PROLOGUE

1 0 0
                                    

"AHHHH ANDYAN NA SILAA!"

"OMG ANG GWAPO MO STEVEN!"

"KYAAAHHHH ILOVEYOUUU DRAKEEYY."

"AKIN KA NALANG CALEEEBB MYLOVESSS!"

"RAGEEEE ANG CUTEEE MOOO GRABEEEE."

Heto nanaman sila. Punong-puno nanaman ng sigawan. Paulit-ulit binabanggit ang mga pangalan na nakakasawa ng pakinggan at hindi ko alam kung bakit ako nakatayo dito.

Sila lang naman ang FG; Feeling Gwapo ng campus namin.

Joke! FANTASTIC GROUP ANIMO.

Hinahangaan. Kinahuhumalingan. Kinababaliwan. Kinaadikan.

Pero ibahin niyo ako.

NOT CHANTAL LOUISE. NEVER!

Tiningnan ko si Rage Gonzales, isa sa apat na sikat dito sa Heart University. Matangkad siya, Malago buhok niya, Chinito at Maputi. Magaling siyang magbasketball, siya pa nga ang Team Captain ng Heart Basketball Team. But I still wonder kung bakit ang OA naman ng iba para mabaliw ng bongga sa kanya, isama mo na yung bestfriend kong si Stephanie Cruz, na dakilang stalker ni Rage.

Napatingin naman ako sa kalapit niya, Caleb Nathan Dominguez, Matangkad din siya kaso mas matangkad ng konti si Rage. Dakilang manloloko at paasa sa kanilang apat. Halos lahat nalang ata ng babae sa campus ng Heart, naging-jowa niya. Kada-segundo ata siya nagpapalit ng jowa, ang masaklap pa, pinagsasabay-sabay niya pa. Pero sa apat, siya ata yung matalino. Definitely, siya talaga.

Nabaling naman yung atensyon ko sa katabi ni Caleb na walang ginawa kundi kumaway sa mga tao sa palagid niya, kung sa apat, siya yung feel na feel yung pagiging sikat, Drake Ivan Hernandez, Siya yung hindi isnob pero super daldal naman. Well, magaling siyang magswimming. Panlaban siya ng Heart sa swimming sports at palagi siyang panalo that's why, every girl was crazy over him.

Well not me, Not Chantal.

Lastly, nakuha ang atensyon ko ng naglalakad at nagsasalitang yelo; Steven Lopez, Siya ata yung walang ka-amor amor sa tinatamasa niyang kasikatan. Lahat iniisnob niya, Lahat sinusungitan niya at hindi ko alam kung bakit pinagtyatyagaan pa din siya ng mga fangirls kuno niya. Pero infairness, magaling siyang kumanta at sumayaw. Pero never niya akong napahanga. As in NEVER.

"AHHHH GRABEE ANG GWAPO NAMAN NI RAGE LOVES KO!" Steph shouted at sa tapat pa talaga ng tenga ko. Bwisit talaga!

"Steph pwede ba tara na sa room, tigilan mo na kaka-Rage mo wala ka naman napapala diyan, Tara na." Kinapitan ko si Steph sa braso niya kaso nung hihilahin ko na siya, ako ang hinila niya ng malakas pabalik sa pwesto namin.

Punyeta talaga ang kabaliwan niya. Eh tao din naman yang mga yan ay! Mabaho din utot nila. Yaay!

"Naglalakad sila papunta dito." Tiningnan ko naman yung apat.

"Naghahallucination kana Steph hahaha tara na kasi, sapok ka na talaga sakin." Sabi ko at inirapan siya.

"Chant papunta talaga sila dito satin." Tiningnan ko ulit yung apat at papunta nga sila sa pwesto namin. "Nakatingin sila sayo bessy." Napalunok nalang ako, hindi ko makakaila na, nakatingin nga sila na naglalakad papunta samin.

Feeling ko huminto lahat ng sigawan. Tumahimik ang palagid at tanging yabag lang ng paa na papalapit sa pwesto namin ang naririnig ko.

Ilang segundo pa at kaharap ko na ang apat na lalaking kinababaliwan sa school namin.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 21, 2018 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

THE BATTLE TO WIN CHANTAL'S HEARTWo Geschichten leben. Entdecke jetzt