Baby.....

301 10 0
                                    

Matamang nakatingin si Kenneth sa kasintahan habang naglalakad siya papasok ng shop nito. Ilang araw na rin niyang hindi ito nakikita dahil pinagtataguan siya nito. He hated himself for causing her pain which was very visible in her eyes right now. Gustong-gusto niyang sipain ang sarili at sa isip ay lalo siyang nagagalit kay Kriselda dahil sa ginawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit dito.

​"Nakita din  kita sa wakas sweetheart, kumusta ka na?" Hindi ito umimik at nanatiling nakatingin lang sa kaniya.

"Ilang araw mo rin akong pinagtaguan, handa ka na bang kausapin ako sweetheart?"

​Hindi makapagsalita si Zia dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya kaya bahagya na lamang siyang tumango. Pinagmasdan niya ito at napansin niya ang lungkot sa mga mata nito. Medyo haggard na rin ang hitsura nito, halatang nahirapan ito sa ginawa niyang pag-iwas, ngunit sa kabila nun ay hindi iyon  nakabawas sa taglay nitong kaguwapuhan. 

​Tumayo ito sa harapan niya at pinasawa muna ang mga mata sa pagmamasid sa kaniya bago ito nagsalita.

"That day na nagpunta ka sa bahay at inabutan mo kami ni Kriselda, walang nangyari sa amin sweetheart."

​"Ano sa tingin mo ang iisipin ko sa nakita ko, you were naked and you were kissing her?"

​"Hindi ako gagawa ng kahit na anong bagay na makakasakit sa iyo sweetheart. Tandaan mo sana yan."

Humarap ito sa kaniya upang abutin ang kamay niya at pisilin. Ramdam na ramdam niya ang init ng palad nito at nanunulay iyon sa bawat himaymay ng katawan niya. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano talaga siya kasabik dito. Kung gaano niya hinahanap ang init ng mga bisig nito habang ikinukulong siya nito sa mahigpit nitong yakap. Pero sa ngayon ay pakikinggan muna niya ang sasabihin nito.

​"Kasalukuyang nagbibihis ako noon upang dumalaw sana sa inyo nang dumating si Kriselda.  Kinukumusta lang daw niya ang lagay ko kaya ko siya pinatuloy. Hindi ko akalaing susundan niya ako hanggang kuwarto ko. Inaamin ko, sinubukan niya akong akitin pero tinanggihan ko siya. Nang hindi  gumana ang pang-aakit niya sinubukan niyang gamitin si Myco upang patulan ko siya pero hindi ako pumayag Zia. I turned her down straight to her face. At yong eksenang inabutan mo. Siya ang humalik sa akin. It was just unfortunate na inabutan mo kami sa ganoong sitwasyon. Please believe me sweetheart, walang nagyari sa amin. Hinding-hindi kita kailanman lolokohin" buong sinseridad na pahayag nito.

​"I thought.....I..I'm sorry Kenneth. I..."

​"Shhh..." anitong inilagay ang daliri sa mga labi niya. 

"Wala kang kasalanan sweetheart. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. "

​"Nasaktan ako ng husto sa isiping maaring ipinagpalit mo na ako sa babaeng yon. Dahil doon hindi kita binigyan ng pagkakataong magpaliwanag"

​"Walang maaring pumalit sa'yo sa puso ko Zia. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ikaw lang ang may hawak nito. The first time I saw you, I have already fallen in love with you right there and then. Ikaw lang ang nakikita at kinikilala ng puso ko. Kaya kahit ilan pang babae ang subukang kunin ang atensiyon ko, hinding-hindi sila magtatagumpay na kunin ang puso ko. I love you very much Zia. I'm sorry for causing you so much pain"

​Ang totoo hindi na mahalaga pa sa kaniya ang paliwanag nito. Nakahanda na talaga siyang balikan ito at patawarin kung sakali mang nagkasala ito. Kaya ang kaalamang wala naman pala itong kasalanan ay lubos na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan at kapayapaan. Binabalot ng init ng pagmamahal nito ang kaniyang buong katauhan.
​Tumingin siya rito at hinayaang makita nito sa kaniyang mga mata ang pagmamahal niya rito.

"Sabihin mong pinapatawad mo na ako sweetheart and that you're taking me back"

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad Kenneth and you don't have to ask me to take you back dahil hindi naman kita binitawan. Nagselos lang ako ng husto at hindi ko alam kung paano i-handle iyon kaya nagtatago ako. Ako nga ang hindi nakinig sa paliwanag mo" nakayukong turan niya rito.

"Say you love me too sweetheart" buong pag-asam na wika nito at inangat ang kaniyang mukha upang magsalubong ang kanilang mga mata.

"I love you Kenneth. I love you very much".

Iyon lang ang hinintay nitong marinig at inangkin na nito ang mga labi niya sabay yakap sa kaniya. She missed him so much. Being in his arms, she's finally home. Sa mga bisig lamang nito niya matatagpuan ang kapayapaan ng kanyang puso. Home is being with him. Buong puso niyang tinugon ang yakap at halik nito. Ramdam niya sa halik nito ang pangungulila nito sa kaniya. Pinapawi ng halik nito ang lahat ng pagdurusa at pangungulilang naramdaman niya sa mga panahong tiniis niya ito.

"How did you know I'm here?" tanong niya rito matapos nitong pakawalan ang kaniyang mga labi.

May ngiti na sa mga labing nakatunghay ito sa kaniya. At makikita sa kislap ng mga mata nito ang pagmamahal at kaligayahan na sa wakas ay nagkaunawaan na din ang kanilang mga puso.

"Sa Mommy mo, galing ako sa bahay niyo at sinabi nga niyang nagpunta ka raw ngayon dito sa shop kaya pinuntahan na kita rito. Ang totoo kung hindi kita aabutan dito ay mamumukmok na naman ako sa bar ni Jeremy at magpapakalasing" nahihiyang turan nito na may alanganing ngiti sa mga labi.

"Mabuti inabutan mo ako, paalis na rin ako, dadaan kasi ako sa clinic ngayon" Agad na bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"May nararamdaman ka bang masama sweetheart? "

"Medyo nahihilo kasi ako nitong mga nakaraang araw at medyo delayed na ang period ko" namumulang sagot niya rito. "Magpapa-check-up sana ako para ma-confirm yong lumabas sa ginawa kong pregnancy test kanina"

"Are you pregnant sweetheart?"

"Positive yong result but I still want to confirm it kaya ako pupuntang clinic" Nagulat siya ng bigla na lang itong lumapit sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit. Binuhat pa siya nito at inikot-ikot.

"Hey, put me down, nahihilo ako. Isa pa baka hindi pa magaling ang sugat mo at magdugo"

"You just made me the happiest man alive sweetheart. Madaliin na natin ang pag-aayos sa kasal. I'll take care of you and our baby. I promise, I'll be a very good husband and a father. Oh, I love you very much sweetheart."

Mariin siya nitong hinalikan sa mga labi at damang-dama niya sa mga halik nito ang lubos na kasiyahan at pagmamahal sa kaniya.

The First Time I Saw YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon