+ para sa'tin (SEQUEL)

Start from the beginning
                                    

Napakamot ka sa batok mo. "Sorry na po tito, busy lang po sa school."

"It's fine, what matters most is the fact na nakita na namin ulit and you look...well," sabi naman ni Zild at lumakad papunta sa iyo.

"...you look well."

Nagpaulit-ulit iyan sa isipan mo. Hindi mo nga alam kung matino pa rin ba ang mental health mo o ano. Are you really well kung gabi-gabi mo pa rin siya iniiyakan even though it's been years na? Are you really well if you feel your heart crush into tiny little pieces every time you hear his name? Are you really well if you can't pass the day without thinking about him? Are you really well kahit alam mong mahal mo pa rin siya?

Despite all of it, ngumiti ka nalang.

"Kumusta ka na pala? Parang wala na kaming balita sa iyo, ah." sabi ni Unique at kumuha ng isang upuan.

Nagkwentuhan kayong apat na para bang tulad lang ng dati kung saan maayos pa ang lahat. Kinumusta mo sila, at kinumusta ka rin naman nila. Sa katunayan nga, talagang namimiss mo na ang makipag-bonding sa kanila. Noong kayo pa kasi ni Blaster, talagang todo pakilala siya sa iyo ng kanyang mga ka-banda kaya naman naging kaibigan mo na rin sila.

Pagkatapos kasi nung hiwalayan niyo ni Blaster at nalaman na ito nila Zild, sila 'yung unang mga taong nag-comfort sa'yo kahit na ayaw mo nang buksan ang social media mo noong mga panahong iyon dahil puro hate tweets lang ang natatanggap mo mula sa mga fans ni Blaster. Puro pambabash. Kaya laking pasasalamat mo sa kanila dahil tinulungan ka nila.

"Ano," panimula ni Unique. "Nagusap na ba kayong dalawa?"

Nanigas ang mukha mo. Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata mong kanina lamang ay nakangiti. Kinuyom mo ang iyong kamao at umiling ka. Ayan nanaman, naramdaman mo nanaman ang kirot sa iyong puso na laging bumabalik kapag siya ang napag-uusapan.

Halatang inaantay nila ang sagot mo. Tumahimik ang buong kwarto at ang naririnig mo lang ay ang tunog ng electric fan.

"'Yung huling beses ay nung nakipaghiwalay ako sa kanya."

Nagtinginan silang lahat. Hindi mo maintindihan kung bakit.

"Edi hindi mo pa nasasabi ang rason mo?" tanong naman ni Zild.

Tumango ka lang.

Saka mo natandaan siya.

"Nga pala...." malumanay mong sabi. Nakatuon na ang atensyon nilang lahat sa iyo. Pinilit mong gawing kalmado amg boses mo kahit sabik na sabik ka nang makasagap mg balita tungkol sa kanya. "Kumusta na siya?"

Sa tagal niyo nang hindi nagkikita o nag-uusap, ni isang balita tungkol sa kanya, wala kang nasagap. Pakiramdam mo naman na simula noong iniwan mo siya, nawalan ka na rin ng karapatan na kumustahin siya. Like you wanted to know how he's coping up with his everyday life after you've hurt him? May pagka-walang hiya ka naman pero nakokonsensya ka rin.

Nakakakonsensiya kasi kapag ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang minamahal mo sa buhay.

And if you're going to be really honest, masasabi mong hanggang ngayon hinahanap-hanap mo pa rin siya.

Nagtaka ka nung hindi agad sila sumagot. Nagtinginan ulit silang tatlo at nababasa mo sa mga mata nila na parang may tinatago sila. Parang nagdadalawang isip sila sa sasabihin nila. Inantay mo lang. Hindi mo na pinilit. Wala ka na rin namang karapatan, e. Tapos na, at ikaw ang puno't dulo ng lahat.

Unique cleared his throat. "Maayos naman siya ngayon."

Tumango sina Badj at Zild -- almost willingly like they just wanted to convince you.

IV OF SPADES ImaginesWhere stories live. Discover now