Nakapameywang pa ako nyan ah habang tinitingnan ang paligid and I feel so satisfied. You are really the smartest and creative person Jade dela Cruz. Sabi sa inyo eh kapag nag-focus ako sa isang bagay walang imposible sa akin.

                “Maam, okay na po ang lahat..”

                Parang nasirang plaka tuloy ang moment ko ng lingunin ang mga staff na nagpakahirap i-set ang table at mga pagkain sa harapan. They even decorate the living room with flowers and candles to give it a romantic effect. Nemen oh! Inuuto ko pa yung mga readers ko eh. “Sir, salamat po sa tulong ito po ang tip nyo.” Nag abot ako sa kanila ng pera dahil talagang satisfied ako sa trabaho nila. Hindi lang yun sobrang bilis pa nila ah!.

                “Thank you po Maam. i-remind ko lang po kayo na babalikan po namin ang mga gamit early in the morning.”

                “okay sige. Babye.” Kumaway pa ako sa  kanila hanggang makasakay sila sa Elevator.

                Baliw ka talaga Jade! May pa-smartest and creative person ka pang nalalaman tapos ganoon tumawag ka din pala ng mga taong mag aayos para sayo.

                Oh come on guys! Pagbigyan nyo na ang buntis. Hindi ako pwedeng mapagod! I repeat hindi ako pwedeng ma-stress at mapagod.

                Tsh, ginagamit mo lang yata yang baby mo para may reason ka to pamper yourself. Para ka talagang bata. Nasaan ang effort doon aber?

                I grin. Effort? Etoh ang effort. Kinuha ko ang lighter at sinindihan ang mga scented candles sa table. Tada! Effort ko yan ah!. Bwahahaha

                At syempre hindi naman magsisimula ang main event kung wala ang guess of honor. I mean si Ryan na hanggang ngayon ay M-I-A pa rin. Gusto ko sana syang i-surprise eh pero katulad nga ng sabi ko ayoko ng pinaghihitay mainipin ako. Saka isa pa para matapos na itong kabang nararamdaman ko. I swear nikakabahan talaga ako kahit pakinggan nyo pa ang heartbeat ko, makabasag eardrums.

                Woooooh, nakakatense din pala ang ganito. Now I know kung ano ang nafi-feel ng mga guy na nagpopropose sa mga babae. Isang malaking bow para sa inyo dahil nakaya nyo ang pressure!. Palakpakan natin sila! Yey!.

                Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag at idi-nial ang number ni Ryan. Naupo ako sa couch habang hinihimas ang tummy ko. Mukhang excited din si Baby eh kahit dalawang buwan pa lang sya na-fifeel ko na gusto din nyang marinig ang boses ng Daddy nya. “ang tagal sumagot ni Daddy Ryan mo.”

                After ng ilang ring at last may sumagot din sa phone nya. “Hello?”

                Napatuwid tuloy ako ng upo at biglang naging alerto. Totoo ba itong naririnig ko?. Bakit parang? Tiningnan ko yung phone ko kung tama ba ang number na na-dial ko. I can not be wrong, number nga ni Ryan iyon. So why would a girl answered his phone?.

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now