Chapter 23: The Vessel

Magsimula sa umpisa
                                    

"And how did he take it?" tanong ni Father Markus. "Ang pag-alis ni Lucas."

"He was very angry, of course," ani ng Don. "Naging rebelde siya. Maybe, the reason why Miguel joined those cults. Those Satanists."

"Nang mawala si Lucas, Miguel was never the same," sabi naman ng Doña.

Saglit silang natigilan at inabsorb ang mga bagay-bagay. Sinabi nila sa mag-asawang Villaromano ang balak nilang Double Exorcism.

"Can you do it? Can you free our sons of the devil?" tanong ng Doña at tumingin sa pari. "Father?"

Napatingin sina Jules at Hannah kay Father Markus, hinihintay ang kasagutan niya. Pero, walang tiyak na kasagutan ang pari, wala siyang mai- promise.

"We'll double your fee!" hudyat ni Don Carlos.

Nagkatinginan sina Jules at Hannah. Doble ng fee ay P800k.

"Okay, let's make it a million and a quarter!" sabi ng Don.

"We...we'll do our best," sabi ni Father Markus.

"Bless you, all," sabi ng Doña. "Alam naming matutulungan n'yo kami."

Matapos ang paguusap ay nagtungo sila sa basement. Gising na si Miguel at present si Satanas. Nakaupo sa kama at nakataling mga kamay sa frame nito.

"Welcome back, Father," sabi ni Satanas. "Mukhang naging busy kayo."

"Alam na namin ang tungkol kay Lucas," sabi ni Father Markus.

Ngumisi ang binata at lumabas ang naninilaw niyang mga ngipin. "About time," aniya. "Nag-confess na ba ang Don ng kanyang mga kasalanan? Kanyang pagkakamali?"

Humakbang palapit si Don Carlos.

"Give me back my son!" sigaw niya. "Binabawi ko na'ng sinabi ko! I take it back!"

"May kasunduan tayo, Carlos. We have a deal," sabi ng dimonyo. "Pinapili kita kung si Lucas o si Miguel. A deal is a deal."

"Then I take it back!" sabi ng Don.

May na-realize si Jules.

"Kung may kasunduan na pala kayo, bakit mo pa kinukuha ngayon si Miguel?" tanong ng parapsychologist.

"Oo nga! Bakit mo pinossess si Miguel?" sumbat ni Hannah. "Kung hindi naman pala kasama sa deal n'yo?"

"Kapalaran na ng kambal ang mamatay," umpisa ni Satanas. "Iyon ang kanilang fate. Na itinakda ng sino pa kundi ng Diyos n'yo. Kung hindi sa akin..." at tumingin siya sa Doña. "...ay namatay na sila sa sinapupunan mo palang. Binuhay ko sila. Binigyan ko ng magkahiwalay na atay," at tumingin naman sa Don. "Binigyan kita ng milagro, Carlos. Pasalamat ka sa grasyang ibinigay ko."

"Blessing? You call this a blessing?!" galit na sabi ni Don Carlos.

Pero alam ni Jules na pawang mga katotohanan ang sinabi ni Satanas. Ang kaso ng mga conjoined twins ay napaka-rare, only 1 out of 50,000 pregnanices, at may mababang mortality rate. Sa kaso nina Miguel at Lucas, 28 percent ang namamatay in utero, 58 percent after ng kapanakan at 18 percent sa mga ito ang namamatay within 24 hours. Mahirap mang tanggapin, pero sa tulong nga ng kapangyarihan ni Satanas ay nag-survive ang dalawa. Nguni't, mapaglinlang ang dimonyo, sa katotohanang isiniwalat niya'y may kasamang kasinungalingan.

"Hindi pa rin iyon rason para angkinin mo si Miguel," sabi ni Father Markus.

"Bingi ka ba, Father?" sabi ng dimonyo. "Iisa lang ang fate nina Miguel at Lucas. Sa madaling salita, kung ibinigay mo sa akin ang kaluluwa ni Lucas, ibig sabihin ay sa akin din ang kaluluwa ni Miguel. Buy one take one." At tumawa ng malakas ang dimonyo.

Pumutok sa galit si Father Markus."Hindi sila mga bagay! Hindi sila mga laruan na binibili mo lang ang kaluluwa!" sigaw niya.

"Ah...d'yan ka nagkakamali, Father. Lahat ng ito'y laro lamang," sabi ni Satanas. "Pinaglalaruan na kayo ng Diyos simula pa lang nang nilika niya kayo. Ang buong kasaysayan ng mundo, ng tao ay isang laro at siya ang nagtakda ng mga rules. Kinagat n'yo ang mga patibong na nilagay niya. Kinain nina Adan at Eba ang prutas. Siya ang nagdala sa inyo ng sakuna, ng sakit, ng cancer, ng giyera. Mga piyesa lang kayo at siya ang nagro-roll ng dice. Tinitignan niya kung hanggang saan kayo tatagal. Kung sino ang aayaw. Kung sino ang mananatili sa laro. At kapag nagsasawa na siya ay isinasama niya ako sa kanyang game."

Huminto saglit si Satanas para tignan ang mga reaksyon nila. Walang makapagsalita.

"Ngayon, tatanungin ko kayo," ngiti ni Satanas. "Nag-eenjoy ba kayo?"

Hindi na nakapagtimpi si Father Markus at kanyang inilabas ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz at kanyang itinapat ito kay Miguel. Nguni't tulad ng dati, bago magapi ng kapangyarihan nito si Satanas, ay bigla na lamang siyang naglaho sa katawan ni Miguel.

Nagsilabasan sila ng kuwarto na mga talunan.

Nagpaalam sina Father Markus, Jules, at Hannah sa mag-asawang Villaromano at nangakong babalik matapos ang gagawin nilang raid sa kuta ng mga Satanista. Pagabi na at inabutan na sila ng traffic sa Makati. Napagdesisyunan nilang magpalipas muna ng oras at nagtungo ng Starbucks. Sa labas na veranda sila naupo. Ang ibang mga mesa ay okupado ng mga teenagers na pulos busy sa kani-kanilang mga cellphones na hindi na sila halos nag-uusap. Maliwanag ang Starbucks sa makukulay na Christmas lights. May ambient music na tumutugtog. Karamihan sa mga customers ay galing sa pagsho-shopping, katabi nila ang mga pinamiling mga regalo.

Kapuwa umorder sina Jules at Hannah ng Frapuccino. Si Father Markus ang paborito niyang Caramel Macchiato.

"Well, natakasan na naman tayo," sabi ni Jules habang humigop ng kape.

"At least nasagot ang tanong kung bakit pinossess ni Satan si Miguel," sabi ni Hannah. "Nakuha na niya si Lucas, pero gusto pa niyang makuha si Miguel! Mukhang may fascination lang siya sa identical twins."

And with that, biglang may na-realize si Jules at napapitik ng daliri. "That's it!" aniya.

"Ha?" Anong that's ano?" pagtataka ni Hannah.

"Go, Jules, anong iniisip mo?" tanong ni Father Markus, alam niyang may naglalarog teorya sa isipan ng parapsychologist.

At sa sumunod na pangungusap ng parapsychologist ay napaigtad sina Father Markus at Hannah. Tinignan sila ni Jules at sinabi:

"Kungidentical twins sila. May possibility na hindi possessed si Miguel!"


NEXT CHAPTER: "The Twin Enigma"

Ang Dalawang Anino ni SatanasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon