TDTV 1

6.5K 129 7
                                    


ALEX' POV

Sa isang lugar na kung saan wala masyadong magagandang tao, mukhang ako lang ang nagiisang maganda. May nakatira nga na isang magandang nilalang sa balat ng lupang inyong kinagigisnan, syempre mga bes ako na yun. Ako nga pala si Alexander but Alex will do, at gaya nga ng sinabi ko maganda ako.

" Hoy! Panget bumangon ka na nga diyan! Pakainin mo na mga baboy, hinahanap na nila kapatid nila ! " katok at sigaw ng ate kong panget! Panira talaga to palagi ng moment.

" oo diyan na! Alam kong gutom ka na ! " ganti ko sa kanya.

" hoy! Gagu ka ah? Lumabas ka diyan panget ng ma-highkick kita " sigaw naman niya

" wag na baboy kong ate, alam kong sumo alam mo hindi karate " at mas lalo pa niyang nilakasan ang katok niya sa pintuan ko, nainis na naman ang pikon.

" mama si Alex binu-bully na naman ako " sumbong niya. At wala na akong narinig na katok ulit. Haha, iyakin talaga tong ate.kong chubby. Sa totoo lang hindi naman siya mataba may laman lang pero pang laban ko na rin yun sa kanya pag tinatawagan niya akong pangit. Gaya nga ng sinasabi ko ako si Alex, 18 years of age, kasalukuyang 3rd year college.

Sunday nanaman at bukas monday nanaman, minsan nakakapagod din palang mag-aral pero shoot lang mga bess. Habang pinapakain ko ang mga baboy namin na tila gutom na gutom ay lumabas si ate may nagbigay sakin na papel.

" oh, panget, listahan to para pambili sa.palengke mamaya, diba ikaw ngayong araw ang mamalengke ? " si ate.

" wait lang ate。, kita mo nagseselfie pa ako dito " sagot ko naman at sumingit naman ate ko sa mga selfie ko. " ano ba yan, singit pa " sambit ko at ngumiwi lang siya.

" che! Bili mo na yan, para may lunch na tayo " pahabol ng ate habang bumalik na sa loob ng bahay.

Hay! Siguradong mapapalaban nanaman ako nito sa palengke, ayoko lang kasi sa isang nakapwesto dun na nagtitinda, palagi kasi akong iniinis at kinukulit. Kaya ayun, nagbihis na ako para pumunta sa palengke, syempre dapat kahit palengke lang punta ko dapat bihis ako. Malay niyo naman kasi nan dun pala si poreber. Haha lumabas na ako ng kwarto at nag paalam na kay mama at ate.

" oh? Alex nak? Saan lakad natin? " gulat na tanong ni mama

" ma, di ba pinautos niyo ko para mamalengke " sagot ko

" eh, nak parang pupunta kang magshopping sa mall ah, " sabi naman ni mama

" MAYGHAD! ALEX ! YUNg pabango mo abot hanggang dito sa sala " singit naman ni ate na nanonood ng tv.

" che! Manood ka na ngalang diyan! " sigaw ko.

" tsk! Sigi na nak, magingat ka nak " at umalis na ako ng bahay at nasa may highway na ako at nag aabang ng masasakyan, actually ayoko kong mag jeep pag namamalengke ako dahil may tendency na magkasiksikan. Kaya magtricy ako for today.

Nag hintay ako ng mga 15 minutes at lahat ng mga dumadaan na tricy ay may pasahero na. Hay naku! Nakaka stress na, sayang naman powder at cologne ko, nalulusaw na. At sa wakas may nakita akong tricy na may binabang dalawang lalaking pasahero na naglalambingan? What? Pero hindi ko yun pinansin at nagmadali na lamang papunta sa tricy.

" kuy... " ahm? Driver ba ito talaga oh ... Wait? Parang ang pogi naman ng tricy driver na ito. Napatitig ako ng matagal sa kanya habang siya ay nakangiting tumitingin sa pasahero niyang na ngayon ay naglalakad habang hawak ang kamay?!

" ang cute lang nila noh? Love really find its way talaga " biglang salita ng driver

" ahh? Kuya? Driver ka po ba ng tricy na ito? " hiyang tanong ko.

THE DRIVER OR THE VENDOR (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon