XLII

2.6K 59 8
                                    

Early update dahil #116 ang DTS sa rankings ng fanfiction. Thankyou sa inyo lahat na readers 💕😍 Salamat sa pagmamahal sa AD FEVER!💕






Alyssa Valdez

   "Ma'am Aly, Eto na po yung pina-photocopy nyo." Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Hindi ko sya hinintay na lumapit sakin dahil tumayo na ako para kunin ito at dali-dali kong binasa.

Kakatapos lang nang meeting namin at wala naman kahit anong problema kaya makakapag pahinga na ako. Dahil ilang araw kong pinagpuyatan ang presentation na ginawa nang team ko para maipresent sa board members.

To Love;

Hi love. How's your day? Pwede ka bang maidate ngayon?

Todo ngiti kong ni send sakanya at nagintay ako ng ilang minuto at hindi naman ako nabigo dahil nakatanggap na ako agad ng reply mula sakanya.

From Love;

Coffeshop near at your company. I'm with Myco.

Agad akong napasimangot sa text nya at mabigat ang loob na nagreply.

To Love;

I guess It's a no. Next time na lang tayo magdate 😊

Nilapag ko ang phone sa desk ko at sumandal sa swivel chair ko. Nag beep ang phone ko pero hindi ko pinansin at pumikit pero tumunog ulet yun at tumawag pa. Tsk! Minsan na nga lang ulet ako mag aya dahil naging busy ako tapos may kadate pa lang iba.

Tumigil sa kakatunog pero ang telepono ko naman sa opisina ang tumunog kaya agad kong sinagot ito dahil baka si Dad o si Grandpa ang tumatawag.

"Hello"

"Alyssa Caymo Valdez! Pwede wag kang selosa at bumaba ka puntahan mo ako dito! I'm giving you 10 minutes to be here kung hindi sasagutin ko si Myco!"

"Den ano ba yu-" Nakarinig ako nang mahabang tunog kaya agad akong tumayo at tumakbo palabas ng opisina. Langya! Ang lakas manakot ng babaeng yun....

Tsk! Bat ngayon pa! Ang tagal pa ng elavator! Hays no choice kaya tumakbo ako papalapit sa fire exit pababa dahil yun na lang ang paraan ko. 10th floor is not bad naman diba? Abot naman ng 10 minutes. Binilisan ko pang tumakbo hanggang sa nakarating ako sa labas ng building at 1 and half minutes na lang natitira sakin.

Dali-dali akong tumawid sa coffeshop na malapit sa company namin at nadatnan ko sya na tapat nito kaya agad akong lumapit at saglit na nagpahinga.."Mahal mo talaga ako no?" Sabi nya na agad na kinakunot ng noo ko.

"Ayaw mo akong mawala talaga sayo?" Tanong nya habang nakangiti ng sobra. Tumango ako sa tanong nya dahil totoo naman hindi ko na kayang mawala pa sya sakin.

"Your done with your work?" Tanong ni Dennise kaya napatingin ako sa relo as of now tapos na dahil 7 na. Wala na naman akong gagawin na kailangan kong i-overtime.

"Let's go for a dinner?" Tanong ni Den na agad akong sumangayon dahil gutom narin ako at napagod sa tinakbo ko. Tumawag ako sa parking lot ng companya at ipahatid dito ang kotse ko na agad naman dumating.

Dating the Superstar (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon