Chapter 2

458 6 0
                                    

Paika-ika akong naglakad papasok ng gym kung saan gaganapin ung game, sobrang ang hirap maglakad ng nakaheels with red tube dress na above the knee yung haba.

Ako lang ba to or tinitignan nila akong lahat habang papasok ako ng gym? Nakakailang lalo na’t hindi ako sanay ng pinagbubulungan.

Feeling ko it took me years bago ako nakapasok sa loob ng gym, and nakita ko agad si Julie sa gilid kasama ng squad niya at nagpapractice. Wait, nabanggit ko ba na captain din siya ng cheerleading squad? Oo, astig noh? Pero wala pa yung mga players, mukhang napaaga ata ako. Tumingin ako sa bleachers and marami-rami na ung audience. Ngayon lang ako manonood ng ganitong game kaya hindi ko alam kung anong mangyayari, sana hindi ako mabored.

Nakatayo lang ako dito malapit sa entrance habang pinapanood sila Julie nang may biglang bumangga sakin galing sa entrance. Hindi ako sanay sa heels kaya siguro nawalan agad ako ng balance.

Napasigaw na lang ako dahil alam kong malalaglag ako at isa na namang kahihiyan to kasi ang ganda ng suot ko pero napaka clumsy ko pa rin. Pero hindi ako nalaglag, dahil may sumalo saakin.

Three inches lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko, feeling ko maduduling na ko dahil sa sobrang lapit niya. Nakasandal ako sa arms niya na nasa waist ko. Hindi ko akalain na biglang titibok ung puso ko, ngayon ko lang to naramdaman. Anong gagawin ko? Itulak siya? Or hayaan ko na lang na siya ang tumulak saakin? Oh, French, relax. Breathe in, breathe out.

Inalis din niya ung kamay niya sa waist ko when I finally found my balance, hindi ako makatingin sakanya dahil sa kahihiyan.

“I’m sorry.”

He apologizes and I just showed a thumbs up sign showing na okay na ko and then nagmadali na siyang pumunta sa gitna ng court.

Naramdaman kong pinagbubulungan na pala ako ng mga babae sa gilid ko, that’s when I realized na familiar ung guy na nakasalo saakin. Hinanap ko siya sa court, and there he is, nagsstretch kasama ng iba niyang teammates. Tama nga ako, si Frank Magalona yun.

Napaka engot ko. How can I make him fall in love with me kung un na agad ung nangyari sa first meeting namin? Paano na lang ung first impression niya sakin? The clumsy girl na halatang hindi sanay sa heels pero nagheels pa rin because she’s trying hard? Oh, Papa Jesus, kunin mo na ko please.

May bigla akong naramdaman na light sa may kaliwa ko. Dejk lang po Papa Jesus, pagbubutihin ko na lang next time.

Tumingin ako sa direction kung saan nanggagaling ung light and it’s just from Julie’s phone lang pala.

“I thought you were making that ‘Kunin mo na ko, Papa Jesus’ face so I decided to help Papa Jesus na ituro ang light sayo.” Asar ni Julie saakin.

I just made a ‘Whatever’ face to her and natawa lang siya.

Seduce HimWhere stories live. Discover now