Chapter 25: Number 80

17K 700 32
                                    

XHIARA LANDELL

"Ate ang daya mo"

Tinawanan ko lang siya at isinangga ang kaliwa kong braso sa sipa niya. Gamit ang kanang kamay ay hinuli ko ito at ipinikot siya sa ere. Dumaing siya sa pagkakabagsak at tumayo agad.

Maaga pa at naisipan ni Alira na mag-exercise muna kami bago pumasok.

Lumapit ako sa kanya at pinuntirya ang mukha niya, sa sobrang gulat niya ay umiwas pero nadaplisan siya. Hindi malakas ang suntok, tama lang para hindi magkapasa.

Tumigil siya at hingal na umupo sa sofa. Tumingin naman ako kay Wyrro na nanonood sa amin.

"Ikaw naman"

"Ako?"

"Kailangan mo ng ensayo baka mahina na yang katawan mo"

"Sabi mo eh"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Isang dipa ang pagitan namin. Ngumiti siya at sumuntok sa akin na agad ko namang nasangga ng dalawa kong braso. Kumuha ako ng bwelo sa paa at isinipa mula sa gilid at natamaan siya sa tuhod kaya napaluhod siya.

Mabilis siyang bumangon at sunod-sunod akong sinugod ng kamao at paa niya. Sinabayan ko ang bilis ng galaw niya sa pagsugod. Bumwelo ang kanan niyang kamay at sumuntok sa tiyan ko. Umatras ako ng unti at inilagay ko ang kalahati ng lakas ko sa kamay ko at isinuntok ito sa tiyan niya kaya napa-atras siya. Habang sapo ang tiyan ay sumugod siya pero natigil ito nang magsalita si Alira na kailangan na naming pumasok at baka malate kami.

Umatras si Wyrro at dumaing habang nakahawak sa tiyan.

"Ops, sorry"

Lumapit naman ako sa kanya. Umangat siya ng tingin at umiling. Malakas ba?

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Umiling siya at tumuwid ng tayo. Akala ko ay napano na siya. Napokpok ko na lang ang ulo ko. Ka-kakain lang namin kanina tapos ngayon sinuntok ko pa siya sa tiyan. Malamang masakit yun.

"Ate sino isasali natin sa Armis of South?"

Ang sabi ay apat na araw na lang ay Armis Festival na. Hindi ko akalain na nagdidiwang sila ng ganito dito sa school. Sa dati kong school ay walang ganito. Puro pag-aaral sa pagpapalakas ng kapangyarihan at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa respeto.

"Ikaw na lang"

Pero kung sa bagay, gusto ko rin makaranas na rumampa suot ang aking power armor.

"Alam mo kasi Ate, lahat rarampa din suot ang kanya-kanyang armor. At sa bawat grupo kailangang may representative na sasali sa Armis of South. Rarampa sila na sila lang mag-isa at booom pipili na kung sino ang mananalo. At ang pipili ay ang dating nanalo, isang babae at isang lalaki. Isang karangalan sa grupo kapag nanalo ang pambato. Kaya I suggest na ikaw na lang ate Yara ang sumali at si Wyrro para sa lalaki"

Tumango pa si Wyrro na sang-ayun sa sinabi ni Alira.

"Okay" sasali ako.

Pagdating namin sa room ay umupo lang kami sa pwesto namin habang hinhintay ang guro namin. Ang iba ay kanya-kanyang nag-uusap at nagkukwentuhan.

Dumako ang tingin ko sa grupo ng Ablaze. Nagkasalubong pa kami ng tingin ni Kyzen. Pero siya ang unang umiwas at bumaling sa mga kasama niyang nagkukwentuhan.

Bumalik sa harapan ang tingin ko nang dumating ang guro namin.

"Good morning students. Malapit na ang Armis Festival kaya kailangan na naming malaman kung sino-sino ang isasali sa Armis of South. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para magdesisyon kung sino sa bawat grupo ang sasali. At kapag meron na ay pumunta sa harap ang napili para sa babae at lalaki. "

Nagkatinginan kaming tatlo.

"Mamaya na"

May pumunta na sa harap. Dalawa pa lang lalaki. Dahil ang ibang grupo dito ay puro babae ang miyembro. Hanggang sa dumami na sila sa harap.

Tumayo sina Kyzen at Shana sa kanilang upuan at pumunta sa harap.

"May nanalo na"
"Siguradong panalo na sila"
"Si First"

Naunang tumayo si Wyrro kesa sa akin. Sumunod ako at lumakad kami papunta sa harap. Ang kaninang maingay ay tumahimik.

"Ok na si Wyrro, hindi na siya kailangan"
"Magkalaban ang magpinsan"
"Bakit siya kasali?"

"Mananalo yan si Ms. Mask"
Tumingin ako sa umigaw nun at nakita kong galing ito sa grupo na nakapwesto isang grupo bago sa amin. Tatlong babae at isang lalaki, Mukhang ang isa nilang kasama ay nasa unahan din namin. Dahil sa room na ito ay kami lang ang tatlo sa isang grupo.

Katabi ko pa si Kyzen sa kanan ko. Ewan ko pero may iba akong nararamdaman nung sumagi ang braso niya sa braso ko. May kakaiba.

Ganito ba kapag nagugustuhan mo ang isang tao. Hindi ka mapakali habang katabi siya.

"Sasali ka talaga, baka matalo ka" bulong niya sa akin. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Wala kang tiwala sa akin?" bulong ko rin sa kanya.

"Ang lahat ng nakaupo ay tutulong sa pag-aayos ng field at sa Stage. Ang mga nakatayo ay sumunod sa akin." lumabas ang guro namin at sumunod naman kami.

Kasabay ni Kyzen si Shana sa paglakad ako naman ay si Wyrro.

"Bakit ang tahimik mo?" Tumingin sa akin si Wyrro nanakakunot ang noo.

"Ako kausap mo?" sabi niya habang tinuturo ang sarili.

"Yung katabi ko"

"Ehh, iniisip ko lang na magkalaban kami ni Insan. Sinong mananalo sa amin?" Kumunot pa ang noo niya.

"Kung makasabi ka akala mo kayong dalawa lang ang magkalaban. Tandaan mo buong school at marami pang lalaki na."

"Ito naman eh, malay mo maiwan kami sa dalawang pagpipilian kung sino ang panalo"

"Tss."

Pumasok kami sa double door na kwarto at bumungad sa amin ang malawak na room.

Meron na ring mga estudyante at isa sun si Ayline na nakakunot ang noo habang tinitingnan ako. Nagtataka siguro kung bakit kasali ako. Wala namang nagsabi na hindi ako pwedingg kasali kaya hindi ko na problema kung ayaw niya sa akin.

Sa dami ng babae dito ay hindi ko alam kung mananalo ako. At sa dami namin isa lang ang mananalo.

"Ang daming pa-gwapo hindi naman gwapo -___-"

Anong problema nitong lalaki na ito.

"To all representatives, bumunot kayo sa ipinapalibot na box para malaman kung anong contestant number kayo para sa contest."

Tumapat sa akin ang box kaya bumunot ako. Bumunot rin si Wyrro pagtapos ko.

"Lahat ng kasali ay 80 contestants. 48 girls and 32 boys. Wag niyong walain ang number niyo dahil gagamitin niyo yan sa practice bukas. Ang practice niyo ay tuwing 3 pm. See you tomorrow"

Ibinulsa ko ang number ko at niyaya si Wyrro na umalis na.

"Teka---Anong number mo muna? Number 3 ako"

Tiningnan ko siya ng matalim bago sumagot.

"Number 80"

×××××

A: Ngayon lang ako naka-ud. ^.^V
Thank you sa paghihintay.

South AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon