

"Uy!" Gulat sakin ni Mika, ----- kaklase namin. ----- pero hindi ako nagulat.

"Huh? Huh." Tanging naisagot ko.

"Ano bang nangyayare sayo?" Nilapit niya na ang mukha niya sa mukha ko. Pilit na inaalam ang nararamdaman ko.

Umiwas ako ng tingin, "ah, wala."

Humarap siya sakin para magtama ang aming mga mata. "Ayus ka lang ba?" Malumanay ang kanyang boses. Naghahanap ng sagot. Nakikiusap ang kanyang mga mata.

Hindi ko na napigilan ang pagkirot ng aking dibdib. Yumuko ako at sinabing, "okay lang ako. Ano kaba?"

Naramdaman ko ang daliri ni Mika sa pisngi ko kaya di ko sinasadyang natabig ko ito. Nagkatinginan kami. "Umiiyak ka." Saad niya.

Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Shit! Ayokong may makakita baka lalo lang dumami ang umusisa.

"Okay lang ako." Sabay tawa ko pa sa kanya.

Pumasok na ang teacher namin at nagpuntahan na sila sa kanya kanya nilang upuan.

"Usap tayo mamaya." Saad ni Mika bago niya ko tuluyang tinlikuran.

-----

Nakaupo kami magkaharap sa canteen ng eskwelahan habang sabay na kumakaen.

Nilalaro ko lang ng tinidot ang spaghetti na in-order ko.

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na. Parang others e." Napatingin akosa kanya at tsaka siya sumubo ng pagkain niya.

"I'm..." Hindi ko maisalita ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Natatakot ako na kumalat at parehong masira ang reputasyon namin ni Tj sa school na 'to.

"Ano nga?! Punyeta chester!" Nanlilisik na ang kanyang mga mata at nakaramdam ako ng takot. Feeling ko any moment ay sasampalin na ko ni Mika na parang sa mga telenovela.

"I'm inlove kay Tj!" Shit. Hindi ko lang naisalita, naisigaw ko pa.

"WHATTTTTTTT?!!!!!" Bulalas niya.

Itutuloy ...

Sa isang Sulok ng Mundo IIWhere stories live. Discover now