Chapter 6 - I miss you :(

2.8K 56 7
                                    

Chapter 6 - I miss you :(

[Rein's POV]

Naglakad na ko palayo pero bigla niyang hinawakan yung braso ko.

"wait," sabi niya. "pwede bang i-explain mo muna sakin kung ano talagang nangyayari?"

"wala naman akong kailangang i-explain.. wala namang nangyayaring kakaiba, ang gusto ko lang, lumayo ka muna sakin, na hindi mo muna ko pansinin."

"Rein.."

"... alam mo kasi, sikat ka.. kilala ka ng lahat sa school. simula nung naging close tayo, napakaraming babae ang nanggugulo sakin, pinipilit nila ko na ibigay ko yung number mo sa kanila, lagi na lang nila kong iniistorbo. nakakinis na.. kaya, kung pwede lang, para matigil na lahat ng yun.."

"layuan mo na ko.." 

dumating na rin yung jeep. inalis ko yung pagkakahawak niya sa braso ko at sumakay na ko ng jeep, naiwan siyang mag-isa dun sa kinatatayuan niya.

pagdating ko sa school sinalubong agad ako ni Angeline.

"Rein!" 

>.~ ano namang kailangan nito sakin ng ganito kaaga? babadtripin yata ako agad neto ehh.

 "bakit hindi ka na sumagot kagabi?"

ayy, oo nga pala noh? tumawag nga pala to kagabi.

"ahh. inaantok na kasi ako eh, kaya nakatulog ako. sorry. "

"ganun ba. ok lang!" :) 

dumiretso na lang ako sa paglalakad. ayoko muna siyang pansinin ngayon.

as usual. yun pa din ang usapan ng lahat. 

maya-maya pa. dumating na din si Johnny. medyo awkward dahil dun sa naging conversation namin kanina. hindi ko nga siya kayang tignan ngayon eh. lumalapit siya sakin, pero ako naman, layo ng layo.

hindi ba niya naintindihan yung sinabi ko sa kanya kanina! ang kuliiiiit! >.<

pero kakilig ah? hahaha. =D 

kung hindi lang naman dahil dun sa nangyari, hindi ko naman talaga siya kailangang layuan eh.

kaso parang...ayy, basta! nandito naman ako! ako na mas close sa kanya. ako na mas nakakakilala sa kanya. bakit si Angeline pa?! hindi ba niya ko makita?! tsss. T_T

break time.. eto nanaman si Angeline, mukhang hindi nagsasawa sa pagkukwento tungkol sa love life niya. nagkakatinginan na nga lang kami ni Macey eh

 maya-maya, biglang nagsalita si macey.

"Angeline! ano ba?! hindi ka ba nakakahalata?! wala ka bang pakiramdam? wala kaming pakialam sa mga kinukwento mo! isa pa, alam mo naman na gusto ko rin si Johnny di ba?! nakakainis ka talaga!"

huwaw! nagulat ako sa sinabing yun ni Macey. yes, ganyan talaga ang ugali niya. prangka pero minsan nakakainis na. natahimik na lang kami ni Angeline. si Macey naman, ayun, mala teleserye ang peg. nag-walk out with matching tears. NAKAKALOKA! O.A na ahh?! sarap batuhin ng lamesa ehh!

[Johnny's POV]

habang naglalakad ako papuntang tindahan kaninang umaga. nakasalubong ko si Rein. tamang-tama, may sasabihin ako sa kanya.

tinawag ko siya. "Rein!" 

"oh?"

"may sasabihin nga pala ko--"  sabay pa naming sabi.

pero pinauna na niya ko.

"oh sige.. kasi.. dahil... alam mo na... ano... kasi... diba, nililigawan mo yung Bestfriend ko, si Angeline?.."

Mr. Heartthrob broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon