Chapter 13 #Vision

9K 254 7
                                    


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

WARNING: ANG SUMUSUNOD NA PARTE NG ISTORIYANG ITO AY MAY MASASAMANG LENGUWAHE KUNG HINDI MO NAIS NA MABASA ITO AY LAKTAWAN NIYO NALAMANG, IKAW AY NABALAAN NA...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alex's P.O.V

Nagising ako dahil sa araw na nagmumula sa bintana na tumama sa mukha ko...

*yawn* nag inat inat muna ako bago naligo at nag bihis.

Habang nagbibihis ako...

"Ahhhhhhh!!!"sabi ko at napahawak ako sa ulo ko

"Mahal!! Kailangan na nating lumikas!!"sabi ng lalaki

"Pano ang anak natin?!"sabi ng babaeng may hawak na baby I must say na magkamukha kami.

Gumawa ng portal papunta sa mundo ng mga tao ang reyna, at agad itong pinasok kasama ng dyamanteng kwintas na gawa mismo ni Goddess Iceline.

"Arraaaayyyyy!!!"sigaw ko dahil sa sakit

"Oh mahal na bathala, kayo na ang bahala sa akin anak, naway gabayan niyo siya hanggang sa siya ay lumaki"pag dadasal ng reyna bago tuluyang ipasok ang sanggol.

Ng nasigurado na nilang ligtas na ang bata ay isinara na nila ang portal at balak na sanang umalis ng dalawa ng dumating ang isang babae na naka bistidang itim.

"Saan kayo pupunta?"sabi niya

"Aahhhhhhhh!!!!"sigaw ko at napahiga na sa sahig

Wala ka na dun ********!!!"sigaw nung babae

Binato ng babaeng naka itim ang dalawa na agad namang umilag.

"Ano ba ********!!! Tumigil ka na!"sabi nung babae at binato niya ang babaeng nakaitim ng bolang puti.

"Argh!!"sabi nung babae at namilipit sa sakit

"Mahal! Umalis ka na! Ako ng bahala dito"sabi ng lalake.

"Hindi kita iiwan dito! Kung mamamatay ka, sasama ako"matapang na saad ng babae.

~~~

"Ahhhhh tama na please!!"sigaw ko habang naka hawak sa ulo

"Alex!!! Alex!! Ano nangyayari sayo jan?!"sigaw sa labas ng pinto

"T-Tulong!!"sigaw ko pero parang wala ng boses at nawalan ng malay...

_________

Agua's P.O.V

Hayyy panibagong umaga panibagong pagsubok...

Nagbihis na ako ng...ng...damit malamang! *roll eyes*

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko malamang alangan naman evening diba?

Tss...

Bumaba na ako at nadatnan ko silang nasa table animo'y may hinihintay...

"Where's Alex?"tanong nila

"Mukha ba akong tanungan ng nawawalang goddess?"sabi ko at umirap sa hangin

"Tss"sabi ni Flame at Cold hayy walang pinagbago

"Litha? Okay ka na?"tanong ko

"Oo okay na salamat"sabi niya

Katahimikan ang namayani sa sala hanggang sa...

"Ahhhhhh!! Tama na please!!"sigaw sa taas kaya dali dali kaming umakyat

Mistique Academy-The Long Lost Princess of Mistica Kingdom (COMPLETED)Where stories live. Discover now