Prologue

17 0 0
                                        

"T-totoo ba?totoo bang niloloko mo lang ako?" Puno ng sinseridad ang kanyang boses.

"M-magpapaliwanag ako"

"So totoo nga,gaano katagal mo na akong niloloko ha!".sigaw niya

" hindi!hindi please makinig ka muna sa akin"pagsusumamo ko sakanya.

"Wag ka ng magpaliwanag!malinaw na saakin ang lahat!pano mo nagawa sa akin to ha!minahal kita!ginawa ko lahat para sayo!binigay ko lahat!tapos ganito lang yung gagawin mo sakin!gagaguhin mo ako" sigaw niya saakin.

Nakita ko sa mga mata niya ang sakit at galit,kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganyan.

"Please,makinig ka muna"hinawakan ko ang kamay niya pero tinabig niya lang ito.

" sinira mo yung tiwalang binigay ko sayo!lahat sinira mo!sirang sira na ako!akala ko totoo lahat!pero hindi!isa lang malaking kalokohan ang lahat!"tumulo ang luha sa kanyang mga mata napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Im s-sorry" humagulgol ako.

"Sorry!?bwisit!sa lahat ng ginawa mo sakin sa tingin mo patatawarin pa kita!sinaktan mo ako!durog na durog na tong puso ko!sa tingin mo mapapatawad pa kita sa mga ginawa mo ha!" Dumagundong ang kanyang sigaw sa loob ng aking condo.

Wala akong masabi,walang lumalabas na salita sa aking bibig.umiiyak lang ako habang nakatakip sa aking mukha ang aking mga kamay.

"Alam mo ang isang katulad dapat hindi minamahal,sinira mo ang buhay ko,sinira mo ang tiwala ko pati na rin ang puso ko.paano mo nagawa saakin yon" mahina niyang sabi.

"Ayoko ng makita ka,lahat ng mga ala alang ginawa natin dati ay maglalaho na lang ng parang bula.mula ngayon hindi na kita kilala.at sana hindi na lang kita nakilala" malamig na sabi niya.

Nanigas ako sa akin kinatatayuan,parang dinudurog ang puso ko.hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko,mahal na mahal ko siya.

"Wag mong sabihin yan,mahal kita ayokong mawala ka sakin".

"kalokohan!hindi ka pa ba tapos ha!sa tingin mo maniniwala pa ako sayo!".

" tigilan na natin to.mag mula ngayon hindi kana parte ng buhay ko,mula ngayon hindi na kita kilala.at yung pagmamahal na binigay ko sayo unti unti ko ng aalisin sa puso ko.dahil para sa akin hindi ka dapat minamahal dahin isa kang manloloko"malamig na sabi niya bago siya tumalikod sa akin at lumabas ng aking condo.

Humagulgol ako,kasalanan ko ang lahat kaya dapat akong mag dusa.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now