Part 1

19 1 0
                                    

- Jelo -

"Jelo!"

Jelo turned to her back when she heard someone calling her name. Napakunot naman ang kanyang noo ng makita ang kaibigan na ngayon ay papalapit sa kanya at naka-suot pa din ng pajama kahit alas-nuwebe na ng umaga.

"Why are you still wearing your pajamas, Liray? Hello! It's already 9 in the morning!" aniya at tinignan pa ang kanyang kaibigan mula ulo hanggang paa na sana ay hindi na lang niya ginawa dahil lalong sumakit ang kanyang ulo ng makitang tila hindi pa nasasayaran ng suklay ang buhok nito.

"It's okay, matutulog naman ako buong araw kaya useless kung magpapalit pa ako ng damit. Anyway, kaya kita tinawag ay makikisuyo sana ako," ani Liray at nag-labas ng pera sa wallet.

"Mukhang papasok ka na at alam kong may madadaanan kang grocery. Ibili mo naman ako ng 100 pieces ng yakult, please?" Sabi nito sa kanya at pilit na inabot ang 1000 peso bill na kinuha nito mula sa pitaka. Lalong nangunot ang noo niya dahil sa request ng kaibigan.

Liray has been her friend since they were born. Sa Village nila ay marami silang kaibigan at kababata ngunit ito ang tinuturing niyang pinaka-malapit sa kanya. At alam niya kung kailan ito masaya, malungkot at problemado. Katulad na lang ngayon na nais nitong lumaklak ng isang drum na yakult.
She sighed first before speaking. "I'll also buy your favorite peach mango pie sa jollibee. I'll be home early so wag kang matulog ng wala pa ako. I'll sleep over." aniya at nakitang lumiwanag ang mukha nito.

"Thank you, Jelo!" Niyakap siya nito bago umuwi. Napa-iling na lang siya at nagpatuloy na sa pag-lakad. She's now heading to her office kung saan kailangan niyang ipasa ang mga pinagpuyatang mga nobela. Hindi pa sana niya nais ipasa yun ngayong araw dahil coding ang kotse niya ngunit tinatalakan na siya ng kanyang boss kaya napilitan siyang lumakad.

Naghintay siya ng masasakyan papasok ngunit tinubuan na ata siya ng ugat sa paa pero wala pa ding dumadaan na jeep maski taxi. Kung kailan naman maisipan niyang mag-habal ay wala rin ang mga ito. Talaga ba?! Bakit parang ang malas ko naman ngayon.

It's already 10:15 AM at tirik na tirik na ang araw. Nararamdaman na niya ang pawis sa likod at noo. Lord, sige na. Pahingi na po ng masasakyan. Promise! Magpapaka-bait po ako ngayong araw!

Muntik na siyang mapa-talon ng biglang may bumusina sa kanyang gilid. Tinignan niya ang kinatatayuan pero nasa gilid naman siya at nasa tamang lugar ng pag-aabang ng masasakyan. At dahil sa pagka-insulto ay lumabas ang pagka-Gabriela Silang niya dahil sa lintik na driver! Lord, sorry! Paisa lang! Isa lang po talaga. Tuturuan ko lang ng leksyon itong kurimaw na ito!

Nag-lakad siya sa may pinto ng sasakyan at kinatok ang bintana nito.

"Hoy! Lumabas ka dyan! Bakit mo ako binubusinahan ha?! Nasa tamang pwesto naman ako lintek ka!" Dahil siguro sa sigaw at pagkatok ko sa bintana niya ay unti-unti niyang binaba ang bintana ng kotse. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makilala kung sino ang lintek este driver ng kotseng bigla na lang bumusina.

"Pietro?! Hoy Pietro! Bakit bigla ka na lang nambubusina ha? Tukmol ka talaga ka-teka! Hoy Pietro bakit ka natutulog dyan! Gumising ka at makinig sa akin!" Mataman niya itong tinignan dahil naka-pikit lang ang mga mata nito at gulo gulo ang buhok.

Magsisimula na naman sana siyang tumalak ng biglang dumilat ito at napasubsob sa manibela at sakto sa busina. Nairita siya sa tunog ng busina nito dahil parang nakaka-eskandalo kaya hinila niya ang ulo nito. Doon niya lang napansin na lasing pala ang binata at mukhang kagagaling lang sa gimikan.

"Nako naman! SK Chairman ka pa man din pero heto ka at kagagaling lang sa walwalan! Hindi ka talaga magandang modelo sa mga kabataan! Ngayon ko napatunayan na dahil lang sa charm mo kaya ka nanalo. Hay!" Patuloy pa rin na kanyang pagtalak habang pinipigilan ang ulo nito na mapasubsob muli sa manibela. Iniisip niya kung anong gagawin niya rito ngayon. Hindi naman niya ito pwedeng pabayaan lang dito sa kalsada dahil baka mapano ito. Kahit naman na sobrang baba ng crime rate sa kanilang village dahil sa mahigpit na barangay chairman nilang si Stefan ay ayaw pa rin niyang pakasiguro.

Natataranta na din siya ng makitang tumatawag ang kanyang masungit na boss. Napatingin siya sa oras at pasado alas-onse na pala! Patong patong naman ang kamalasan niya ngayon! Bakit ngayon pa?! Ngangawa na sana siya ng makaisip ng magandang ideya. Napangisi na lamang siya sa naisip na plano. She'll be hitting two birds with one stone. Hehe!

Adonis Village Series: My Charming ProfessorWhere stories live. Discover now