Hide and seek

245 7 0
                                    

​Paakyat na sana si Kenneth sa kuwarto niya para magbihis. Kagagaling lang niya sa bahay ng mga magulang at balak naman niyang puntahan ang kasintahan upang dalawin. Bubuksan na lamang niya ang kuwarto niya nang tumunog ang doorbell niya.

​"Hi" bati ni Kriselda na siyang napagbuksan niya.

​"Kriselda, what are you doing here? "Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ito.

​"Nabalitaan kong ngayon ang labas mo ng ospital kaya naisipan kong dalawin ka na lang dito para kumustahin"

​"Thank you. Maayos naman na ang lagay ko. Aalis nga sana ako, dadalawin ko si Zia. Magbibihis lang ako at sabay na tayong umalis" aniyang iniwan na ito at umakyat sa kuwarto niya para magbihis.

​"Hindi ka ba sinamahan ni Zia sa paglabas?" narinig niyang tanong nito, sumunod pala ito sa kaniya. Natanggal na niya ang kaniyang polo at kasalukuyang namimili ng pamalit.

"Kung ako ang girlfriend mo, hindi kita hahayaang mag-isang alagaan ang sarili mo".

​"What are you doing inside my room Kriselda. Please get out para matapos ko na ang pagbibihis ko" aniyang tinalikuran ito.

Nagulat na lang siya ng bigla itong yumakap sa likuran niya. Bukas na din ang blouse nito kaya ramdam na ramdam niya ang dibdib nitong nakadikit sa likod niya lalo na at nakahubad-baro siya.​

​"Kriselda, anong ginagawa mo?" galit niyang kinalas ang mga braso nitong nakayakap sa kaniya at hinarap ito.

"What do you think you're doing woman" galit na tanong niya dito.

​"I love you Kenneth, matagal na. Hindi ba puwedeng ako na lang ang mahalin mo. Maganda naman ako di ba. Nandiyan pa si Myco, alam ko namang mahal na mahal mo siya"

​"I'm sorry Kriselda, Pero mahal ko si Zia. You better leave now Kriselda and fix yourself." Ngunit sa halip na umalis ay galit na galit na bumaling ito sa kaniya.

​"Hindi mo na makikita si Myco kahit kalian. Ilalayo ko siya sa'yo" banta nito sa kaniya.

​"Karapatan mo yan Kriselda. You're his mother" mariing wika niya rito.

​"Akala ko ba mahal mo ang bata. Puwede tayong maging pamilya Kenneth. Kaya ka naming paligayahin ni Myco, higit pa sa babaeng yon. Piliin mo kami Kenneth kung hindi ay talagang hindi ko na ipapakita sa inyo ang bata"

​"Ayusin mo na ang sarili mo Kriselda at umalis ka na. Huwag mong gamiting pam-blackmail ang bata, it won't work on me. Umalis ka na rito bago pa kita kaladkarin palabas" nagtatangis ang bagang na wika niya rito ngunit niyakap lamang siya nito at hinalikan sa labi. ​

​What he didn't count in is the chances that Zia will see them in such an uncompromising situation. Paglingon niya sa nakabukas na pinto ay kitang-kita niya ang gulat na reaksiyon ng kasintahan....

"Zia..."

Napatda ito sa kinatatayuan and he can see the instant registration of pain and betrayal in her eyes.  Kitang kita niya ang pagtulo ng luha nito and its tearing his heart apart. He would move heaven and earth just to erase that pain. Humakbang siya palapit dito ngunit agad na itong tumalikod at tumakbo pabalik sa sasakyan nito. Hindi na niya ito inabutan dahil medyo nanghihina pa siya.

​Napapamurang napabalik na lang siya sa loob at galit na sinaklit ang braso ng babaeng dahilan ng malaking problema niya ngayon. He knew he is in big trouble.

​"Damn it Kriselda, nakita mo na ang ginawa mo. Umalis ka na ngayon din bago ko pa makalimutang babae ka. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. " puno ng galit na asik niya rito at itinulak ito palabas ng bahay.

The First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now