Chapter Six

20 0 0
                                    

Chapter Six

Na-nosebleed ako sa POV ni Lenard, hindi ko talaga keri ang POV ng lalaki, mwohahaha! By the way, may naiisip na nga pala akong ending nito. Hindi ko nga lang alam kung paano ko gagawin 'yung shortcut para mapunta sa ending na 'yun.

PS. Naalala ko lang, walang nag-react dun sa first chapter nung sinabi kong mataba na si Lenard. Actually, hindi siya mataba na as in mataba. He only gained some weight habang nasa kulungan pa siya pero he's not really that fat. So ayun, wala kasing kumuwestiyon kaya kusa nalang akong nag-explain. Baka isipin niyo, ginawa kong baboy si Lenard tapos si Apple 'yung ilalagay sa bibig niya, bwahahahahaha! Ang absurd ko XDD

Enjoy~

Vanessa's Point-of-View

AWKWARD.

"Joke lang," bigla niyang bigkas sabay tawa. Nakahinga naman ako nang maluwag nang sinabi niya iyon. Akala ko naman totoo, buti nalang at hindi.

"Baliw ka talagang Mansanas ka! Alam mo bang kinabahan ako sa sinabi mo?!" sigaw ko sa kanya tsaka siya tinaasan ng kilay. Its my turn to raise mine now. "At kung maaari lang, huwag mo sanang hayaang mangyari 'yun, Apple. Ikaw lang ang masasaktan at ayokong mangyari 'yun sayo, mahalaga ka sa'kin. Ayokong maranasan mo ang sakit na naranasan ko noon. Don't ever fall for me, Apple."

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, hindi ko alam kung anong status ng puso ko ngayon, mahal ko si Rod pero ayaw ko na. Gusto ko nang sumuko kaso pwede ba? Kung pwede lang sanang bumili ng bagong puso at itapon 'tong isa na sobrang tanga at patuloy na nagmamahal kay Rod, gagawin ko, para lang makalimutan siya. Ayoko na, e. Sobrang sakit na, quotang-quota na. Kung pwede lang sanang utusan 'tong puso ko kung sinong mamahalin, gagawin ko talaga.

"So you've been inlove, Vanessa?" he asked, finally breaking the ice between us. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Of course... and that freaking thing you called love hurt me alot," I said, still looking outside the window.

"So who's that jerk you fall into?" he asked but I didn't answer him, I'll keep it a secret from him as long as I can. He heave a sigh when I didn't spilled the beans. "Mahal mo pa rin ba 'yung lalaking 'yun hanggang ngayon?"

"I... I don't know, Apple," I answered him. Alam kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Rod pero... katulad nga ng sinabi ko kanina, ayoko na, ayoko nang umasa pa.

"Paano ba tayo napunta sa topic na 'to? Boring naman dito sa bus, pahiram nga ng MP3 mo, Van," pag-iiba niya ng usapan. Napangiti naman ako. Kahit na lagi ko siyang inaaway, kahit na lagi ko siyang inaasar, deep inside, alam kong masaya ako kasi dumating ang Mansanas na 'to sa buhay ko.

"O, share tayo. Huwag kang madamot, pabalikin kita sa planeta mo, e," pagmamaldita ko sabay abot sa kanya ng MP3 ko.

"Edi isasama kita, hawak mo 'yung puso ko, hindi ako makakaalis nang wala iyan," banat niya habang pumipili ng kanta. "Kaso ang pangit mo, huwag nalang pala! Hahahahaha!"

Sana nagbibiro ka lang talaga, Apple... ayokong masaktan ka nang dahil sa'kin. I'm not capable of loving again. You don't deserve me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Colors and Promises (MIR and MSD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon