*SIMULA???*
*BOG*
Pupungas-pungas na bumangon si Adella...
naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang alarm clock na nakapatong sa bedside table niya.
7:10 am...
maaga pa para pumasok sa office kaya nanatili lang siyang nakahiga sa higaan niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Syete! may meeting pa pala kami mamaya!"
dali-dali siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo...
isang oras pa naman lagi kung magbabad siya sa banyo.
at dahil late na siyang nagising... nabawasan yun ng 30 minutes...
buhos ng tubig....
shampoo...
sabon at kuskos ng panghilod...
banlaw...
shampoo ulit...
sabon ulit...
banlaw ulit...
conditioner...
brush ng teeth...
facial wash...
banlaw ulit...
and viola! after 30 minutes ay natapos din siya sa paliligo...
after another 10 minutes ay nakabihis na si Adella at nag-kakape...
'kasalanan 'to ng site na yun,eh... pinahirapan ako...' sa isip niya.
~~~~PUBLISHING HOUSE~~~~
"MORNING, ADELLA!" sabay-sabay na bati sa akin ng mga katrabaho ko.
*oh, by the way... I'm Adella Mendez, 24 yrs old, single and i work here as EDITOR/FREELANCE WRITER...
hahaha... nagsusulat lang ako pag trip ko...
kahit gumamit pa ng blackmail ang boss ko ay hindi niya ko mapapasulat ng sapilitan...*
"Morning din..." sabi niya.
"Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon?" tanong ni Pain, ang ka-close niya sa mga ka-trabaho niya.
"Antok pa ko." mahina niyang sagot.
"Tsk! nanood ka lang yata ng porn movies kagabi kaya ka napupuyat,eh..." biro ni Pain.
She grimace at the thought.
"Nakakadiri naman yang mga naiisip mo, Pain." inirapan niya ito bago umupo sa pwesto niya.
"Eh, ano ba kasi ang dahilan ng mga eye bags mo?" lumapit ito sa kanya at pinakatitigan siya ng maige.
She shoved her away bago bumuntong-hininga.
"Insomnia." maikling sagot niya.
Dinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito.
"Para saan naman yan?" taas ang kilay na tiningala niya dito.
"Wala!" tumalikod na ito at bumalik sa sarili nitong desk.
Napapailing na tinitigan niya muna ito bago inasikaso ang mga folder files na nakapatong sa sariling mesa. kailangan niya na iyong i-sort out bago magsimula ang meeting.
Halos mag-dadalawang oras na rin ng matapos niya ang mga kailangan niyang gawin.
Nakangiti pa siya habang nag-iinat ng bilang bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki. Matangos ang ilong, malalantik ang pilik-mata, not so reddish lips but so tempting(kahit hindi nakangiti)... in short, GWAPO at malakas ang appeal!
Kasabay ng pag-angat ng kilay nito ay ang malakas na pagtikhim ni Rusty, ang CHIEF EDITOR ng company nila.
"Oh, well, Miss Adella... i hope tapos ka na sa pagsusuri mo sa bago nating boss." he smirked before handing me a two folders.
"I-I'm..." she stuttered before taking the folders. "I'm so sorry, sir!" bigla siyang nag-bow habang nakatakip ang mga folders sa mukha.
ilang segundo din siyang nakayuko bago niya narinig ang mga yabag na papalayo sa kanya.
"You better behave next time, Adella. Tsk! Mukhang terror ang new boss natin." mahinang sabi ni Rusty bago ito sumunod sa papalayong lalaki.
"All of you!" Malakas na sabi ng matangkad na lalaki. Napatingin silang lahat sa nagsalita. "We're going to start the meeting within ten minutes. And i want everyone in the conference room before..." He paused as he looked at his watch, "before ten." pagkasabi niyon ay tumingin ito sa gawi niya bago tumalikod at pumasok sa office nito.
Nang makapasok na ito ay saka lang niya napansin na pigil-pigil niya ang sariling huminga. ibinuga niya ang naipong hangin sa baga at napahawak sa dibdib.
"Syete! ano bang nangyayari sa akin? bakit ang bilis yata ng tibok ng puso ko?" bumuntong-hininga siya, "Ang sarap sa pandinig ng boses niya... pero bakit nung titigan niya ko, parang ang lungkot ng mga mata niya?!" inilapag niya ang mga folder sa desk at saka umupo. "Tsk! ano ba?! Wala akong paki sa mga lalaki! at wala akong pakialam sa bago kong Boss! OO, gwapo siya! HANGGANG DUN LANG YUN!"
Natigil siya sa pagpapahinahon sa sistema niya ng tapikin siya ng malakas sa balikat. Nang lingunin niya kung sino ay si Pain lang pala na nagsusuklay pa ng buhok.
"Para kang nakakita na multo,ah!" nakakunot pa ang noo nito.
"Anong multo ang pinagsasasabi mo diyan?" inirapan niya ito bago tumayo para pumunta sa conference room.
"Uuuyyy! Excited siyang makita ulit ang bagong boss!" tudyo nito sa kanya.
"Tigilan mo nga ako, sakit! baka ikaw ang excited diyan? panay ang suklay mo diyan sa boyish hairstyle mo... para namang may itutuwid at ihahaba pa yan.!" naka-pout na sabi niya dito bago ito tuluyang iniwan.
Tinawanan lang siya nito bago ito sumunod sa kanya.
(TO BE CONTINUED)
