Chapter 17

3.2K 67 0
                                    

"Mom, ano pong nangyare kay Dad?" Agad kong tanong ng makapasok sa kwarto nilang dalawa.

Kaninang pag gising ko ay rinig ko ang ingay sa baba. Pagkababa ko doon ay nagkakagulo ang mga katulong namin kaya naalarma rin ako.

"What happened, Manang?" I panicked.

"May pumasok kasi na magnanakaw kagabi. Marami ng katulong doon sa kwarto nila Ma'am at Sir dahil nawala ang mga importanteng gamit nila."

Nanlalaki ang matang binaling ko ang aking tingin sa taas kung nasaan ang magulang ko. Nakabukas ang pinto at palabas-balik ang mga katulong.

"What happened to my parents?"

"Maayos na sila, salamat sa Panginoon!" Manang uttered.

Mabilis akong umakyat at kita ko kaagad ang mga katulong namin na naglilinis ng mga nabasag na muwebles. Napapikit ako ng mariin.

Thank God gamit lang ang ginalaw at walang taong nadamay. Bigla tuloy akong kinabahan. Ako lang ang mag-isa dito sa palapag na 'to dahil umalis sila Mom and Dad at may pupuntahan.

Lumapit ako kay Dad habang siya'y nakaupo at nakahawak sa dibdib niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Your Dad is okay now, baby. Don't worry too much. Thanks to God na walang nadamay."

Mom hugged me and I hugged her too.

"You okay?"

"Opo."

"Don't tell this to your brothers at baka umuwi agad sila."

Marahan akong tumungo. Hindi pa pala nila alam na uuwi na sila. Isang linggo na lang rin ang hihintayin namin para magkasama-sama ulit.

I kissed Mom and Dad cheeks bago pumunta sa kusina. Kumain muna ako bago dumiretso sa kwarto ko. Naligo at nagbihis ng uniform pagkatapos ay bumaba na.

Manong drove me to school. Bago ako bumaba ay kinausap ko muna siya.

"Manong, itetext ko na lang po kayo kapag susunduin niyo po ako." I said.

Bumaba na ako at dumiretso na sa classroom. Umupo ako sa tabi ni Alexa na busy sa katext niya.

"Hoy!"

"Ay putek na kalabaw!" She exclaimed.

Anong nakakagulat doon? Sinamaan niya ako ng tingin habang ako'y nakataas ang isang kilay. Mukhang hindi niya napansin ang pag-upo ko kaya gano'n na lang ang gulat.

Sumilip ako sa phone niya pero agad niyang iniwas. Tumalikod pa siya sa akin at mabilis niyang nilagay iyon sa bag niya.

"Who's your texting?" I asked.

"Nothing."

Kinurot ko siya sa bewang. Yan tayo, e. Kapag siya nagtatanong sa akin, kinukwento ko pero pag siya sa akin, grabe!

"Ouch! It's n-nothing..."

"Tsk. Ganyan ka na, sige."

Umirap ako at umayos na lang ng upo na kunwaring nagtatampo sa kaniya. I don't even know what's going on with her lovelife, if she have.

"Uy, ok, ok. It's Alli, ok? Your cousin."

Agad akong humarap sa kaniya. I knew it!

"Kailan pa 'yan?" Nagtatampo talaga ako sa kaniya dahil hindi niya manlang ako sinasabihan tungkol sa kanila.

"N-noong ano pa... yung kinuha pa natin ang card,"

"What? It means, one month, already?"

She slowly nodded. "Alli is in love with me. He told me."

Promised Love (Port Barton #1)Where stories live. Discover now