Chapter 5

325 4 0
                                    

“Freeenchhh!”

Napatingin ako sa tumawag saakin at natawa ng makita kong si Frank lang pala. Binaba ko muna ung Literature book ko at humarap ako sakanya ng makarating na siya sa kinauupuan ko. Normally dito lang ako sa ilalim ng puno nagaaral, hindi kasi ako sanay mag-aral sa library.

“Oh, anong meron?”

“Have some ice cream first.” Inabot niya ung Cornetto at tinanggap ko naman.

“Namiss lang kita.”

Natawa ko, “Sus. May kailangan ka noh?”

Napatingin siya saakin, “I do really need your help.”

“Ano ba yun?”

“Kailangan kong makakuha ng higher than 82 sa general average ng final grade ko, kung hindi, out na ko sa team.”

Basketball is really important for Frank, so sobrang masasaktan lang siya kung mawawala siya sa team. Nalaman ko un sa halos two weeks na siya ang lagi kong kasama. Pakiramdam ko tuloy siya na ung bestfriend ko kasi naging busy na si Julie since last week pa for her cheerleading competition.

“Okay, kailan mo ba gustong magsimula?”

Alam ko na kasi agad ang ibig sabihin nun, gusto niyang magpaturo.

“Siguro ngayon? I’ve got only a week to study all of my six subjects.”

“Sure. Magstart na tayo sa Literature since un ang inaaral ko ngayon.”

Nagsimula na kong magturo and in order for him to hear me clearly, lumapit pa siya. Our skins touched and nakaramdam ako ng kuryente na dumadaloy sa loob ng katawan ko.

Seduce HimWhere stories live. Discover now